Elena's POV
Medyo umaambon na noong makarating kami ni Luna sa lugar kung saan ang shooting nina Kassandra.
Isa itong scene kung saan nasa park siya kasama iyong bidang lalaki na katambal niya.
Nakakainis na minsan. Hindi ko mapigilan ang magselos sa poging katambal niya na iyon. Eh mukhang type na type niya si Kassandra ko even in real life eh! Hmp.
Kailan ba kasi matatapos iyong teleserye na ginagawa nila nang hindi na sila nagkikita palagi. Tss!
Mukhang nag-break na muna ang mga ito habang pinapatila ang may kalakasang pagbagsak ng ambon.
Agad na napansin ko rin iyong mga nagkalat na fans ni Kassandra sa paligid na naghihintay lamang ng tyempo para sa autograph at makapagpa-picture sa kanya.
Iyong iba ay mayroon pang hawak na tarpaulin na mayroong mukha niya, habang iyong iba naman ay may malaking placard kung saan may pangalan niya at kung anu-ano pa.
"Here! You can use this. Mahirap magkasakit." Ani ni Luna bago inabot sa akin ang isang itim na cap na mayroong tatak na nike.
"Salamat."
Kinuha ko iyon sa kanya, isinuot bago tuluyang lumabas mula sa loob ng kanyang sasakyan.
Kailangan pa kasi naming tumawid sa kalsada dahil nasa kabilang bahagi nito ang park kung saan ang tent ni Kassandra, kasama ang iba pang cast na kasama niya sa scene na sino-shoot nila.
"Luna." Pagbanggit ko sa pangalan nito habang naghihintay kami na maging kulay green ang light sa pedestrian lane.
Agad naman na lumingon ito sa akin.
"Alam ba ni Kassandra na pupunta tayo rito?" Tanong ko sa kanya.Parang bigla kasi akong nakaramdam ng hiya lalo na at hindi naman ako kilala tapos lalapitan ko siya.
Mabuti itong si Luna eh kilalang tao at alam ng buong Pilipinas na mag-bestfriend sila.
Bukod kasi sa kilala rin ang kompanya nila Luna eh kilala rin siya bilang isang commercial model.
"Nope. But don't worry, I got you." Cool lamang na sabi nito bago marahan na hinila na ang aking braso nang mag GO na ang light at agad na tumawid kami.
Noong makatawid na kami ay agad na iginala ko ang aking paningin sa buong paligid. Sinusubukang hanapin ang mukha ng babaeng gustong-gusto ko nang makita sa mga sandaling ito.
"Uhh, Elena. Do you want coffee?" Tanong ni Luna sa akin. "Bibili lang ako ah." Atsaka ito mabilis na umalis sa tabi ko at agad na nagtungo sa pinakamalapit na coffee cart kung saan merong mga mukha at standee rin ni Kassandra.
Grabe! Ang dami namang nag-i-sponsor sa kanya. Bukod kasi sa coffee cart na nakikita ko ngayon, meron pang iba't ibang cart sa paligid na merong mukha niya katulad ng energy drink, drinking water na nasa bottle, snacks at iba pa.
Siya na talaga!
Sobrang taas niya at hindi ko ma-reach. Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng panliliit sa sarili ko.
Paano naman kasi iyong babaeng lihim na minamahal ko, na first love ko eh isang sikat na superstar at mahal na mahal ng buong bansa.
Tapos ako, heto lang, isang chef na hindi pa alam kung anong plano ang gusto sa buhay. Hayyyy.
Nawala ang pag-iisip ko nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko.
Agad na kinuha ko iyon mula sa bulsa ng pants ko. Awtomatikong gumuhit ang malawak at matamis na ngiti sa aking labi nang makita ang pangalan ni Kassandra sa screen atsaka ito agad na sinagot.
Halos tumalon sa tuwa 'yung puso ko nang marinig ko na ang boses niya.
"Where are you?" Agad na tanong niya sa akin.
Napaisip pa ako sandali kung sasabihin ko ba sa kanya kung nasaan ako or what, nang magpatuloy siya sa kanyang pagsasalita.
"Dahil hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ikaw talaga itong magandang babae na nakikita ko ngayon." Banat niya bago narinig ko itong natawa ng mahina.
Ako naman itong literal na kinikilig sa kanya ay mas lalong lumawak pa ang mga ngiti na animo'y mapupunit na ang labi.
Ay talandi. Tuyo ng aking isipan.
Mabilis na iginala kong muli ang aking paningin sa paligid. And there, I saw Kassandra standing outside her van looking straight in my direction.
Kumaway ito sa akin at agad na inihakbang ang kanyang mga paa.
"Stay there. I'm coming for you." Utos niya.
"H-Ha? Eh kung ako na lang kaya ang pumunta riyan sa'yo dahil baka pag piyestahan ka ng mga fans mo."
"Basta. 'Wag ka nang makulit." Saad niya at ibinaba na ang tawag.
Ako talaga ang makulit ah. Napapangiti na lang ako sa aking sarili. Siguro mas mabuti kung sasalubungin ko na lang siya.
Tama!
Palapit na kami sa isa't isa nang bigla na lamang siyang harangin ng kanyang mga fans at agad na napagitnaan. Hanggang sa tuluyang na corner siya at hindi na makaalis pa.
Sinasabi ko na nga ba eh! Tsk.
Sandaling napatingin pa siya sa akin ngunit agad ding ibinalik nito ang kanyang atensyon sa mga fans niyang kinukuhaan siya ng litrato at nagpapa-picture sa kanya.
Habang ako naman ay kusang natigilan at napako ang mga paa sa aking kinatatayuan habang pinanonood sila.
Gustuhin ko man siyang lapitan, hilain ang kamay niya para itakas siya katulad ng mga napapanood ko sa mga pelikula, pero hindi pwede.
Hindi ko pwedeng gawin iyon dahil tiyak na mag-iiwan lamang ng maraming katanungan at haka-haka sa mga tao lalo na sa mga fans niya.
So, instead na humakbang ako patungo kay Kassandra ay inihakbang ko na lang ang mga paa ko paatras, tumalikod at hindi na siya muling nilingon pa.
Ba't ko ba kasi naisipang sumama rito kay Luna eh hindi naman ako basta-bastang makakalapit kay Kassandra.

BINABASA MO ANG
My First Love Is A Superstar (GirlxGirl) COMPLETED
RandomI love her. But all I can do right now is love her from afar. Kasi sino ba naman ako para mapansin pa niya, 'di ba? Isa pa, hindi naman na niya ako makikilala. She is a superstar now. Hinahangaan, pinagkakaguluhan at tinitilian ng marami. Napakalayo...