Sandali akong nauntog sa dulo ng drawing table ko. My color tubes were scattered on the floor. Napapikit ako sa pagnuot ng sakit kaya agad kong minasahe ang noo ko.
"Santiago... totoo ba iyong balita?"
Suminghap ako. Agad kong kinuha ang mga nagkalat kong gamit sa sahig habang iyong isang kamay ko, minamasahe ang noo ko dahil takot akong magkabukol.
I sighed again. Pang pitong beses ko na iyon. Na-stress kasi ako bigla dahil nagkakaroon na naman ako ng panic attack. Halos hindi ko magawang igalaw ang kamay ko para magpinta.
"Nagsumbong ka na ba?" si Amanda.
Umiling ako. "Walang pruweba."
Gusto kong magmura. Totoo pala iyon? Iba talaga ang nagagawa ng inggit... akala ko sa mga pelikula lang nangyayari iyon pero sa kasamaang palad, someone dared to sabotage my painting. At ang mas masaklap pa, sirang-sira.
"Wala namang saysay kung magsumbong pa ako. Instead of wasting my time, magpipinta nalang ako para makahabol sa deadline."
Ilang gabi kong iniyakan iyon. Natagpuan ko nalang na wasak ang painting ko sa visual room. Wala namang nakakaalam at siyempre, walang aamin.
Malakas talaga ang kutob ko na sa block ko lang ang gumawa no'n. Panay kasi ang puri sa akin ni Madam Dinde—isa siya sa mga respetadong fine arts teacher at designer ng institution namin. Sobrang saya ko no'n pero hindi ko aakalaing may maiinggit.
Sana hindi nalang dinamay ang drawing ko.
Angelo comforted me at nahihiya na nga ako dahil minsan, inaatake ako ng anxiety ko. Lalo na kapag kumakain kami sa labas, naalala ko iyong painting ko kaya ending, umiiyak ako at inaalu niya.
Nakakahiya.
Pumayag si Madam na iuwi ang painting para may oras akong makahabol. Tatlong araw na kong nagkulong sa art room ko at kahit na sinesermonan ako ni Daddy, wala na akong pakialam. I need to finish my art.
"Kumain ka na..."
I didn't answer. Tumatawag siya ngayon at hinayaan ko lang siyang magsalita. Naka loudspeaker lang siya.
"Ellisa—"
"I need to finish this!" I shouted.
Kahit sa kabilang linya, rinig ko ang paghinga niya.
"Alright... Just take a rest for a while, eat and you can paint again..." then he turned it off.
Nakonsensya tuloy ako! Umiyak na naman ako nang umiyak kasi feeling ko, nagalit siya!
Sumisinghot ako nang mabasa ko ang text message niya.
From: Love
I'll call you later. Magpahinga ka muna at kumain tsaka kita kakausapin. :) Iloveyou.
Shit!
To: Love
I'm sorry. I panicked. I'm very stress huhuhu and yes, I'll eat.
Sinunod ko ang sinabi ni Angelo. He didn't reply when I gave him my pictures as my proof that I'm eating. Wala tuloy akong gana pero tama naman kasi siya, I need to eat. Kung nandito lang sina Mommy, I'm sure tatalakan din nila ako na kumain.
I slept for almost two hours at bumalik ulit sa art room ko para ipagpatuloy ang ginagawa. That night, Angelo texted me na nasa convenience store siya.
To: Love
Bakit ka nandiyan?
Hindi siya nag-reply. Bumalik ulit ako sa ginagawa ko pero pagkatapos ng ilang sandali, narinig ko na tinatawag ako ng isang kasambahay namin.
BINABASA MO ANG
ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting Go
RomansEllisa Santiago was skilled enough to be an artistic genius. Binabalanse niya ang kanyang pag-aaral at pagpipinta. Kahit na hindi nakikita ng mga magulang niya ang galing sa pagpipinta, nakaukit na 'yon sa puso niya dahil ito ang pinakagusto niyang...