Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng araw na 'yon, nagising nalang ako kinagabihan na wala na siya sa tabi ko. Akala ko bumalik na siya sa kwarto niya but I heard his voice downstairs at may naririnig din akong ibang boses noong nagbukas ako ng pinto. Dahan-dahan akong humakbang papunta sa may hagdan at nagtago sa gilid kung saan malinaw ko naririnig ang mga boses nila.
"Avis, are you sure about this?" I heard kuya Paul's voice
"Kamahalan, naiintindihan ko na kailangan mong sundin ang utos ni king Felvienzen. Pero paano si princess Eilianna? Gusto niya ba na bumalik sa palasyo nila?"
Natigil ako sa sinabi ni ate Shan. Anong sinasabi niya?
"Kuya, I respect your decision but... Ate Shan is right. Nagkaayos palang kayo at ito na naman, magagalit na nanaman siya kapag nalaman niya na ibabalik mo siya sa palasyo"
Napakuyom ako sa sinabi ni Pana. Ibabalik niya ako sa palasyo? But he promise me na hindi niya ako ibabalik as long as sumama ako sakaniya.
"I know, nahihirapan din ako magdesesyon. I want her to stay here with me, but... "
" But you can't" sabi ni kuya Paul "Kapag hindi mo binalik ang prinsesa, ibig sabihin non kinakalaban mo ang Felvienzen kingdom. Not only their kingdom but also your own kingdom"
Natigil ako sa gulat sa sinabi ni kuya Paul. Hindi maganda ang kakalabasan kapag nakalaban niya kaharian ng Felvienzen, ano pa kapag ang sarili na nilang kaharian?
Ayukong mangyari 'yon, pero ayuko na bumalik doon. I don't like that place, hindi ako malaya sa lugar na 'yon.
Dahan-dahan akong bumalik sa kwarto ko at ni-lock ang pinto. I took my bag and put all my things on it, I change my clothes first before teleporting outside of the village.
"Ate Eilia"
Gulat akong napalingon kay Shin na bigla akong tinawag. Anong ginagawa niya dito sa labas ng ganitong oras?
"A-Anong ginagawa mo dito?" Kinakabahang tanong ko
"Naglalaro lang po kami ng mga kaibigan ko ng hide and seek" sagot niya "Kayo po?" Tanong niya at napatingin sa mga dala ko. "Aalis po kayo?"
"Uh..."
Bahagya akong naupo para mapantayan ko siya, hinawakan ko ang braso niya at bahagyang ngumiti.
"May pupuntahan lang ako"
"Saan po? Hindi mo po kasama si kuya Aves?"
"Uh...hindi, ako lang ang aalis"
"Bakit po? Iiwan mo na po si kuya Aves?" Malungkot na tanong niya.
Ano sasabihin ko? Paano ako magpapaliwanag?
"Nag-away po ba kayo ni kuya Aves?"
"H-Hindi...hindi kami nag-away"
"Wag na po kayo umalis, dito nalang po kayo" umiiyak na sabi niya
"I'm sorry, kailangan kasi e"
Hinaplos ko ang ulo niya at ngumiti sakaniya
"Hindi ko maipapaliwanag sa 'yo ang mga nangyayari dahil alam kong hindi mo ako maiintindihan. Pero pangako, babalik ako"
" Wag ka na po umalis" sabi niya at niyakap ako. Hinaplos ko ang likod niya para pakalmahin siya pero alam ko hindi ko siya mapapakalma.
"Sorry" I said "Pasabi nalang sa papa at mama mo, thank you"
Lumayo ako sakaniya at muling hinaplos ang ulo niya.
"And..." May nilapat akong nakatuping papel sa palad niya. "Ibigay mo ito kay kuya Aves mo, okay?"
BINABASA MO ANG
A Vampire Who Got Reincarnated In Another World (Isekai Series 6)
FantasyChristine Gomez a 18 year old vampire girl. Isang gabi bigla nalang naganap ang isang hindi inaasahang pangyayari. May mga tao ang sinugod ang lugar nila, sinunog ang mga tahanan nila at pati mga kalahi nila at kasama siya... Namatay siyang pinoprot...