Prologue

4 0 0
                                    

Sa isang maliit na liblib na lugar, may isang misteryosong lugar ang hindi pinupuntahan ng mga dayuhan ayon sa mga sabi-sabi. Mga kwentong wala pang nagpapa-tunay kong ito ba ay totoo ngunit kinakatakotan pa rin ng marami. Lahat daw ng nakatira sa lugar na 'yon ay hindi na nakita kailanman man, wala ng sumubok pang umalam kung ano ang nangyari doon kahit na mga pulis at mga taohan ng gobyerno, dahil lahat din ng sumubok humanap ng kasagotan sa lugar na yun ay hindi na rin nakita. Walang bakas ng kahit na sino, kahit na mga hayop. Tanging mga ibon na lamang at karamihan ay mga uwak ang nakikitang nakakapunta doon. Kahit ang mga aso at pusa at iba pang mga hayop na naliligaw doon ay 'di na rin nakakabalik. Napagkasunduan ng mga tao na bakuran na ang lugar na yun para mabalaan na din ang lahat lalo na ang mga bago lamang doon. Nagtulong-tulong ang lahat para lahat ng sulok ay maharangan. Sa isang maliit na daanan ay may nakasabit na karatula, nakasulat ang mga babalang...

"BAWAL PUMASOK SA LUGAR NA ITO, HINDI NA MAKALALABAS"

Isang babalang tinawanan lang ng mga magka-kaibigang dayo.

"HAHAHA mga taga probinsya talaga oh, hindi na-uubusan ng mga naka-katakot na lugar at kwento."

Sabi ni Ryoden habang suot ang kanyang cargo short at polo habang may nakasakbat na bag at may dalang camera. Nagvi-video ito sa paligid. Nagtawanan din ang iba pa nilang kasama, sina Elex, Auden, Roan, Morana, Aislinn at maliban sa isa na si Amarys na syang taga-roon sa kalapit na lugar kaya't alam nya ang kwento tungkol sa lugar na 'yon.

"Ano ba guys? Pwede bang iba nalang? 'Wag dito please? Totoo ang kwento maniwala kayo. Kung gusto nyo pang mabuhay please makinig kayo sakin--"

Hindi na neto natapos ang sasabihin ng akbayan siya ni Morana. Nakangiti ito ng nakakaloko sa kanya.

"Kung ayaw mong sumama pwede naman, pero bago kami pumasok sa lugar na 'to, tatawagan ko muna si Prof Santos dahil sa pandadaya mo para makapasa sa exam para makasama ka sa ga-graduate this year. Gusto mo ba 'yon?"

Natahimik ang paligid habang nakangiti ang lahat na nakatingin kay Amarys na nakatungo at naiiyak. Totoong sinabi ni Morana, nalaman ng mga ito ang ginawa nya kaya andito sya sa sitwasyon na kina-katakotan nya, pero takot din sya na mabuking at mapahiya sa lahat pag-nalaman ng lahat ang ginawa nya. Hindi nya naman talaga mga kaibigan ang mga kasama. Ang totoo mga bully ito sa school at sya ang pinag-didiskitahan ng mga ito. Wala syang magawa para tanggihan ang mga ito sa mga gusto nilang gawin kasama sya lalo na ang pagpunta sa lugar na to.

" S-sasama na ko.."

Mahinang sabi nya habang na-luluha.

Tawang tawa naman ang mga kasama nya.

Sinipa ng mga kalalakihan ang malaking nabubulok ng plywood para magkaroon sila ng dadaanan. Papasok na sila ng may pumigil sa kanila.

"HOY! Anong ginagawa nyo?! Bawal dyan! Mapapahamak kayo!"

Sigaw ng isang may edarang babae na may bitbit na mga kahoy na itinali nya para madali nya itong madala. May takot at galit ito sa ekpresyon ng mukha. Ibinaba neto ang dala at lumapit sa kanila.

"Hindi kayo mga taga dito. Paano nyo nalaman ang lugar na to at napadpad kayo dito? Hindi nyo ba alam ang kwento?"

Nanlalaki ang mata neto.

"Alam namin manang. Kaya nga kami nandito kase gusto namin ng adventure HAHAHA"

Si Auden ang sumagot at nakipag apir pa kay Elex. Napailing ang matanda at napatingin kay Amarys.

"A-amarys??"

Lalong napayuko si Amarys at pilit tinatago ang mukha.

"Anong ginagawa mo dito? Alam ba to ng mga magulang mo?! Hindi bat nasa--"

Dali-daling lumapit si Amarys sa matanda, at hinawakan ito sa mga kamay. Nakikiusap.

"Pakiusap Aling Medora, wag nyo na ho sabihin kina Nanay at Tatay. Magagalit sila. Hindi nila alam. Kailangan ko po itong gawin."

Hindi na nakasagot ang matanda ng dali-daling pumasok si Amarys sa lagusan na ginawa ng mga kasama nya. Nagsunuran ang lahat sa kanya at nagpakawala pa ng mga nakakalokong ngisi kay Aling Medora. Napa-sign of the cross si Aling Medora at pinagmasdan ang malaking lagusan na pinasukan ng mga kabataan. Halos hindi nya makita ang loob dahil sa may kadiliman ito kahit mainit naman at tirik na tirik ang araw. Napapaluha ang matanda sa takot at dali daling tumakbo papunta sa baryo at naiwan na ang dala-dala nyang mga kahoy. Kailangan 'tong malaman ng kanyang mga kasama bago mahuli ang lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secretum VillageWhere stories live. Discover now