Chapter 19

42 2 0
                                    

"What happened to you, Ellisa?"

My mind was muddled with Mommy's words. Sa tono ng tanong niya, halatang disappointed siya. Ganoon din naman ako.

"Akala ko ba gusto mo 'yan?"

I pursed my lips. Yumuko ako dahil hiyang-hiya ako. Noon, pinagmamalaki kong kaya kong mag-excel kasi nga gusto ko 'to pero sobrang hirap kasi.

"Mas nag-eexcel ka pa noon sa academics mo. This 2.75... what does it mean? Average of what?"

There was a look of disappointment on her face. My mother was fucking mad and disappointed.

Pinigilan kong tumulo ang luha ko. I can't let them see the broken me. I was sorry... but I still have finals so may pag-asa pa ako at hindi nila puwedeng patayin ang pag-asang iyon.

"You better not to tell your father about this grade, Ellisa. Pagod ang daddy mo at hindi pwedeng ito ang isasalubong mo sa kanya," matigas na sabi ni Mommy.

"I-i'm sorry..."

"Go to your room and study more."

Ang sakit naman.

I ran towards my room, not to cry because I don't have time for that. Tama si Mommy, I need to study hard. Tinawagan ko si Angelo para sabihin lahat ng hinanakit ko para hindi maipon sa dibdib ko. Lagi niya kasing ginagawa iyon kaya nakasanayan ko na talagang maglabas ng sama ng loob sa kanya.

But this time, he didn't answer. Nag-aaral ata dahil malapit na rin midterm nila.

Kaya nag-aral nalang ako.

My father didn't know about my grades. Tuwing bumababa ako para kumain, daddy will greet me with a smile on his face pero si Mommy? Ngumisi na parang pilit at pinapaalala sa akin na mag-aral nang mabuti.

"Ellisa!"

Nilingon ko si Kae.

"What's up? Ilang linggo na kitang iniimbitahang lumabas pero masyado ka ng busy. Sa bahay ka naman, oh."

Umiling ako.

"I can't Kae. I'm sorry."

"Bakit? May nangyari ba?"

Ngumisi lang ako. "I heard about your research paper. You did well... congratulations."

She smirked. "Hah! Nagbago na 'to. Alam mo ba ayaw maniwala ni Daddy na naging finalist ako sa research competition na iyon? Sa gulat niya, niregaluhan niya ako ng Ford!"

Natawa ako. "W-what?"

"May sasakyan na ang beshy mo!"

Wow.

"Proud na proud si daddy sa akin, Elli! Akala niya hindi na ako magtitino," aniya.

"I'm happy for you..."

Sumimangot siya. "Sa tingin mo talaga maniniwala ako sa sinasabi mo? Happy for me tapos ganiyan mukha mo? Bakit? Ano bang nangyari?"

"Totoo! Masaya ako para sa 'yo," dedma ko sa tanong niya.

"Ewan ko sa 'yo!" Inakbayan niya ako at sabay na pumasok sa gate.

I was right. Angelo focused more on studying because of their midterm week. Mas una iyong sa amin pero hindi rin biro iyong midterm nila. But Angelo managed to answer and aced it well. Kaya nakakahiyang sabihin ang pagiging olelat ko.

Kaya nakikipagkita ako kay Kae para lang maiwasan kong ma-stress lalo. Pero no'ng nasa exit gate na kami, nakita naming nagmamadaling lumabas sa engineering building si Lewis. May dala pang malaking supot... may isang babaeng maikli ang buhok na nakasunod sa kanya. Nagkatinginan kami ni Kae pero hindi talaga mapigilan ang bunganga niya.

ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon