Ngunit paglipas ng mga araw, hanggang sa dumating ang brigada, inaya ko ang kaibigan ko na dumalo kami upang mag linis sa silid aralan. Doon maraming nangyari na nakapagpabago sa koneksyon naming dalawa ni Primo.
Habang naglilinis kami ng kaibigan ko ay bigla niyang binanggit ang ex crush ko, si Kenji, almost 7 years ko siyang naging crush at nireject niya ako nung nag confess ako sa kaniya.
Nung una ay wala lang sa akin ang pagbanggit ng kaibigan kong iyon sa kaniya at wala akong naramdaman na kahit ano pero nung natapos kaming maglinis at nakauwi na sa bahay ay doon ako may naramdamang kakaiba.
Nag flashback sa utak ko ang lahat, ang nakaraan kung saan gustong gusto ko siya.
Habang naglilinis ako sa bahay namin ay napapaisip ako. "Bakit ganito ang nararamdaman ko, parang may mali, hindi dapat ganito" paulit ulit na pumapasok sa utak ko ang pangalang "Kenji".
Hindi ko alam, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin bakit ako nagkakaganito at bakit ko ito nararamdaman.
Hanggang sa natapos akong maglinis at kinuha ko ang cellphone ko, dali dali kong chinat si Primo at humingi ng tawad.
Chinat ko siya at sinabing "Siguro itigil na muna natin 'to, lately napapansin kong nagfefade yung feelings na nararamdaman ko para sa'yo, sorry pero I think I'm a red flag now."
Walang pagaalinlangan ay agad ko itong sinend sa kanya.
Sa mga oras na 'yon, wala akong ibang inisip kundi ang magiging reply niya sa sinabi ko.
Ilang oras ang lumipas, bandang gabi ay saka pa lamang siya nagreply sa akin, marami akong chinat sa kaniya at halos lahat don ay puro unsent, hindi ko alam pero parang hindi ako sigurado sa naging desisyon ko.
Nagreply siya sa akin at sinabing "Sige po, sana sa susunod kong buhay ikaw na makatuluyan ko, maraming salamat sa lahat" ang mga katagang iyan ang naging dahilan ng pagtulo ng mga luha ko.
Naiiyak ako, hindi ko alam kung bakit pero dahil siguro ito sa naging desisyon ko na itigil muna namin, alam kong para sa amin din naman ito, dahil magulo yung nararamdaman ko, ayokong magkamali kaya gusto kong pag-isipan ng mabuti.
Isang linggo na ang lumipas nung natigil kami sa pag uusap, inaamin ko, nami-miss ko siya pero kailangan ko munang patibayin yung nararamdaman ko.
Wala akong ibang ginawa ngayong bakasyon, nabo-bored ako at wala rin naman akong magagawa, gusto kong gawin ang mga pinaplano ko noon ngunit pinangunahan na ako ng katamaran.
Paano ba naman ako gaganahan eh sa lahat ng gagawin ko naaalala ko siya. Ewan ko ba, kahit kailan may saltik talaga ako, ang gulo gulo ko talaga.
Lumipas ang ilang araw, mag i-isang buwan na simula nung matigil kami sa pag uusap, ano na kayang balita sa kaniya? birthday na niya bukas pero nahihiya akong batiin siya.
Nag iisip ako ng paraan kung paano siya mababati dahil ayokong direkta ko mismo siya babatiin, nakakahiya naman kung bigla na lang ako magpaparamdam sa kaniya di ba?
Hanggang sa dumating na nga ang araw ng birthday niya.
September 15, 2022. Pag gising ko ay agad kong binuksan ang cellphone ko at pag bukas ko naman ng FB ay saktong bumungad sa notification ko na birthday na niya.
FB ano ba, alam kong birthday niya hindi mo na kailangan ipaalala, saad ko sa aking isipan.
Maya maya pa ay nakaisip na ako ng paraan, icha-chat ko si Aldheia! hinanap ko agad ang name niya at agad akong nag chat sa kaniya.
"Hi aldheia, can I have a favor? sige sige ate geneva saad naman niya.
Pwede mo ba i-send 'to sa kanya? hi primo, happy birthday. sorry hindi ko kayang batiin ka directly because of our situation. Mag-aral ka ng mabuti to pursue your dreams. I'm happy for you, happy blessed birthday to you!!"
agad kong pinasend ito kay aldheia at sinunod naman niya.
Pagkatapos nito ay muling natahimik ang isipan ko.
Maya maya ay nagulat ako at may nagchat sa akin, walang iba kundi ang taong pinakamamahal ko, si Primo.
Nagpasalamat siya sa akin dahil sa pagbati ko sa kaniya.
Sunod naman ay humingi siya ng sorry dahil sa nangyari sa amin, dito na nagsimulang tumulo ang mga luha ko, sinisisi niya pa rin ang sarili niya kung bakit kami nagkaganoon.
Sinabi ko sa kaniya na hindi niya kailangang sisihin ang sarili niya at wala naman siyang kasalanan.
Nag usap din kami ng matagal tagal at humingi siya ng pabor sa akin, "Pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan diba?"
kahit na higit pa doon ang gusto ko ay pumayag na lang ako. Wala akong ibang naiisip nung mga oras na 'yon kung bakit ganoon pa rin ang pagtrato niya sa akin kahit na maraming nagbago sa aming dalawa.
Hindi pa rin siya nagbabago, talagang mahal na mahal pa rin niya ako kahit na naging komplikado ang lahat.
Wala na akong masabi sa lalaking 'to, siya lang talaga ang nagmahal at nagparamdam sa akin ng ganito, kung gaano ako kahalaga at kung gaano ko ka-deserve na mahalin.
Gabi na at naisipan kong matulog na ngunit hindi ko namalayan na hindi ko napatay ang wifi ng cellphone ko sa aking pag tulog.
Nagising ako ng madaling araw bandang 2 o'clock AM, maraming chat ang bumungad sa akin galing sa kaniya.
Pag ka-open ko nito ay hindi ko napigilang tumulo ang luha ko, nabasa ko doon ang salitang "mahal kita hindi ko kayang magalit sayo" hindi ko alam pero para bang may mali, hindi ako ako sanay sa ganito, sanay akong sinasaktan..
Nireplayan ko siya at nag usap kami ng maayos, pareho kaming humingi ng tawad sa isa't isa at pareho rin naming napagdesisyunan na ituloy ang meron sa amin.
Naging mag M.U. ulit kaming dalawa at sa oras na ito, pinili naming maging better version ng mga sarili namin upang maiwasan na masaktan ang isa't isa.
Lumipas ang mga araw at muli naming naibalik ang dating kami, pero ngayon mas maayos na.
Naging masaya kaming dalawa kahit na ganito pa lang ang sitwasyon namin.
Maraming araw ang nag daan at naging maayos naman ang sitwasyon naming dalawa, masaya kami at the same time ay palagi pa ring nag aaway, ewan ko ba, hobby ko na atang awayin siya, ang cute niya kasi manuyo, saad ko sa isipan ko.
YOU ARE READING
Love Together, Be With You Never
RomanceIt is about a teenage boy and girl who fell in love with each other, they were classmates when they were in the 7th grade in high school, but after admitting their feelings for each other, they quit talking for at least 1 month. When the guy's birth...