Hindi Inaasahang Araw

8 1 0
                                    

Akala ko dahil kilala na ako ng pamilya niya ay magiging maayos na ang lahat pero hindi pa pala roon nagtatapos ang lahat.

Pagka-online ko nung araw na iyon nakita ko ang chat niya sa akin, seryoso at mahahalata mong may nangyari.

Pagbukas ko ng message niya ay tumambad sa akin ang katagang "siguro itigil muna natin 'to" hindi ko alam pero gumuho ang mundo ko nung mga oras na iyon.

Pinaliwanag niya sa akin na dahil iyon sa nangyari kanina, nung nakita kami ni tita na magkahawak kamay.

Hindi ko alam na hindi pala okay yun sa mama niya kaya nagdesisyon akong i-chat ito at humingi ng paumanhin.

Hindi ko na inisip kung ano ang sasabihin sa akin ng mama niya at dali dali ko itong chinat.

Nagmukha akong madrama sa chat ko sa mama niya pero wala akong pake, ayokong pagalitan siya dahil sa akin.

Nagdesisyon kaming dalawa na tumigil muna dahil baka magalit sa amin ang mama niya.

Masakit pero tinanggap ko, nung mga oras na iyon ay natatakot ako.

Paano kung magkagusto siya sa iba lalo na't matitigil kami? Paano na ako? mga katanungang pumapasok sa isip ko pero hindi ko masabi sa kaniya dahil natatakot akong baka maging sanhi ng away namin.

Kada ganito ang pumapasok sa isip ko ay hindi ko na sinasabi sa kaniya, ayokong masakal siya sa akin, ayokong humanap siya ng iba saad ko sa isip ko.

Hanggat kaya ko ay tinatago ko ang nararamdaman ko sa kaniya, ayokong magsabi dahil ayokong mapagod siya kakaintindi sa akin.

Ayokong iwan niya ako dahil don kahit na alam kong palagi niya akong iniintindi.

Alam ko kasing darating ang araw at baka iwan niya ako.

Nagchat siya sa ate ko at sinabi ang nangyari tungkol sa amin.

Halata sa akin ang pagkalungkot dahil iniisip ko na baka mahulog siya sa iba.

Pero nangako siya sa akin kaya panghahawakan ko iyon.

Dumaan ang mga araw at hindi ko matiis na wala akong update sa kaniya kaya chinat ko siya

Agad naman siyang nagreply sa akin.

Nagkamustahan kaming dalawa at kahit papano ay guminhawa ang pakiramdam ko dahil alam kong maayos siya.

Sinabi ko sa kaniya na hindi ko kayang hindi siya nakakausap, sa oras na 'to naging tapat ako sa nararamdaman ko.

Hindi ko kaya kapag wala akong balita sa kaniya, feeling ko ay nawala na siya sa akin kapag ganon.

Kaya nag desisyon kami na ituloy ito, nagdesisyon kami na ituloy ngunit sa oras na ito magiging private na kami.

Hindi muna namin ipapaalam sa iba dahil komplikado rin ang sitwasyon namin.

Ilang buwan ang lumipas, naging maayos naman ang samahan namin, umabot na kami sa isang taon at masaya kaming dalawa dahil nalagpasan namin ang lahat ng pagsubok ng magkasama pa rin.

Nangako kami sa isa't isa na walang mang iiwan at susuko sa amin.

Pareho naming aabutin ang mga pangarap namin at bubuo kami ng pamilya in the future.

Sigurado na ako, siya lang ang babaeng gusto kong makasama at sa kaniya ko lang gustong maikasal.

Marami kaming plano para sa isa't isa at dalangin namin na lahat ng mga ito ay matupad sa tamang panahon.

Love Together, Be With You Never Where stories live. Discover now