27. A mother's secret (SPECIAL CHAPTER)

498 37 2
                                    

Author's Note/s:

Yieeeeee...Happy 2k plus reads mga ka-FT :)

At dahil d'yan, mag iispeysyal chapter ako na 3rd person POV. Try lang natin dito ;))))

SPOILER ALERT!!!!!

Revelalations will be revealed and new characters will be introduced, kaya i-ready niyo na po ang inyong mga isip sa mga magiging surpresa. ;)

At hayaan niyo din po pala sanang makapagpasalamat ako sa inyong mga silent readers/voters/commentors a.k.a critics na patuloy pong sumusuporta at nagsisilbing inspirasyon para sa ikagaganda pa po ng takbo ng kwentong ito.

As you may all know po, REVISED VERSION na po ito. Na published at unpublished na ang mga chapters ng ilang ulit at dumating din po sa point na ide-delete ko na sana. Pero dahil po sa mga kaibigan at readers din ng kwentong ito na nag pm sa'kin at nag encourgae na ituloy ko pa kaya po andito parin ang FT na unexpectedly nga po ngayon ay dumami na din ang mga nagbabasa kaya po nakaabot tayo sa ganito (teary-eyed na si author).
Sobrang maraming thank you very much po talaga sa inyong lahat.

Keep on supporting FT and again HAPPY READING :)

Mahal ko kayo ;)))

- Author

-------------------

"Balae ano bang gagawin nating sa mga batang 'yon?".

'Di mapakaling tanong ni Mrs. Emily Marquee sa kaniyang kausap sa telepono.

Kina-umagahan iyon matapos ng medyo magulong engagement party ng anak niya, at hanggang ngayon ay hindi parin siya nakakatulog sa sobrang ligalig ng utak niya sa lahat ng nangyari.

Mabuti na nga lamang at maagap nilang naharang ang pagkalat ng bali-balita, well...almost dahil siyempre mabilis na ngayon ang social media kaya may nakalagpas paring mangilan-ngilang issue.

"Balae, hindi naman nating sila mapipilit kung ayaw nila diba?". sagot naman ng nasa kabilang linya na si Mrs. Patrice Peterson na ina ni Andrei, ang mapapangasawa sana ng anak niyang si Breeyana.

"Pero balae, alam mo naman kung ano ang posibleng mangyari kapag hindi sila nagkatuluyan pagdating ng 20's nila hindi ba?". sagot naman niya dito.

Saglit na namayani ang katahimikan sa dalawang ginang. Pagkaraa'y nagsalita si Patrice sa kabilang linya.

"Naniniwala ka parin ba do'n mare?". tanong nito sa kaniya.

Napapikit si Emily at nakagat ang kaniyang pangibabang labi.

"Buhay ng mga anak natin ang nakasalalay mare. At alam kong alam mo ang ibig kong sabihin". sagot niya.

"So anong p'wede nating gawin?". tanong naman nito.

"Mag-iisip ako ng paraan. Inform kita kapag meron na 'kong magandang plano. Sige na mare, baka magising na ang mga bata". aniya sa kausap at ibinaba na kaagad ang telepono.

Napahawak siya sa kaniyang sentido, sumasakit na naman iyon sa sobrang pag-iisip.

Kailangan niyang makaisip ng paraan para hindi maghiwalay ang anak niya at si Andrei, hindi p'wedeng mangyari 'yon dahil buhay at kamatayan ng mga ito ang nakataya.

Napadako ang kaniyang tingin sa labas ng kanilang bahay at sumariwa ang mga alaala ng nakalipas.

*FLASHBACK*
*Eighteen years ago*

"Sweetheart 'wag tayong mawalan ng pag-asa". pag-aalo sa kaniya ng asawang si Romeo habang katabi niyang nakaupo sa isang pribadong OB-gyne clinic.

"Pa'no kung wala parin?. Pa'no kung hindi parin kita mabigyan ng anak?". pag-aalalang tanong niya dito.

"Mag tiwala lang tayo sa kaniya. Ibibigay din niya ang gusto natin". nakangiting saad naman ng kaniyang asawa na hinagkan siya sa noo.

"Mrs. Emilia Marquee?".

Napatayo ang mag-asawa nang marinig nila ang pag tawag ng doctor sa kaniyang pangalan.

Lumapit sila sa doktor at agad nagtanong ang kaniyang asawa.

"Doc, ano po ang resulta?".

Hindi muna umimik ang doctor, bagkus ay binuksan ang pintuan ng kaniyang private office at pinapasok doon ang mag asawa.

"Dito na lang po natin pag-usapan". muwestra nito sa kanila.

*END OF FLASHBACK*

Napakurap si Emi nang marinig ang boses ng anak mula sa kaniyang likuran.

"Good morning Mommy". bati nito sabay halik sa kaniyang pisngi.

Sinundan niya ito ng tingin, mula sa paghila nito sa upuang katabi niya hanggang sa pagkuha nito ng pagkain at paglalagay sa pinggan nito.

Nangilid ang kaniyang luha habang pinagmamasdan itong kumakain. At isang desisyon ang nabuo sa kaniyang isipan.

Hindi sila p'wedeng maghiwalay. I have to do whatever it takes para mabuhay lang ang anak ko.

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon