The Broken Family

238 0 0
                                    

Hello guys!

Ako nga pala si Kelly. Kilala niyo na ako diba? Yung gumawa ng "LOVE"? Eto na yung kasunod sa mga ginagawa kong story tungkol sa buhay ko.

Broken family kami. As in broken. Hiwalay ang mama at tatay ko. May ibang asawa ang mama ko habang ang tatay ko, mag isa nalang sa buhay.

Tatlo sila mama kong magkakapatid. Si Tita May, Si mama at Si Uncle Ton. Si Tita may may isang anak, pero hiwalay sila nung tatay nung anak niya. At ngayon may boyfriend na siyang hapon. Si Uncle Ton may isang anak din, at hiwalay din sila ng asawa niya dun sa anak niyang yun. At ngayon ay may kinakasama nadin siyang iba.

Odiba? Lahing broken family talaga kami. Maliban diyan. Yung papa ng mama ko ay may iba ding asawa. At may anak din dun. Kaya all in all, di ko na mabilang kung ilan ang mga Tita at tito ko at pinsan ko sa mama ko.

Speaking of my real father, di naman ganun kagulo. Only child lang kasi siya. Ang magulo ay yung story ng papa ng tatay ko. Marami kasing kapatid ung papa niya, inshort, lolo ko. Kaya in my father's side, d ko na rin mabilang kung ilan ang mga pinsan ko.

Kung titignan, Hindi ko na talaga alam kung ilan lahat ng kamag anak ko. Hindi ko halos kakilala, at sila hindi rin ako kilala. Dahil nga hiwahiwalay kami. Ganyan kagulo ang buhay ko.

Yung stepfather ko naman, wala akong balita sa family niya. Kahit isa wala akong kakilala kahit kapatid, pinsan or kahit nanay at tatay niya. Kaya hinahayaan ko nalang. Mabait naman kasi siya, mapagbigay. Close naman kami sakanya pati sa anak nila ng mama ko.

Nakatira ako sa SanFernando, ang tatay ko sa Dau. Ang mama ko sa Dubai, kasama ng step father ko na German. May isa silang anak, lalake at yun ang bunso.

Sa totoo ko naman tatay, tatlo kaming magkakapatid. Lalaki ang panganay, si Kuya Kerr. Babae ang pangalawa, si Ate Yel. At ako ang bunso, si Kelly.

1 year old palang ako, umalis na yung mama ko. Kaya nasanay na akong walang parents. Dati, regular na umuuwi dito sa Pinas ang mama ko every year. Pero ngayon, once every 3years nalang. Imagine? How could you live without your parents with you for 3years?

Last year, bakasyon. Dec 18. Pumunta kaming tatlong magkakapatid sa Dubai. Kasi hindi makauwi sila mama dahil may work. I hope hindi 'to ung last time na magkitakita kami. Pag dating namin dun, woooo, After 3years! Finally, kumpleto nnaman kami :)

Nung nasa Dubai kami ganito ang routine. Gigising, Kakain, Maliligo tapos Lilibot. Gusto kasi naming ikutin ang buong Dubai habang magkakasama pa kami. Pero ayun, naikot naman namin lahat. Isa lang ang hindi napuntahan, Sharjah.

Ayan. January 5 na. Uwian nanaman sa Pilipinas. Magkakalayo nnaman kami. 3years nanaman ang hihintayin ko. Balik aral nanaman :) Well, that's life.

Hmm. Alam niyo ba kung ano yung point ko kung bakit ko shineshare ung buhay ko? Gusto ko lang naman marealize niyo kung gano kayo kaswerte kasi may parents kayo at kasama niyo. Sana lang iappreciate niyo sila. Kasi hindi lahat ng tao sa mundo naeexperience kung ano yung meron kayo. Hindi lahat ng tao meron kung anong meron kayo.

If you were hoping na magkaroon ng perfect life, isa lang naman kaylangan niyo e. Yung family niyo. Pahalagahan niyo sila.  Kasi may mga tao talagang sinadyang iparanas sakanila na walang parents, at may mga taong sinadyang may mga kasamang parents para magsilbi silang inspiration dun sa mga wala.

Yung feeling na.. Every sumasapit ung father's day, wala kang nagegreet na father. Every mother's day, wala kang nahuhug na mother. Tapos kapag family day sa school niyo, ignore kanalang kasi wala ka naman maisasama. Diba? Dont you realize how precious your family is.

Thank you sa pagbabasa ng mga story ko ha. I hope nainspire ko kayo. Alam niyo kahit ganito yung buhay ko, I'm still thankful. I'm still standing. Kasi in the end of life hindi naman tayo tatanungin if perfect ba ung naging buhay natin sa lupa. Yung itatanung satin Naging masaya kaba sa lupa? :) Happiness is not something that can be bought, but it is something we can make.

The Broken FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon