[ Yana ]
Matuling lumipas ang mga linggo at dumating na nga ang araw nang pag lipat namin ni Andrei sa Villa Obreza.
Mabigat man sa damdamin ko, kailangan ko parin itong gawin dahil inipit na kami ng mga magulang namin sa sitwasyong alam kong naisip nila na 'di namin kayang takasan.
Angels_Yanibells:
sorry guys, won't b there w/ u in Bora. :'(Buntong-hiningang hinintay ko ang sagot ng mga kaibigan ko sa aming private chatroom habang nag iimpake ng mga gamit at nilalagay sa kulay yellow kong maleta.
Hindi man lang ako makaramdam ng excitement sa katawan ngayon.
Mabuti pa nga ang parents at mga kapatid ko eh, mukhang ready na sa pag-alis ko.Iniisip ko tuloy, hindi kaya gusto lang talaga nila 'kong paalisin sa bahay namin?. But by thinking about that, it just worsens my feelings.
Ilang saglit pa't tumunog na ang aking messenger, senyales na may nag reply na sa'kin.
Angels_Leeyuh:
what? y? :(Angels_Sher:
anyare?Angels_Cas:
no way! :'(Angels_RiiRii:
aw :/ sayang nman swimsuit ko. :'(Sunud-sunod na pumasok ang messages nila sa screen ng aking laptop at napangiti pa nga ako sa huling nabasa na message ni Rina.
Saglit kong binitiwan ang tinutuping t-shirt para ma-replyan ang messages nila.
Angels_Yanibells:
hav 2 go on vacation w/ parents :/Angels_Leeyuh is typing...
Angels_Leeyuh:
when?Muli akong napabuntong-hininga at mas lalo pang nakadama ng lungkot because i had to lie to my friends, dahil kasama iyon sa napag usapan namin ng parents ko.
Na bawal ipaalam kahit kanino, even sa mga kaibigan namin ni Andrei kung saan talaga kami pupunta. Para daw maka iwas sa mas malaking gulo at hindi kami masundan ng mga press people.Muli akong nag type sa keyboard ko at sinagot ang mga tanong nila.
Angels_Yanibells:
today :'(Kung pwede lang talagang 'wag nang sumama eh ginawa ko na sana.
Ang kaso hindi ko naman p'wedeng pabayaan na si Andrei lang ang mag resolba ng lahat nang ito, because that would only mean selfishness. At kahit pa nga pareho naman naming alam na may galit at ayaw namin sa isa't isa'y 'di ko parin naman pup'wedeng pairalin ang pagiging makasarili ko dahil problema naman namin itong dalawa.
Kaya kahit mas gusto kong sumama kina Lia sa matagal na naming pinag-planuhang Boracay trip ay mas pinili ko paring samahan na lang siya sa lugar na hindi kami sigurado kung ano pa ang mga posibleng mangyari.
And besides, he saved me noong engagement party namin diba?. Kaya I guess I'm just returning the favor.
Angels_Leeyuh is typing...
Angels_Sher is typing...
Angels_RiiRii is typing...Angels_Leeyuh:
ok lng yan girls. may nxt
tym pa nman eh :)Angels_Sher:
true ;)Angels_RiiRii:
pero sayang tlga swimsuit ko :(Angels_Cas is typing...
Angels_Cas:
seriously Rina?. swim suit
parin!? :/Tatawa tawang nilagay ko na sa maleta ang huling damit na iniimpake at isinara na iyon. Muli akong nagpapakawala ng isang mahabang buntong-hininga habang pinagmamasdan ang mga gamit na dadalhin ko.
Hindi naman namin kinakailangan ni Andrei na mag dala ng madami dahil kumpleto na ang mga gamit doon, at ang iba namang mga kinakailangan ko pa ay nailipat na din doon simula ng mapapayag kami ng mga magulang namin na manirahan doon buong summer.
"Breeyana, anak...andito na si Andrei".
Muntik pa 'kong mapatalon sa gulat ng may bumusina sa ibaba kasunod ng malakas na pag sigaw ni Mommy.
Speaking of the devil, dumating na siya.
At talagang nakalimutan kong pang susunduin nga pala niya 'ko para sabay na daw kaming lumipat, kahit pa nga in-insist ko ng mag ba-bus na lang ako ay 'di naman siya pumayag. Nauwi lang kami sa pagtatalo ng kulitin ko siya tungkol do'n, na ang ending naman eh ako din ang sumuko kahit 'di naman 'yon ang madalas na nangyayari.
"Pababa na po". sigaw ko naman at nag type muli sa keyboard para magpaalam na muna sa aking mga kaibigan.
Angels_Yanibells:
bye girls. gtg ;)
xoxoHindi ko na hinintay pa ang pagre-reply nila at dali-dali kong pinatay ang aking laptop at niyakap ito gamit ang aking kaliwang braso habang ang kanang kamay ko naman ay hila ang aking may kabigatang maleta.
Ngunit bago pa man makalabas ng kwarto ko ay saglit akong lumingon at nilibot ang paningin.
Mamimiss kita. 'Wag ka mag alala, babalik din ako kaagad. pagpapaalam ko sa sarili kong kwarto.
Ang weird 'no?. Pero ngayon alam ko na ang pakiramdam nang malayo sa mga mahal ko sa buhay. Nakaatawa pero pakiramdam ko ngayon para 'kong mag aabroad at mawawala ng ilang taon.
Kaya mo 'to Yana. Kakayanin mo. i encouraged myself at muling nagpakawala ng hinga, pagkatapos ay pumanaog na.
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanfictionGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...