[ Andrei ]
"AAAAAHHHHHH!!!!!!!..."
Halos mapatalon ang puso ko sa gulat ng makarinig ako ng isang matinis na pag sigaw sa bandang kusina ng bahay.
Breeyana. naibulong ko sa sarili at pahangos na binitiwan ang aking ginagawa.
I rushed to the kitchen para i-check kung okay lang siya.
Nanlaki ang aking mga mata when i saw a clutter of utensils on the floor, at nakita naka bukas din yung isang kitchen drawer and she was in a corner, almost next to it.
Mistulan iyong isang eksena matapos manakawan ng akyat bahay gang. Sobrang nagkalat halos lahat ng gamit sa kusina.
Breeyana looked scared and in panic kaya't lumapit ako sa kaniya.
"Why? what's wrong?. Ano bang nangyayari dito?". sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang nakatingin sa nagpapawis niyang mukha.
"M-may...may i-ipis". habol ang hinga at halos pabulong na sagot niya sa'kin.
"Ano?". kunot-noong tinanong ko siya ulit dahil hindi ako masyadong sigurado sa aking narinig dala ng kahinaan nang boxes niya.
"MAY IPIS!!!". she shouted while pointing at my shoulder.
Daha-dahan kong sinipat ang aking balikat. At laking gulat ko na lamang ng may ipis ngang lumalakad doon.
"OH MY GOD!". tanging nasabi ko habang nagtatatalon na sumisigaw hanggang sa mahulog sa kinalalagyan niya ang ipis na 'yon at lumipad sa fluorescent light ng kusina.
Napatakbo ako't nagtago sa likod ni Breeyana na alam kong gaya ko'y takot din sa nakitang paglipad nito.
First time ko kayang makakita ng ganiyan sa buong buhay ko. At oo, alam kong iisipin ng iba na ka-lalake kong tao pero natatakot naman ako sa isang maliit na insekto, sa isang flying ipis.
Nakakatawa nga siguro iyon sa iba, pero sa'kin hindi na nakakapagtaka. Paano'y sa bahay kasi namin every two days kung mag disinfect ang mga maids doon, kaya wala ka talagang makikitang any form of insects. So hindi ninyo 'ko masisisi kung parang halimaw na lumilipad ang tingin ko diyan.
Kaya nga't gano'n na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makitang lumipad iyon palapit sa amin.
"Aaaahhhh go away!". hintakot naman na tili ni Breeyana habang nakapikit at winawasiwas pa ang kaniyang mga kamay sa ere na para bang nagpapagpag nang langaw.
Ngunit kahit na anong gawin namin ay naroon parin ang ipis at palipat-lipat na lumilipad mula sa ilaw nang kusina at sa mga pader na nakapalibot sa amin.
Takot na pinanuod lamang namin na lumipad muli ito sa pader na halos isang dipa lang ang layo sa amin.
"Kumuha ka nang diyaryo o kaya magazine".
Nagtatakang tinitigan ko ang ngayo'y pawisan na ding si Breeyana.
Ano naman ang gagawin niya sa diyaryo at magazine?. tanong ng isip ko ngunit iba naman ang lumabas sa aking bibig.
"May gana ka pa talagang mag basa sa ganitong sitwasyon!?".
"Ano ka ba naman?! s'yempre papatayin yung ipis!". sagot niya na may ganting masamang tingin sa'kin. "O gusto mo ipalo ko na lang sa'yo!?".
"S-saan naman ako kukuha nang gano'n dito!?". napapalunok na tanong ko sa kaniya.
"D'yan sa maliit na bookshelf". sagot niya sabay turo sa lagayan ng mga libro na mukhang mga cook books.
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanficGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...