Author's Note/s:
Aruuuh!...eto na naman po tayo sa isa na namang ispeysyal chapter.
WARNING!
Ihanda niyo po ang inyong mga sarili na magulumihanan at mag-isip. Dahil gusto kong iyan ang mangyari ;)
*INSERT EVIL LAUGHTER HERE*
Ayun lang for now.
Keep on supporting FT and HAPPY READING ;)- Author
-----------------------
May 14, 1995
Sa kasagsagan nang makukimlim na panahon at sikip nang daloy ng trapiko sa kahabaan nang Quiapo ay nagpasiya ang mag asawang Marquee na mag simba.
Medyo may katagalan na din kasi nila itong hindi nagagawa dahil masyadong naging busy ang mag asawa, si Romeo sa pagiging Brgy. Chairman nito sa kanilang lugar at si Emily nama'y gano'n din sa kaniyang halos araw-araw na mga appointments sa kung saan-saang ospital.Magkahawak kamay silang pumasok sa loob nang simbahan at nag dasal. Matapos no'n ay pareho din silang nag sindi nang kandila upang ipagmakaawa sa Diyos na nawa'y ibigay na sa kanila ang matagal na nilang hinihiling.
"Sa tingin mo ba mahal, dinidinig pa niya tayo?". pag dududang tanong niya sa asawa habang hawak ang kamay nito't palabas na nang simbahan.
Alam ni Emily, masama ang pagdudahan o mawalan nang tiwala sa Diyos. Ngunit 'di siya masisisi nang iba, sapagkat ilang taon na nilang hinihiling ito sa kaniya ngunit hanggang nagyon ay wala parin.
"Siyempre naman mahal. Siguro'y hindi pa lang ito ang tamang panahon para sa atin". sagot naman nang kaniyang asawa na nakangiti siyang inakbayan. "May plano pa siya para sa atin. Mag tiwala lang tayo sa kaniya".
Impit na sinuklian din naman niya ito nang ngiti at nag tuloy na silang palabas.
At 'di naman sinasadyang nakabanggaan nila sa mismong entrada nang simbahan ang isang babaeng nakasuot nang makulay na damit at may kulot na buhok na hanggang likod nito.
"Sorry Miss". paghingi niya dito nang paumanhin.
Ngunit imbes na magsalita ito'y bigla nitong hinawakan ang kamay niya habang nakatingin sa kaniyang mukha.
"Ikaw..." bigla nitong sinabi. "Matagal mo nang hinihiling ang isang bunga hindi ba?. Ang bunga nang inyong pag-ibig".
Napalunok siya sa sinabi nito at hintakot na napatingin sa kaniyang asawang mukhang nagulantang din sa pinagsasabi nang estrangherang bigla na lamang humawak sa kaniya.
At kahit pilit siyang kumakawala dito'y higpit parin ang hawak nito sa kaniyang kamay.
"H-hindi ko alam kung pa'nong-..."
Hindi na siya nakapagsalita pa at napangko na lamang sa kinatatayuan na animo'y na-hipnotismo sa mga mata nitong hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
"Malapit na...malapit nang dumating ang inyong swerte at kamalasan. Malapit na".
"Bitiwan mong asawa ko. Bitiwan mo!..."
Narinig na lamang niyang sigaw nang kaniyang asawa, kasunod nang isang malakas na hanging may pag kulog at kidlat, senyales nang isang malakas na ulan.
"Binabalaan ko kayo. Kailangan niyong makita ang ka-pares niya. Sa lalong madaling panahon. Kailangan nilang magkita". anang estranghera sa mag asawa.
Iyon lamang at iniwan na nito ang mag-asawang Emily at Romeo na parehong tigagal at hindi alam ang magiging reaksyon sa isa't isa. Kasunod noon ay ang pagbuhos nang napakalakas na pag ulan, dahilan upang hilahing patakbo ni Romeo ang kaniyang asawa.
Ngunit sa kalagitnaan nang kanilang pagtakbo'y bigla na lamang dumilim ang paningin ni Emily at unti-unti'y bumigat ang kaniyang mga mata.
"Emily?...Emily!..." sigaw nang kaniyang asawa habang kalong ang bumagsak niyang katawan sa basang kalsada.
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanfictionGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...