I don't know what time it is, but it's already early morning. I see the twins sleeping peacefully beside me. I heard a knock on the door, and then he opened it. I saw Levi approaching me. I still haven't stopped crying, and I cried even more when he hugged me.
"I know you always cry in the early morning, so I came here right away, and I wasn't wrong," Levi said while trying to comfort me, but I still couldn't stop crying.
"Nahihirapan pa din ako" Pahikbi hikbi kong sabi sakaniya. Narinig ko namang ang malalim niyang paghinga.
"I know. That is why I am here to help you. Aliesha, you need to be strong for your kids, okay? I know you missed Aziel, and I think he misses you too." Tumango ako ng dahan dahan. Habang kinakalma ko ang sarili ko, unti unti na din akong nakatulog.
Nagising nalang ulit ako sa boses ni Ayani na hindi ko alam kung Microphone ba. Pagmulat ko wala na din ang kambal sa tabi ko, siguro kinuha ni Levi o ni Mama at pinainitan niya sa araw. Maganda daw kasi kapag umaga pinapainit ang bata sabi ni Mama.
"MAGANDANG UMAGA BINIBINI!!" Hinampas ko ng unan si Ayani dahil sa napakalakas niyang boses.
"Ano ba Ayani, ang aga aga!" Reklamo ko sakaniya.
"Duh! 10 am na!" Sabi niya saakin, agad akong napapitlag at tumayo agad dahil sa sinabi niya.
"Bakit hindi mo ako ginising?! May work pa ako!" Nagmamadali akong pumunta sa walk-in closet ko at naghanap ng masusuot. Magdredress nalang siguro ako dahil sa Office lang naman ang lakad ko. Kinuha ko ang Yellow dress na medyo fit sa katawan ko below the knee siya.
"Sabi ni Levi huwag ka daw muna gisingin, pinakain at pinaligo na niya ang kambal." Sabi niya saakin habang nakasunod siya.
"I owe him again." Walang pinagbago si Levi, sobrang maalaga pa din siya. Nalala ko pa nung naghirap siya dahil sa naglilihi ako, buti nalang at magaling siya magluto.
"Alam mo Thana, hindi naman sa ano ha pero nakikita ko si Levi na tatay ng mga anak mo. Grabe niya kasi alagaan e mas alam niya pa ginagawa niya, alam niya yung ayaw at gusto ng kambal. Sorry Aziel ha peace tayo sa langit." Tumingin pa siya sa taas na parang kinakausap si Aziel.
"Ayani, kasama ko si Levi sa pagpapalaki sa mga kambal siya din minsan nag-aalaga kay Lia at Liam. Hindi ko na din nakikita ang sarili kong magmahal ng iba hindi ko kaya." Tumango tango naman si Ayani sa sinabi ko.
Sabay kaming pumasok ni Miya sa Company ko, kita ko nanaman ang mga tinginan nila saakin. Mukhang naninibago pa silang makita ako ngayon, Pagkapindot ni Ayani sa Elevator bumungad saamin si Kurt at Gabriel.
"Thana!" Ngumiti ako kay kurt ng tawagin niya ako, tumabi ako sakaniya. Natutuwa ako tadhana nga naman, kulang nalang patalsikin ako dito sa elevator. Nilagay ko ang kamay ko sa braso ni Kurt.
"Kumusta sa site?" Tanong ko sakaniya.
"Okay naman papasyal pala ako sainyo mamaya dadalawin ko ang kambal." Tumango naman ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Whisper of Thanks, Echoes of Goodbyes (COMPLETED)
RomanceSurrounded by cruelty and hardship, Thana Aliesha Corstlejen wants to break free from the bitterness, seeking to make her dad proud. She's trying to prove herself in business management, not because she loves it, but to satisfy her father. Aziel Ama...