35. Worried Andrei

497 35 1
                                    

[ Andrei ]

Nagising na lamang ako na parang halos magtatanghali na dahil sobrang sikat na ang araw at nakaramdam na din ako nang init sa simoy nang hangin kaya't nag desisyon na akong bumangon mula sa pagkakahiga.

Nag ayos muna ako nang sarili bago bumaba at kagaya nang mukhang nakasanayan na namin ni Breeyana ay nag luto ako nang Brunch namin.

Sabi nga niya ako na daw ang resident chef sa bahay na 'to eh, dahil hindi naman daw siya gano'n kagaling magluto kaya't sa'kin na niya ipinapaubaya iyon.

And speaking of Breeyana, mukhang napa-sarap ata ang tulog niya ngayon at hindi pa lumalabas nang kwarto ah.

Kadalasan kasi sa aming dalawa siya talaga ang nauunang magising dahil nga early-riser daw kasi talaga siya. Doon daw kasi sila sinanay ni Tito Rome.

Kaya nga minsan nagugulat na lang ako kapag kakagising ko lang eh, dahil maaabutan ko na siya agad na parang batang naghihintay sa'kin sa sala nang bahay.

Gutom na ko!. 'Yan ang lagi niyang bungad sa'kin imbes na Good Morning. Ngunit nakakapagtakang wala akong narinig na gano'n ngayon.

Sinuot ko muna ang apron na nakasabit sa may gilid nang refrigerator na palagi kong ginagamit mula nang mapatira kami sa bahay na 'to, at nagsimula nang mag luto.

Sigurado naman akong kapag naamoy niya 'to baba siya kaagad para kumain eh. nakangiti at pasipol-sipol pang bulong ko sa sarili.

Yung saya sa pakiramdam na parang gustong-gusto kong ipinagluluto si Breeyana eh, na ni hindi ko na nga magawang mag reklamo. Basta't kapag nakikita ko siyang maganang kumakain nang mga niluto ko'y gumagaan na ang aking pakiramdam. Parang palagi na'y fulfilment na iyon para sa akin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos na ang aking ginagawa't lahat ngunit wala paring Breeyana na lumalabas mula sa kaniyang kwarto.

Natabunan na kaya 'yon?. sa isip-isip ko.

At ewan ko nga ba kung bakit parang bigla akong nakadama nang pag-aalala at kaba, kaya naman inakayat ko na at kinatok siya sa kaniyang kwarto.

Marahan akong kumatok nang tatlong beses at pinakinggan kung may magsasalita.

"Bree...gising ka na ba?". mahinahong tanong ko mula sa labas nang kwarto.

Ano ba naman Andrei!?. May tulog bang sumasagot sa tanong?. Malamang tulog pa 'yan!. iiling-iling na sita ko sa sarili at muling kumatok sa kaniyang pintuan.

Pinakinggan kong muli kung may sasagot na ba, ngunit wala parin kaya't sinubukan ko sa pangatlong pagkakataon ang pagkatok. At sa pagkakataong ito'y mas malakas na.

"Breeyana...nagluto na 'ko nang breakfast. Bumangon ka na d'yan". sigaw ko.

Ngunit parang balewala parin ang aking panggigising sa kaniya't wala man lang akong naririnig na kumikilos o kahit isang ungot man lamang sa loob nang kwarto.

Tulog mantika?. Pambihira!. sa isip-isip ko habang naiiling at nangingiting bahagya. Pasukin ko na kaya sa loob?.

At wala ngang pag-dadalawang isip na sinubukan ko kung naka-lock ba ang doorknob ng kaniyang kwarto. Nang biglang bumukas ay wala nang pahintulot na pumasok ako sa loob, at tumambad sa akin ang walang katao-taong kwarto ni Breeyana.

"Bree?". paniniguradong tawag ko sa kaniyang pangalan habang lumilibot ang aking paningin na hinahanap siya.

Sinubukan ko ding i-check kung nasa banyo ba siya nang kaniyang kwarto, pero wala rin siya doon.

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon