Chapter 11: Seven Sentinels
Nalipat ang atensiyon namin sa itaas ng arena na may lumabas na entablado na lumulutang habang may nakasakay na isang tao dito bitbit ang isang mikropono.
"Welcome to the Royal Palace and welcome to 175th Sentinel's Exam!" malakas na anunsiyo niya.
Napuno naman ng sigawan ang loob ng arena hindi lang dito sa loob kung hindi pati ang mga taong nanonod sa itaas. Nilibot ko naman ang tingin ko ngunit hindi ko talaga mahanap sina Kura at Fuma sa dami ng taong nandito.
"Hey, Haruka!"
Napalingon ako sa gilid ng biglang may tumawag ng pangalan ko. Napakunot naman ang noo ko ng makakita ng babaeng hindi ko kilala. Nakasuot ito ng pulang dress at malayang lumulundag ang kulot niyang buhok. Hindi naman ako sumagot sa kanya at tanging nakatitig lang.
"I'm Rin, it's so nice meeting you. I saw you awhile ago, don't mind those two sibling they are nobles from the Haven City." dagdag niya.
"Paano mo alam?" tipid kong tanong.
Huminto naman ito sa gilid ko at ngumiti, "Dahil doon din ako galing." sagot niya.
Tumango lang ako at hindi na sumagot pa. Sabay naman kaming napatingin sa entablo ng nagsalita ang lalaking nasa gitna nito.
"Before we start our exam, may I present to you the Seven Sentinels of Verdentia Empire!"
Halos mabingi ako sa lakas ng sigawan ng mga tao dito sa arena. Sabay-sabay naman na tumayo ang pitong tao sa itaas kasama na doon si Kazuki. May nakikita rin akong ilang indibidwal na nakatayo sa likod ng upuan nila.
"From the City of Haven, Navis, and Captain Hiroshi Navis!"
Napunta ang ilaw sa lalaking hula ko ay nasa mid-30's ang edad at kumaway sa taong sumisigaw. Sumigaw rin si Rin na nasa gilid ko kaya napatingin ako sa kanya.
"I'm from Haven, remember? He's the Captain of Navis."
"From the City of Ember, Vilsa, and Captain Ryo Vilsa!"
Nalipat ang ilaw sa lalaking katabi ni Captain Hiroshi base sa mukha nito magkasing-edad lang sila ni Captain Hiroshi. Seryoso naman ang mukha nitong nakatingin sa mga tao.
"They said that Captain Ryo is so strict to his members. Ngunit gayon paman, hindi maipagkakailang palaging nasa top 3 ang Vilsa sa ranking ng Sentinels bawat taon." biglang saad ni Rin sa gilid ko.
"Ranking?" bulong ko sa aking sarili ngunit tila narinig niya ito dahil tumango ito.
"Oo, bawat taon may ranking na magaganap at dito ulit sa Royal Capital gaganapin." tanging sagot niya. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa.
"From the City of Klea, Lowe, and their Captain.. Captain Jirou Lowe!"
Mas malakas ang hiyawan ng nalipat ang ilaw sa babaeng ngumingiti sa mga tao. She does not seems old, parang nasa mid 20's lang ang edad niya.
"She's beautiful." hindi ko mapigilang mai-sambit. Ngunit narinig ko nalang ang mahinang tawa ni Rin sa gilid ko.
"Yes she's beautiful but she's deadly." komento niya.
"From the City of Lunaris, Mora, and their Captain.. Captain Mizu Mora!"
Nalipat ang ilaw sa babaeng masayang nakatayo sa itaas habang magiliw na kumakaway sa mga tao. Napakunot naman ang noo ko ng makita ang kabuuan niya. S-she's... She's just a child?!
"That's Captain Mizu from the powerful family of Mora and yes she's the youngest Captain. Ang alam ko she's youngest in her family ngunit siya ang pinakamalakas." sambit ni Rin.
BINABASA MO ANG
Verdentia Empire: Endless Rebirth
FantasíaIn the outskirts of the Verdentia Empire lies a humble town named Eldoria, teaming with peasants and commoners. A peasant who was abandoned by the capital and criticised by the nobles and royalty. Among them is Haruka. Unlike other people from their...