Chapter 07

74 2 0
                                    


Chapter 07

This is it

Iyong gulat ko yata hindi ko na maipaliwanang kung paano at kung ano'ng level ba iyon. Ang alam ko lang ay halos nasimento ako sa aking kinatatayuan habang pinagmamasdan ang nagyayari ngayon sa aking harapan. 

Gustong kong pumasok sa eksana. Gusto kong pigilan ang dapat na mangyayari, pero na blanko ako. Iyong tipong hindi na gumagana ang utak ko pati na rin ang katawan ko sa gulat.

Sa sobrang gulat ko ay nagtatakbo na lang ako palabas ng gate. Oo, naging duwag ako pero bago ako lumabas ng gate ay pumulot muna ako ng bato at inihagis iyon sa pintuan nila. Iyon na lang ang naisip kong paraan para mapigilan ang dapat nga bang gawin ni Kiel sa Mama niya.

Tama lahat ng nakita ko? Hindi naman siguro ako nanaginip, 'no?

Ang layo sa Kiel na nakilala ko 'yong nakita ko sa kanya kanina. Kitang-kita ko kasi 'yong galit ni Kiel, nakakatakot. Iyong tipong magpapasapak ka na lang talaga sa kanya at susuko ka na lang dahil sa mukha niyang iyon.

He seemed filled with frustration. It appeared that his patience had run out, which may have been why it happened.

Wala naman kasi akong karapatan na mangialam sa kanilang dalawa. Issue nila iyon pero . . . tama ba 'yong ginawa ko? Iniwan ko lang silang dalawa roon? Okay lang ba iyon?

Binuhos ko na lang ang lahat ng emosyon ko sa loob ng bus. Mabuti na nga lang ay wala akong katabi ngayon, kung 'di ay baka pagtawanan niya ako.

Imbes na umuwi ako sa apartment ko ay agad akong dumeretso sa bahay. Hindi ko yata kakayanin kapag ako lang magisa sa apartment. Mababaliw ako roon kakaisip kung . . . tama ba 'yong ginawa ko?

Tama ba?

Mali?

Ginulo ko na lang ang buhok ko sa sobrang pagkainis. Padabog-dabog pa ako habang naglalakad sa pauwi sa bahay. Gusto ko lang ilabas lahat ng pagkairita ko sa sarili ko. Mabuti-mabuti ay tanghali ngayon at wala ang chismosa sa gilid-gilid. Baka sabihin ng mga kapit-bahay na nababaliw na ang anak ni Desma, tsk.

Hindi ko na nagawang kumatok dahil dere-deretso na akong pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko pang si Mama at Papa ay nanonood ng paborito nilang noon time show. Agad-agad akong lumapit kay Mama at niyakap siya ng mahigpit.

Gulat na gulat pa si Mama nang yakapin ko siya pero agad naman niya akong niyakap pabalik. "Ma . . ." napahagulhol na lang ako sa kanyang bisig.

"Bakit, anak?" Hinihimas pa ni Mama ang buhok ko habang nakabaon ang mukha ko sa tiyan niya.

Si Mama 'yong niyakap ko kasi hindi ko mavisualize na magagawa ko iyon sa kanya. Na parang kahit ano'ng masamang gawin sa akin ni Mama, e hindi ko siya kayang pagbuhatan ng kamay. Na iyong tipong kahit bata kami ay kinukurot kami ni Mama dahil sa kakulitan namin ay hindi ko maatim na magawa sa kanya iyon pabalik.

I should not judge Kiel but as what I observed I already judging him from doing that thing to his own mother. His mother that treats him right because if she isn't treat her rights, ano 'yong naramdaman ko sa piling ni Kiel? Ano 'yong naging dahilan para magustuhan ko siya, kung hindi niya ako pinapakitaan ng mabuti?

Hanggang ngayon parang nanduon pa rin ako sa harap ng bahay nila Kiel at nakikita ko ang ginagawa niya. Malinaw na malinaw pa rin na tipong gusto ng isip kong bumalik duon at pigilan si Kiel na gawin iyon sa Mama niya.

Pero . . . na rito ako sa bisig ng Mama ko. Nagtatangis sa nangyari at pinagiisipan pa rin ba kung tama lang na iniwan ko silang dalawa roon?

Mali—ayan 'yong laging pumapasok sa utak ko. Mali ang ginawa ko, na dapat pinigilan si Kiel, na dapat pino-protektahan ko ang Mama niya sa kamay ni Kiel.

Interview: A Relationship That Sadly Failed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon