A/N: EDITED ANG EPILOGUE dahil marami ang hindi sang-ayon sa ending. Masunurin akong writer kaya sige, sabay-sabay tayong masaktan. Happy reading!
"Ma, paabot naman ako ng posporo at magtitirik ako ng kandila."
Marahan na ibinaba ni Dreams ang mga dala niyang bulaklak at ilang mga pagkain na iaalay sa ibabaw ng puntod. Walang kaarte-arte siyang naupo roon at matapos iabot ng kanyang ina ang pinasuyo nitong posporo ay kaagad niyang sinindihan ang hawak nitong kandila at maingat na ipinatayo iyon sa ibabaw ng puntod upang hindi mamatay ang apoy nito.
Naramdaman na lamang ni Dreams ang mainit na likidong umagos sa kanyang pisngi, napapikit siya dahil nakakaramdaman na naman siya ng sakit sa kanyang dibdib dahil sa pagkawala ng kanyang anak. Bumabalik sa kanyang alaala kung gaano niya hilingin sa Maykapal na huwag kunin ang kanyang pinakamamahal na anak. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana at naroon na naman siya sa puntong magdadalamhati siya.
Kusang pumutak sa ibabaw ng puntod ang kanyang luha, wala siyang magawa kundi ang ibulong sa kawalan ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi kayang higupin ng kahit na anong malakas na hangin ang sakit na mayroon sa kanyang puso sa pagkawala ng kanyang anak. Gusto niyang sumigaw sa sakit pero para siyang kandila na naupos sa kawalan niya ng lakas. Tanging paghikbi na lamang ang kanyang nagagawa at hinihiling na sana panaginip lamang iyon sa kanyang buhay. Na sana pagmulat ng kanyang mata ay isang bangungot lamang lahat iyon.
"Anak, may bisita ka," pambabasag ng katahimik ng kanyang ina kaya napahinto siya't dahan-dahan na lumingon at doon bumungad sa kanya ang bulto ng taong hindi niya inaasahang makita. "Maiwan ko muna kayo." Pagpapatuloy ng kanyang ina at tahimik na iniwan silang dalawa.
"Hindi ko alam na dumalaw pala kayo sa kanya. Pasensya na." Napalunok si Kaiden matapos tumayo sa medyo may kalayuan sa pwesto ni Dreams. Ibinaba niya iyong dala niyang bulaklak saka marahan na sinindihan iyong kandila.
Nakakabinging katahimikan ng namutawi sa pagitan nilang dalawa. Napatitig si Kaiden sa babae at naawa siya ng sobra nang makita na namamaga na ang mga mata nito sa pag-iyak. Matinding sakit ang naidulot sa pagkawala ng kanilang anak. Magaling siyang doktor pero hindi niya alam kung anong gamot ang kaya niya g ireseta para mawala ang sakit na iyon na nararamdaman ni Dreams.
"Naayos ko na 'yong gulo sa amin ni Mia lalong-lalo na sa anak niyang si Zach. I tried my best to explain everything to Zach, inaasahan ko naman na hindi niya pa maintindihan ngayon pero I fix it for good. Mia and Zander help me. Nakapag-usap na rin kami ni Zander at nangako siya na hindi na siya makakapayag pa na guluhin ulit ako ni Mia. They are with Zander now, fixing their own family. While, here I am craving for your forgiveness, Dreams."
Pumatak ang luhang kanina pa pinipigilan ni Kaiden, bahagya siyang napayuko at hindi nakaligtas sa pandinig ni Dreams ang kanyang paghikbi. Napatitig si Dreams sa doktor na nilalamon na rin ng sariling emosyon. Kung gaano kasakit sa kanya ang mawalan ng anak, alam niyang ganon rin ang nararamdaman nito.
"Ano pang aayusin natin na pamilya, Kaiden? Wala na tayong aayusin dahil wala na tayong anak. Wala na si Kaizen....Wala na rin si Kaizer...Ano pa sa tingin mo ang bubuuin natin na gusto mo? Walang-wala na tayo! Binawi na Niya lahat ng anak natin."
Sinubukan niyang yakapin si Dreams pero mabilis itong umiwas at pinagtutulakan siya palayo sa kanya. Para siyang may malalang sakit at ayaw ni Dreams na magtama ang kanilang balat. Napapansin na rin niya ang mabibigat na paghinga ng babae dahil sa pagiging emosyonal at wala siyang magawa kundi ang panoorin na lamang ito.
"Sobrang sakit, Kaiden, na 'yong taong naging dahilan lahat ng paghihirap ko, unti-unti na niyang inaayos 'yong pamilya niya samantalang ako, tayo, nawalan ng anak, hindi lang isang beses kundi dalawa pa. Paano mo nakayang patawarin 'yong babaeng 'yon samantalang ako, paulit-ulit hinihiling sa Diyos, na sana maranasan niya rin 'yong mawalan ng anak, na sana hindi siya nakakatulog gabi-gabi kakaisip kung hanggang kailan ko ba dapat maramdaman 'tong sakit."
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Teen FictionDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...