Kabanata 2
She got lucky that night her dad agreed when she asked him to give her two months to enjoy life in the city, and after that, she was going to live in the province for good. But, of course, she was lying. The truth, is she wanted to avoid that man just for two months and hoped that she'd be able to forget that kiss. However, it still haunts her until now.
She still blames the wine. Yes, that damn wine that she stopped drinking for two months.
"Ma'am? Nakahanda na po ang mga gamit ninyo sa ibaba. Kayo nalang po ang hinihintay."
"Give me five more minutes, please." Aniya at sinindihan ang sigarilyong hawak. Gusto pa niyang manatili sa bahay at pagmasdan ang lugar kung saan na siya lumaki at nagdalaga. Paniguradong mami-miss niya ito sa oras na doon na siya sa probinsya.
"Sige po, ma'am. Nga po pala gusto niyo po ba dalhin si Rocky doon sa probinsya?" pagtukoy nito sa aso niyang poodle.
Nilingon niya si Melissa habang ibinubuga ang usok ng sigarilyo sa bibig niya. "Wag na at baka magkasakit lang yun doon. Pakisabi kay Mang Fernand na alagaan niya si Rocky at pakainin nang mabuti dahil ayokong pinapababayaan ang anak ko."
"Maliwanag ba?" nakataas kilay niyang tanong.
"Opo, ma'am. Masusunod po."
Napaubo si Melissa nang malakas nang malanghap nito ang usok ng sigarilyo sabay talikod nang mabilis saka siya iniwan. Natawa siya sa reaksyon nito.
Hindi na siya nagtagal doon sa balcony agad niyang itinapon ang sigarilyo at bumaba na. Naalala niya kasi bigla na nagtext ang Daddy niya na hihintayin siya nito sa bahay kasama na ang iba pang mga bisita kasama ang mga kamag-anak nila.
Naging maayos naman ang byahe niya papunta sa probinsya kahit na inaantok ay pinigilan niya ang sarili para lang makakuha ng magagandang larawan sa mga tanawin na nadadaanan nila sa byahe. Hindi pa siya nakuntento at nagselfie pa at nagpost sa social media to update her thousand followers dahil ilang buwan na rin siyang hindi nakapagpost at nakakatanggap siya ng mga mensahe mula sa mga taong hindi niya kakilala na nagpafollow sakanya kung anong ginagawa niya sa buhay. Alam niya ang iba doon ay nakiki-marites lang habang ang iba naman ay curious lang talaga sa buhay niya.
Naghintay na muna siya sa sasakyan na makababa ang driver niya at pinagbuksan siya nito ng pintuan. Akmang kukuhanin nito ang dala dala niyang maliit na bag nang pigilan niya.
"Yung malalaking bag ang dalhin mo sa loob ng bahay kuya. Kaya ko na toh."
"Sige po, ma'am. Mag-iingat po kayo sa pag-akyat ng hagdan dahil medyo madulas po doon. Magpahinga rin po kayo nang mabuti dahil sigurado ako na kanina pa kayo inaantok."
Napangiti si Kali at tumango.
"Alright, thank you for reminding me. Here's your reward for today" inabot niya ang five thousand dito nung una ay ayaw pa nitong tanggapin dahil nahihiya pero dahil pinilit niya nang husto ay wala na itong nagawa kundi ay tanggapin na lamang ang perang inalok niya.
"Magandang hapon po, Señorita." Bati sa sakanya ni Manang Josefa, ang nanay ni Melissa.
"Where's Dad and the others? Wala pa ata sila." Lumilinga linga siya sa paligid.
"Nagkaroon po sila ng problema nasira po kasi ang sasakyan nila Sir. Dumaan pa kasi sila sa flowershop ng Tita Faith mo."
Biglang nasira ang mood niya nang mabanggit nito ang pangalan ng taong isa sa mga kinaiinisan niya.
"Okay."
"Gusto niyo po ba padalhan ko kayo ng makakain sa itaas bago kayo magpahinga?"
Tinanguhan niya lang ito at matipid na ngumiti. Natigil naman ang mga nag-uusap na mga utusan ng kanyang ama sa gilid ng hagdanan patungo sa kanyang kwarto. Tumikhim siya, alam niyang siya ang ginagawang pulutan ng mga ito pero imbes na pagalitan ito sa pagtsitsismis ay binalewala nalang niya ang mga ito. Sa tingin niya kasi ay mas importante ang tulog niya kesa sa pagpansin sa mga walang kwentang bagay.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...