Chapter 6 - Slipped

49.2K 709 41
                                    

Dedicated to @dianiie14! Maraming maraming salamat sa suporta mo! :*

Here is the next chapter... Sorry po kung ang tagal kong mag-update.. Naging busy lang kasi kast week.. Hope you understand...

Anyways, maraming salamat sa mga patuloy na nag-aabang sa kwentong ito at sa patuloy na nagbabasa sa The Boss and the Wallflower (A KathNiel FanFic)... 90K+ reads na siya as of today! Super thank you to all of you!

Love you all! Enjoy!

=========================================

CHAPTER 6

“What? You have to be kidding me!” bulalas ni Mikaela sa kaharap. She couldn’t believe what he was asking her to do.

Inis na napakamot naman ng ulo si Gino. “Ang aga-aga, ang ingay mo! Pwedeng ‘wag kang sumigaw? Nakakabulabog ka ng kapitbahay,” singhal naman nito pabalik sa kanya.

Heto at hindi pa nga ganap na sumisikat ang araw ay nagbabangayan na naman sila. Ano ang sanhi ng pag-aaway nila? Simple lang naman – tubig.

“You’re unbelievable! Pag-iigibin mo talaga ako ng tubig? I mean, hello! In case you haven’t noticed, babae ako!”

Tiningnan siya ni Gino mula ulo hanggang paa, kasabay ng isang pilyong ngiti na lalong ikinangitngit ng kalooban niya.

Napakawalang modo talaga!

“Eh, ano naman ngayon? Ikaw ang may kailangan ng tubig, ikaw ang mag-igib,” sabi pa nito.

Gusto na sana niyang maligo kanina pa, but she found out that his house didn’t have indoor plumbing. Kinakailangan pang kumuha ng tubig mula sa poso sa labas ng bahay at ilipat iyon sa banyo. Sa lahat naman ng pwedeng kulang sa bahay na ito, ay iyon pa talaga ang pinili ng tadhanang ipagkait sa kanya.

“P-pero… Ang bigat kaya nun! Hindi ko kayang magbuhat ng ganun kabigat!” reklamo ulit ni Mikay.

“Pwes, mahal na prinsesa, kailangan mong masanay na. ‘Wag kang umasa na ipag-iigib kita ng tubig. Kaya kung ako sa’yo, simulan mo na ang gagawin mo kung gusto mong maligo. Aalis tayo mamaya, kaya bilisan mo na ang pagkilos,” sagot nito at akmang iiwan na siya.

“T-teka! Aalis? Saan tayo pupunta?” tanong niya.

“Sa palengke,” ang tipid na sagot ni Gino at tuluyan nang bumalik sa kwarto nito. He shut the door in her face.

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon