Chapter 22

66 2 1
                                    

"I'll bring you home..."

Umiling ako. He can't leave Finn at mas lalong hindi ako papayag kung iiwan niya si Finn para lang ihatid ako. I can contact my driver naman kahit sobrang late na. I can handle myself.

"Are you sure?"

"Yup!" Inabot ko ang hand bag ko. "I'll call my driver."

Nakita ko ang pag-aalala ni Lewis. Pero mas naiilang ako sa tingin ni Angelo kahit na nasa kabilang table siya, nakikinig. Nasa tabi niya si Nikki na nakatingin lang din sa akin. Lasing na rin ang ibang bisita.

"Elli? Ano na?"

I pursed my lips. "Wait."

Ring lang naman kasi ng ring. Hindi ko rin kasi nasabing magpapasundo ako kasi buong akala ko sabay kami ni Kae! Wala rin sa plano naming magpakalasing pero dahil nga sa nangyari, napainom kami.

Sumuko na ako.

"I can pick a grab—"

"Sa amin ka na sumabay," Angelo said.

Shit.

Nagulat si Lewis sa pagsulpot niya. Kahit na ako! Nilipat din ni Finn ang mga mata niya sa akin na para bang nananantya siya sa magiging reaction ko.

Biglang ang awkward lang.

Gago ba talaga siya?

Lewis shrugged. Hindi niya rin nagustuhan ang ideyang iyon but Angelo told us na mas mahihirapan akong magtawag ngayon at mas delikado. Bigla rin akong binalikan ng trauma ko dahil muntikan na rin akong mabiktima ng magnanakaw noon. Buti nalang dumating iyong ka-blockmate ko at nakisabay nalang para mapanatag ang sarili. Galit na galit si Lewis at sinisi pa siya ni Kae noon.

"Lewis."

"Ano ba, Gelo?"

Pumikit ako. Lewis looked at me. Mukhang... okay lang naman—okay nalang na sumabay sa kanila kaysa naman wala akong masakyan pauwi.

I nodded. "Okay lang, Lewis." Suminghap ako at nilingon si Nikki. "Okay lang ba sa iyo?" tanong ko sa kanya kasi tahimik lang siya sa gilid.

"Yes!" She smiled.

Ngumiti na rin ako habang mabilis na inihanda ni Angelo ang sasakyan. Nagpaalam na ako sa dalawa, sinita ko pa si Lewis dahil ang talim ng tingin niya kay Angelo.

"He's your friend," I whispered.

Tumaas ang kilay niya. "But you're my first friend. My family." Napakamot na siya sa noo niya. "Hindi pa nga ako nakaka-get over sa paghatak ni Brix kay Kae tapos dadagdag pa siya?"

Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. Tinapik ko ang pisngi niya para sabihing okay lang talaga. Chill lang siya diyan kasi kaya ko na naman. Hindi na naman ako tulad ng dati.

"Let's go," Nikki said.

"Bye... again, congrats!" I kissed Finn. Tumango lang silang dalawa bago ako pumasok sa likuran ng sasakyan.

Sinungaling ako kapag sinabi kong okay lang na kasama ko sila kasi hindi.

Tahimik.

Diretso lang ang tingin, kung hindi pinaandar ni Nikki ang stereo, iisipin kong walang tao sa loob ng sasakyan. Para kaming mga naputulan ng mga dila kasi walang nagtangka.

"Are you drunk?" sabay tingin niya sa akin sa pamamagitan ng salamin.

Umayos ako sa pagkakaupo. Nawala na naman ang kalasingan ko kaya okay na ako. Umiling na ako bilang sagot sa tanong niya.

"Gusto mo bang mag-coffee muna tayo?" si Nikki.

"Hindi na. Uuwi nalang ako. I need to rest," angal ko.

ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon