Chapter 10Gone
Halos nakalimutan ko nang huminga sa sinabi sa akin ni Gracey. Kaya ba sinabi sa akin ni Kiel na 'mag-isa na lang ako'? Dahil totoo ito? I thought he was only referring to himself as the one who needed to solve the problems caused by his parents.
Hindi ako makahinga habang iniisip ko 'yong sinabi ni Gracey. Para akong namanhid. Para akong biglang naghalo dahil sa sobrang gulong-gulo ng isip ko. Para akong lumulutang sa kawalan, na hindi ko alam kung saan ako makakapunta., kung saan nga ba dapat akong mapunta.
My mind is in chaos. I feel confused and it seems like there's a desire to do something that I don't even know what exactly it is.
"Oh, my god!" Biglang nagpanic na si Gracey sa aking tabi.
Hawak hawak ko ang aking dibdib dahil sa biglaang paninikip niyo. Pinipilit kong habulin ang hininga ko kahit alam kong medyo imposible siya.
"Where is your inhaler?" nagpapanic na tanong ni Gracey habang kinakalikot ang bag ko. Pasimple kong tinuro ang bulsa nito. "Where—oh here! Take it!"
Mabilisan kong kinuha ang inhaler sa kanya at agad ko itong tinake. Medyo kumalma na ako magkatapos ko i-take and gamot na iyon. Kasabay ng pagkalma ko ay ang pagkalma rin ni Gracey sa aking tabi.
I didn't realize na nawalan na pala ako ng hinhinga kung hindi pa sumigaw si Gracey sa aking tabi. Grabe, papagalitan na naman ako ni Kuya, Ate lalo na si mama kapag na laman nila ang nangyari sa akin.
Ayoko sa lahat kapag ina-atake ako ng hika ko e. Minsan hindi ko napapansin, minsan naman halos mamutla na ako sa kakulangan ko sa hinhinga.
"Did I scare you or something?" there's a worried in her voice.
Umiling lang ako bilang responce. Kinuha ko ang bag ko at kinuha ang water bottle ko at uminom mula roon.
"You didn't know?!" biglang sigaw ni Gracey. "I thought you knew! I thought Kiel told you! Oh, my gosh!" She's being hysterical in front of me while walking back and forth.
Hindi pa rin nagsi-sink-in sa akin ang sinabi sa akin ni Gracey. Sobrang gulat na gulat talaga ako. Halos hindi na ako makapaniwala sa sinabi niya sa akin.
Siguro kaya tumigil na rin si Kiel sa panliligaw sa akin dahil na kakayanin ng oras niya pagsabay-sabayin. Gets ko 'yon, pero tangina naman! Ang sakit-sakit na sinekreto niya sa akin ang bagay na 'yon?
Kahit kalian, ang hirap talagang basahin ni Kiel, kahit kailan ayaw niyang ipaalam sa iba na may ganuon siyang kalaking problema. Ayaw na ayaw niya kasing may madadamay sa problema niya. Gets ko naman 'yon, pero paano naman kaming willing to help him? Huh? How about us?
Okay lang iyon kasi ayaw niyang makaabala at ayaw niyang may idadagdag pa kaming po-problemahin kapag nalaman namin. Pero kasi, hindi naman masamang humingi ng tulong lalo na kung alam niyang may willing na tumulong para sa kanya.
Kaya nang makauwi ako, paikot-ikot ako sa apartment ko. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin.
Iniisip ko pa lang na pumunta roon sa hospital, kinakabahan na ako. Baka kasi mas lalong lumala iyong kalagayan ng Mommy ni Kiel kapag nakita ako. Pero naalala ko rin pa lang, nacoma ang Mommy niya. Posibleng kung pupunta ako, hindi niya ako makikita.
"Beb, nasaan ka?" Tinawagan ko na agad si Tintin.
"Nasa gala akesh! Bakit ba?"Ang ingay ng paligid, siguro nasa Mall na naman ito.
"Samahan mo 'ko sa hospital,"
"Hoy! Bakit? May masakit ba sa 'yo? Hinihika ka na naman? Okay ka lang? Mahihintay mo pa ba ako?" Hinihingal at halatang nagpapanic si Tintin. Sa tingin ko rin, tumatakbo ito.
BINABASA MO ANG
Interview: A Relationship That Sadly Failed
Novela JuvenilThere was an interview, which discussed A Relationship That Sadly Failed. *** Deesten Chiara Corpuz is a 20-year-old student currently pursuing a degree in Business Administration with a major in Financial Management. She has many suitors. At the su...