"Baby You Light Up My World Like Nobody Else.."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Si Paul ay isang matalino, gwapo, mayaman, varsity player, lead vocalist ng banda, at tahimik. Kung tutuusin ay marami talagang nahuhumaling na mga girls sa kanya, pero iisa lang naman ang gusto niya--- si CHERRY na tinaguriang old fashioned nerd ng college nila mula pananamit na laging naka maluwang na jeans at simpleng tshirt at naka rubber shoes samahan pa ng eyeglasses na suot nya.
Pero, bakit nga ba sya ang gusto ni Paul??? ...
*FLASHBACK
1 year ago...
"Pare, ready na daw, the show will start in 5 minutes" sabi sa kanya ni Lance na guitarist ng banda nila
"Sige pare, labas na ko" sagot naman ni Paul
Acquiantance night kasi ng college nila and isa sila sa mga tutugtog sa program. At ang kakantahin nila ay isa sa mga biggest hits ng bandang ONE DIRECTION na "What Makes You Beautiful"
Paglabas ng stage ni Paul, sigawan na ang mga babae dahil sa angkin nitong karisma at kagwapuhan.
"Good Evening Ladies and Gentlemen, again welcome to this years Acquiantance Party, hope you'll enjoy the song we've prepared for you. So without further ado, this is What Makes You Beautiful by One Direction"
"WOOOOOOHHHH" sigawan ng mga tao lalo na ang mga kababaihan.
"You're insecure, don't know what for
You're turning heads when you walk through the door
Don't need make up to cover up
Being the way that you are is enough"
Habang kumakanta si Paul ay lumilinga linga sya sa paligid na para bang kinakantahan nya lahat ng mga babaeng nandoon. Ng mahagip nya ang isang babaeng nakaupo sa stool at may hawak na libro. noong una'y natawa pa sya dahil nag-aaral pa rin ito kahit may party. Pero habang tinititigan nya ito ay nakikita nya anng angking kagandahan ng babae sa kabila ng eyeglasses at simpleng dress na para bang naiilang sa suot nya.
Natuon sa babaeng yon ang kanyang atensyon kaya naman ng mag chorus na ay parang sa kanya nya ito dinededicate
"Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But you when smile at the ground it aint hard to tell
You don't know You don't know you're beautiful "
Kahit na tapos na ang acquiantance party ay siya pa din ang nasa isp niya.
"OUCHHHHH!!" tili ng babaeng nabunggo nya, yan sa kakaisip kasi di na napansin ang dinadaanan
"Ay Miss--- " natigil sya ng makita nyang ang babaeng nabunggo ay ang laman ng utak nya
"Miss, sorry di ko talaga sinasadya. pasensya na talaga sorry sorry"
"O-Okay lang, tumingin ka na lang ulit sa dinadaanan mo"