Sa paghahanap ni Harold ng malilipatan ay nakakita na siya ng bedspace na malapit sa kanyang eskwelahan, nagdoorbell ito sa gate ng bahay na may nakasabit na sign board na Wanted bedspacer.
"Medyo okay na itong bahay na ito, sana tanggapin ako para makalipat na ako next week bago magpasukan..."
Hinihintay niya na may magbukas sa kanya at muli siyang nagdoorbell nang biglang bumukas ang maliit na butas ng gate at mata lamang ng babaeng nasa loob ang nakikita niya.
"Ano yun?..."
"Mag-iinquire lang po para sa bed space"
"Teka..."
Matagal-tagal naghintay si Harold sa labas ng gate habang tagaktak ang pawis nito dahil sa tindi ng sikat ng araw ng tanghaling iyon. Bumukas ang gate at lumabas ang lalaking matabang brusko na nakashort at tsinelas.
"Magbe-bedspace ka ba?!" Tanong ng lalaking brusko.
"O-opo" Sagot ni Harold na tila nasindak sa tanong ng lalaki.
"Halika pasok..."
Pinapasok si Harold at agad na isinara ang gate, tumuloy sila sa loob ng bahay na bahagyang may malawak na sala pero madilim, ang kisame medyo ay nabubulok na at ang pader ay kumukupas na ang kulay nitong puti.
"Maupo ka bata" Alok ng brusko at naupo naman si Harold sa lumang sofa na medyo lubog na.
Nagsindi ng sigarilyo ang brusko sa harap ni Harold.
"Yosi?" Nakangiting alok ng brusko kay Harold.
"Di po ako naninigarilyo..., magkano po ba yung bed space?" Nakangiting tanong ni Harold na halatang kinakabahan.
"1K monthly, libre tubig, kuryente pero pagkain sayo. Bawal ang bisita pero kung may inuman pwede basta kasama ako sa tomaan..." Pangiting sagot ng brusko.
"Hindi naman po ako umiinom, pwede po bang makita yung kwarto?"
"Sige tara..."
Umakyat sila sa hagdan at pinakita ang maliit na kwarto parang bodega na kahoy ang sahig na bahagyang lumalangitngit at ang may maliit na bintanang jalousy.
"Kapag ikaw ang kumuha nito ikaw na ang bahalang maglinis nito, may ilang buwan na rin kasing natengga ito kaya maalikabok... At yung kisame kapag tag-ulan may tumutulo dyan..." Wika ng brusko at napatingala si Harold sa kisameng kupas na puti na may patse-patseng marka.
"Yung aparador doon Kuya, sa inyo po ba yun?..." Tanong ni Harold sabay turo sa maalikabok na lumang aparador na nasa isang sulok ng kwarto.
"Yan yung aparador noong unang tumira dito, pero iniwan na sabi babalikan daw... Pero kung gusto mo gamitin mo kung dito ka titira... Ano kukunin mo na ba ito?" Tanong ng brusko at napaisip si Harold.
"HUY!" Biglang nagulat si Harold sa isang bagsak ng palakpak at sa sigaw ng brusko.
"Sorry Kuya iniisip ko pa po eh..." Sagot ni Harold na kinakabahan.
"Anak ng... Kung tutunganga ka lang dito, E sinasayang mo lang oras ko..."
"Sige Kuya kukunin ko na po" Agad na sagot ni Harold na tila nabigla.
"O sige down payment, one month advance" Wika ng brusko sabay lahad ng kamay nito na hinihingi ang pera.
Labas naman agad ng wallet si Harold at agad na ibinigay ang buong isang libong piso sabay bulsa naman agad ng brusko sa pera ni Harold.
"Madali ka naman palang kausap, nagpapaligoy-ligoy ka pa. O ano kelan ka lilipat?!"
"After three days po dadalhin ko na po yung mga gamit ko" Sagot ni Harold.
BINABASA MO ANG
Wanted bedspacer
Short StoryCollege freshman si Harold na umupa at nabighani sa maamong mukha ni Leah na nasa loob ang kulo.