vez tutor

28 0 1
                                    

Prelude

Naglalaro si Chris sa isang open lawn malapit sa kanilang bahay ng biglang may sumitsit sa kanya. Paglingon nya ay nakita nya ang isang matandang nakadamit ng parang isang kulto. Kulay itim ang damit nito at kahit na tanghaling tapat ay hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito. Hindi siya nakaramdam ng takot o ano mang kaba. Kahit na pinipilit nyang manginig eh wala. Parang isa siyang tuod na nakatayo. Naghihintay na itumba ng kung sino man. Isang iglap, biglang nasa harapan na niya ang matanda. Walang ano ano ay ngumiti ito. Hindi mabuksan ni Chris ang kanyang bibig. Hindi magawang sumigaw. Wala, walang pagalaw ang nagaganap sa kanya. Nang biglang makadama ng init si Chris, siya ay nawalan ng malay.

Nagising siya sa kanyang kwarto. Tatlong araw na pala siyang tulog. Agad agad niyang inalala ang mga pangyayari, ngunit parang isang panaginip, wala. Walang mabuong malinaw na imahe sa kanyang isipan. 

Chapter 1

After 20 yrs

“Chris, Ano na?” Tanong ng kanyang amo.

“Teka lang, sir. Matatapos din ito.” Sagot niyang may halong pagmamakaawa

“Tatlong lingo na kasi yan.” 

“Eto na sir! Tapos na!” ngiting ngiting sigaw ni Chris na may kasamang happy dance.

“Salamat.”

Agad agad bumaba ng opisina si Chris upang magpahangin at mag yosi break. Pagdating niya sa vendor machine sa may gilid ng kanilang gusali ay may naaninag siyang matanda. Matandang pamilyar na pamilyar. Nanlaki ang mga mata ni Chris. Animo’y nakakita ng kung anong napakahiwaga at sobrang bihirang makita. Muli, hindi nanaman siya makakilos, hindi nanginginig o gumagalaw ang ano man sa kanyang katawan. Sa kanyang isipan “ Hindi maaari ito, hinding hindi.” Biglang ngumiti ang matanda at tumakbo papunta sa dulo ng eskinita. Nanumbalik ang kayang pakiramdam at agarang hinabol ang matanda. 

Ang matanda ay pumasok sa isang kwarto. Siya naman ay sumunod at pumasok rin. Pagpasok niya ay agad siyang nasilaw. Pagbalik ng kanyang eye sight, nagulat siya sa kanyang nakita. Ang kwarto ay parang ang kalawakan. Parang nasa kalawakan nga siya. At sa may gitna ay nandun ang matanda.

 Nakatayo at sa tabi ay may orasan. Ang matanda ay nakatingin sa kanya. Nakangiti at parang may binubulong bulong. Mamaya maya ay bigla nalamang nasa harapan niya ang matanda. Hindi na naman siya makakilos. Katulad ng nangyari sa kanya noong bata pa lamang siya.Nagsalita ang matanda:

“Salamat at hindi mo ako nakalimutan. Pasensya na kung ganito ang aking paraan ng pagpapakilala. Malapit ng matapos ang oras ko, hindi ko na magagawang magpaliwanag pa. Tandaan mo itong sasabihin ko, “Ang oras ay mahalaga. Huwag mong sasayangin ito. Gamitin mo sa tama at kung sa tingin mo ay masasayang , tumigil ka na sa iyong ginagawa. Ang oras ay makapangyarihan.” Agad agad ay biglang parang may sumabog na liwanag sa kanyang paligid. Nagising na naman siya, ngunit hindi na sa kanyang kwarto. Sa ospital na. Tatlong araw na naman siyang nahimlay.

Chapter 2

Ang unang paglabas

“Pare, maniwala ka naman sa akin” Pagpapaliwanag ni Chris sa kanyang tropang si Vergel. “Totoo nga, totoo ang mga nakita at narinig ko. Hindi naman ako naka marijuana or ano mang droga. Nasa-“ “Tama na pare, wala ka naman sa presinto para magpaliwanag ng ganyan, ang akin lang naman eh kalimutan mo na. Baka isipin nilang nababaliw ka hahahaha” Malakas na tawa ni Vergel “Nakakaasar, sige uuwi na ako.” Malungkot na sabi ni Chris. “Ingat ka pare, gabi na” .

Naglalakad si Chris sa isa nanamang eskinita, ng biglang may sumugod sa kanya. Isang holdaper, isa ding mamamatay tao. Ngunit, sa bilis ng pangyayari, siya ay napasigaw at biglang may liwanag na lumabas sa kanyang kamay. Isang bilong na casting circle. Nakita na lang niyang hindi makagalaw ang holdaper. Hindi makakilos, animo’y nanigas. Nagulantang siya sa pangyayari. Nagugulumihanan at wari’y parang isang malaking kababalghan ang nagaganap. Ang holdaper ay nagsimulang makarmdam ng nginig. Dala na din na nahihirapan siyang huminga. Maya maya pa ay nakagalaw na siya. Biglang tumakbo palayo ang holdaper. Si Chris naman ay balisang tumakbo pauwi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

vez tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon