hi, my name is lala taga manila ako dati, umalis ang mama ko nag ibang bansa kaya ang bahay namin sa manila ay binenta na.
lumipat kami sa cavite at may nakilala akong lalake moreno at lagi ako nitong inaasar at ito ay si JL.
noong una naming pagkikita okay naman at naalala ko pa non pinabili ko sya ng baka masarap pa kasi ang tsitsiriya noon at tig pipiso pa.
pero pagkatapos ko siya ilibre nagsimula na niya akong asar asar, mataba kasi talaga ako pero inaamin ko naman pero ang nakakainis lang kasi hindi nabubuo ang araw niya kapag hindi niya ako inaasar, one time inaya siya ng pinsan ko ng sapakan dahil gusto akong ipagtanggol ng pinsan ko dahil nga sobra siya mang asar.
pero dahil nga batang hamog/lansangan siya non at ang kuya ko ay hindi masyadong marunong makipag away napadugo nito ang bibig ng kuya ko.
simula non sumama na ang loob ko saknya, hindi ko sya pinapansin kahit na inaasar asar nya ako hindi ko padin siya pinapansin hanggang sa umabot na sa pananakit yung pag papapansin niya lagi nya kong inaambahan, at dahil lagi akong asar talo lagi akong nag susumbong sa lolo ko para lang tigilan nya ko.
umabot panga yung asaran namin nung naglalaro kami ng tumbang preso, lagi niya akong tinataya at binuburot ako itong iyakin. lagi niya akong inaasar na "burot, burot wag paiyakin" yan ang lagi niya sambit sa akin.
fast forward 9 yrs old na kami at nadidisappoint na saknya ang pamilya niya at napag desisyonan na ng papa niya na iuwi siya sa mama niya sa bulacan para mag tino, napabarkada kasi siya at natuto ng magbisyo nag yoyosi na den sya non.
noong inuwi siya doon halos wala na kaming connection dalawa.
hanggang sa nakita ko ang fb niya, dahil medjo matured na kmi non dhil 12 yes old na kmi non ayos naman ang pag uusap namin at nag vvc na kmi halos araw araw kming mag kausap noon at umabot na kmi sa point na para na kming mag jowa pero di kmi umaamin nag iloveyousomuch kami sa isa't isa pero alam ko naman na puppy love lang yon, nung time na nag uusap kami sinabi ko saknyang uuwi ako ng qc at dahil sabi nyang gusto nya kong puntahan at bago ako umuwi, lumuwas talaga siya dito at pinuntahan nya ako.