Thirty- Eight

34 1 1
                                    

Chapter 38.

Sand Castle.


I literally don't understand everything. Hindi sila ni Trina? Ano sila? Magkaibigan? May magkaibigan bang naghahawak ang kamay at naghahalikan sa publiko? At hindi bingi si Dad na marinig sa ama ni Gabriel na engaged na siya. Sino ang paniniwalaan ko?


Halos tatlong buwan na noong umuwi siya galing ibang bansa pero bakit ngayon niya lang sinabi ang lahat ng ito?


Kahit habol ko pa rin ang sariling paghinga ay nagawa ko pang makarating sa kwarto ko. Tulala ako at hindi maipaliwanag ang nararamdaman. My heart is beating so fast like a damaged machine but it was not because of him.


Napatalon ako nang marinig ang phone ko.


I saw Liam's name on the screen so I answered his call. Ang nakangiting mukha niya ang bumungad sa 'kin. "Hey... Kamusta ang kasal?" his soothing voice calmed me. "Parang kakatapos lang, ah? Nasa kwarto ka na?"


Huminga ako nang napakalalim. "Yeah..."


"Looks like you are tired. I think you need to rest-- Wait, are you okay?" napansin niya ang pagkatulala ko.


"Yes. Kamusta ka naman diyan?"


Our conversation went on and on. Nagbihis ako at naghilam-os habang nasa tawag pa rin siya. Liam did his best to make me laugh at nagtagumpay siya. He really knows I am not fine kaya nasabi ko medyo ang problema ko.


He's shocked and like me, he is confuse. I told him that I don't know who should I believe.


"Don't cry..." he said when he noticed that I was about to burst out tears.


"Pagod na akong umiyak, Liam." sabi ko at napaiyak na talaga. Marahan siyang natawa sa kabilang linya. "Ano bah... Wala namang nakakatawa."


"You just looked adorable," napanguso ako. "Gusto mo sundoin kita sa airport pag-uwi mo?"


"You are busy. Huwag ka nang mag-abala."


"I'll make sure I won't be busy that time," he even smiled. Patagal nang patagal ay gumagwapo siya sa paningin ko. "Tulala ka na naman. Matulog ka na at huwag mo na masyadong isipin ang nangyari."


Nagpumilit pa akong huwag muna pero ayaw niyang mapagod ako. It's already 2 in the morning. Kailangan ko na talagang magpahinga.


Paggising ko ay magtatanghali na.


I wore a simple beach dress and fixed myself before getting out. Nakita ko ang kambal ni Tessa na tumatakbo kasama si Apollo. Naagaw ko yata ang atensyon ni Apollo dahil napalingon siya sa gawi ko.


Kumurap siya. Parang kailan lang ay ang liit niya pa. Ngayon ay magbibinata na. He waved his hand.


"Good morning!" he greeted.


Tanging pagngiti at pagkaway ng kamay ang nagawa ko saka sila pinagmasdan na naglakad palayo. Parang papunta sila sa kwarto nila Tessa at Kiel.


Pagdaan ko sa seaside ay nakita ko si Queco at Chia.


"Leria!" si Pat at Kaireen ang sumalubong sa 'kin at ang laki ng ngiti niya. "Sayang at ang tagal mong nagising. May nakita kasi akong gwapo kanina,"


"Ano'ng gwapo, Patricia? Ni hindi mo nga nakita ang mukha no'ng lalaki," asik ni Kai. "Pagpasensiyahan mo na, Leria. Medyo nakainom pa 'tong gaga na ito."


When You Ran Away (When Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon