Chapter 28

124 4 0
                                    

"Pupunta lang po kami sa pool."

Nagpaalam ako saglit sa mga kasama at hinila si Dave sa pool area. Ang mga puno sa paligid ay nababalot din ng Christmas lights. Magkatabi kaming umupo sa lounge chair habang umiinom ng wine. Tinamaan na naman ako ng déjà vu habang tinitingnan ang pool. Natawa na lang ako sa sarili.

"Do you remember something?" Binigyan niya ako ng pilyong ngiti.

Tumawa ako nang maalala ang pangyayari sa bahay nina Jolene pagkatapos ng Capping. Noong nadulas ako sa pool at nahila ko siya. "Iyon talaga ang naaalala ko tuwing nakakakita ako ng pool. Jusko, nakakahiya. Para tayong tanga noon. Muntik pa akong malunod!"

"Akala ko ba lumaki ka sa tabing-dagat? Bakit kapag sa pool, langoy-aso ka?"

"Wow, fuck you."

"Not here," he grinned. "Mamaya na lang."

Inabot ko ang ulo niya para batukan.

Binalikan namin ang mga alaala noong hindi pa kami nagsasama, at tinawanan ang mga pag-aaway namin na wala naman talagang pinaghuhugutan. Sadyang nagpapataasan lang talaga kami ng ihi noon at pati ang mga maliliit na bagay ay pinapalaki pa. We continued talking about our families and about all the things going on in our life.

"Happy holidays," bati ko sa kanya noong natahimik kami.

"Happy holidays, ga." Itinaas niya ang kanyang wine glass at nakipag-cheers sa akin. "Thank you for bringing me here."

"Naman. Naaawa ako sa 'yo, eh. Wala kang handa sa apartment."

Bilang ganti, kiniliti niya ang tiyan ko kaya't napatili ako nang wala sa oras. Matapos ko siyang paluin, umupo ako sa hita niya at niyakap naman niya ang baywang ko. Ipinalibot ko ang mga braso ko sa balikat niya.

"Ma'am Ava is not as strict as I imagined," usisa niya. "It's good that things are going better between you and her. It's hard to rebuild relationships when you felt unworthy of their love, you know?"

Nakatitig lang ako kay Dave habang nagsasalita siya. I was lost in contemplation and joy. To say that I am grateful to have this man is an understatement. Alam kong ang debosyon ko sa kanya ay magtatagal ng mahabang panahon, kung hindi man habangbuhay.

"Why are you staring at me?" tanong niya.

"Na-a-amaze lang ako sa 'yo," kirurot ko ang pisngi niya. "Kuhang-kuha mo nanay kong hayop ka, eh."

He sweetly smiled at me without showing his teeth. "Thank you... for accepting me even though I make bad decisions. I wouldn't do anything that will result in losing you."

"Ang cheesy. Huwag ka ngang mangako diyan para hindi ako umasa," I cupped both of his cheeks. "Hindi natin maiiwasan 'yung mga mangyayari na pwedeng makaapekto sa atin, okay? Hindi natin hawak ang kapalaran natin, ga."

"Dawn... Don't entertain the idea of me and you not being together..." Pumungay ang mga mata niya, his voice gentler than before. "Mag-away man tayo, aayusin natin. We may take some time off, but we'll get back in each other's arms. Okay lang kahit saktan mo 'ko... basta sa 'yo pa rin ako uuwi."

I scoffed, still cupping his cheeks. "Wow, ako talaga ang mananakit?"

"Ga, you're honestly capable of wounding people with your words alone."

A Chance on SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon