A/N: YES ENDING NA!!! DI KAYO NAGKAKAMALI! muahahaha.
CHAPTER 50: END
He pulled me closer so that we'll only be inches apart. "JL, hindi ganun ang ibig kong sabihin." He said not sounding angry.
"But still, it's as if you're accusing me." I said almost in a whisper. "If you hate me that much then we should..."
"No. JL, I don't hate you. Fck! I don't even know what to do and to think! Please, JL. Let's give it a rest for tonight." Umiling ako dahil gusto ko ng matapos ito ngayon. Ayaw ko ng ipagpabukas. "Please stop crying." Lumapit pa muli ito at pinunasan ang mga luha ko."
"Ang daya mo naman, e." Tinanggal ko ang kamay niya sa pisngi ko. "Huwag mo nga akong hawakan!"
"JL." Pagod na ang boses nitong tawag sa akin. "Ihahatid na kita sa inyo."
"Ayoko!"
"JL, look at me."
"No." I didn't look at him. I won't let him send me home either.
"Jade, I'm bad at this."
"And so am I. Hindi ako nakipagrelasyon ng ilang taon, D. At hindi ko pinasok ang relasyon na 'to para lang maakusahan na slut."
"I didn't say that! Kailan ko sinabi 'yun?"
"Pero ganun din naman yung pinapatunguhan. Don't touch me!" Lumayo ako sa kanya. Hinahabol ko rin ang aking paghinga dahil sa pag-iyak ko kanina. "D, sana kasi sinabi mo agad sa akin. Impulsive ang tao, nag o-overreact ako sa mga bagay-bagay. Sometimes, I don't even think. Kasi minsan kung ano ang sinabi sa akin pinaniniwalaan ko kaagad! Kaya noong nanahimik ka at noong nagkwento ka naniwala ako. Kasi nga wala akong maalala. Kasi nga 'diba, lasing nga ako. Hindi ko alam ang ginagawa ko pero D, matino akong tao. Kaya hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yang doubts mo."
"Jade..."
"D, kung 'yung ganitong problema lumalala ng ganito, paano pa 'yung mga susunod? Katulad mo, hindi ako magaling maghandle ng relationship. Kung tutuusin masyado ngang mabilis 'yung saatin, e. Walang pundasyon. Kumbaga naging tayo ng wala man lang effort." Huminga ako nang malalim para hindi na manginig ang boses ko habang nagsasalita. "D, sa tingin ko mas okay kung maghiwalay na tayo." Katulad ko ay nagsimula na rin pumatak ang luha niya. "Kasi ang immature pa nating dalawa." Yumuko siya na para bang ayaw niyang ipakita ang mukha niya sa akin. "I like you so much, D. Pero hindi iyon sapat.
"Pumunta ako rito para sana makipag-ayos pero I think kung magkaayos nga ulit tayo, hindi pa rin magiging okay ang lahat. Kasi i'm worried. Kasi baka kapag nagkaayos nga tayo ngayon baka lagi ko naman iisipin na baka magkamali na naman ako. Na baka may iniisip ka na naman. Baka kasi saktan lang natin ang isa't isa."
"Paano kung ayoko?" inangat na niya ang tingin niya at tinitigan ako sa mga mata ko. "Paano kung ayokong makipaghiwalay?" Seryoso nitong tanong sa akin.
"Pero D, siguro okay rin na maghiwalay tayo kasi babalik na ako sa tita ko. Mag-aaral ulit ako. Mahirap din 'yun kung hindi rin tayo nagkikita."
"Gusto mo talagang maghiwalay tayo?" Mahinang tanong pa nito sa akin kaya tumango naman ako bilang sagot. "JL, I'd do everything for you. Huwag lang 'yan. You still want to breakup?" he asked me in disbelief. At nang hindi na ako sumagot ay napapunas na lang ito sa mukha niya gamit ang kamay niya dahil marahil ay naiinis na siya.
"Then at least let me drive you home." Hinawakan niya ang kamay ko. "Please, kahit yun na lang." Pero umiling lang ulit ako. "Why?"
"Mas mabuting huwag na lang, D." Ang kaninang napigilang kong mga luha ko ay muli na namang pumatak. "Pumasok ka na." Pilit ko pa siyang nginitian. "Dito lang muna ako sa labas. Promise, uuwi ako kapag kumalma na ako. Just please, iwan mo na ako dito."
BINABASA MO ANG
Not So Boy Next Door (COMPLETE)
ChickLitIf you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz