PART 71 🎭

86 4 0
                                    


Stell's Pov:

Pagka sundo sakin ni Junjun, dumaretsyo na kami sa isang bar. Buti nalang kaibigan niya yung may ari, kaya sa private room kami dumaretsyo.

"Kumain ka na ba?" Tanong sakin ni Junjun.

"Oo kumain na ako." matamlay kong sagot.

"Ano bang gusto mong inumin?"

"Bahala kana, alam mo namang hindi ako sanay sa ganitong klaseng lugar."

"Okay." Umorder na si Junjun ng mga alak.

Habang umoorder siya, pilit kong nilalabanan ang mga luha sa mata ko. Ayokong umiyak sa harapan niya, ayokong malaman niyang ako yung SV. Ayokong isipin niyang ganun ako na klaseng tao.

 Ayokong isipin niyang ganun ako na klaseng tao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Felip's Pov:

Pinakita sakin ni Teytey lahat ng mga photos sa event sa shelter kahapon. Sobrang nakaka panghinayang, kasi hindi ako nakasama.

"Grabe teka, pati si sister Marissa sumayaw? Sayang naman wala ako." Tuwang tuwa kong sabi.

Pagka scroll ko sa gallery niya, napanuod ko yung video niya na kumakanta sa shelter.

"Wala ka padin talagang kupas, alam mo dapat nag singer ka! Ang galing mo padin kumanta. Lalo na ngayon nag matured na yang boses mo." Nakangiti ko pang sabi. Bata palang kasi kami, mahilig ng kumanta si Tey tey sa shelter, siya kasi lagi pinag lelead ni sister sa mga gospels song kapag may bible study kami.

Sa totoo lang, swak talaga boses naming dalawa, siya soprano ako Alto. Pinupush nga kami ni Sister na sumali sa choir dati, pero inampon ako.

"Tey galing mo talaga! Tinuloy mo ba dati pagiging choir mo?"

Kanina ko pa napapansin, hindi naka focus si Tey. Halos inuulit ko pa mga sinsabi ko sa kanya. Yung feeling na may kasama ka pero parang wala.

Tapos sa bawat pag tawa niya halatang pilit, ano bang problema ng taong to. Mukang masaya naman siya kahapon kahit wala ako, halata kasi sa mga pictures na nakuhanan kahapon.

May nangyari ba sa kanya?

May problema ba siya?

"Uyy Tey, may problema kaba? Kanina pa kasi ako nag sasalita dito oh." Tinapik ko pa ito, naka ilang ulit na kasi ako sa mga sinabi ko, pero para siyang nasa ibang mundo. Yung tipong hindi ako naririnig, naka tulala lang siya habang pinag lalaruan ang rim ng baso.

TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon