PART 72 🎭

82 5 0
                                    

Felip's Pov

Umuwi ako sa bahay, ayoko sanang iwan si Tey pero si mom kasi pinapakaba ako.

Pag dating ko sa bahay, nakita ko si mom umiiyak. Nilapitan ko ito para pakalmahin.

Habang pinapakalma ko si mom, hindi padin mawala sa isip ko si Tey. Alam kong kailangan ako ni Mom ngayon, inaatake nanaman kasi siya ng anxiety. Pero alam ko ding mas kailangan ako ni Tey.

Halos isang oras din bago ko napakalma at napatulog si mom.

Biglang nag notify messanger ko, agad ko namang kinuha baka kasi si Tey nag chat sakin.

Pag open ko ng link na sinend ni Kheene, nakita ko na trending nga si pablo dahil sa ka collab niya sa kantang ilaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pag open ko ng link na sinend ni Kheene, nakita ko na trending nga si pablo dahil sa ka collab niya sa kantang ilaw.

Actually hindi ko pa napapakinggan tong kanta niya, hindi kasi ako yung taong nangengeelam, as much as possible ayokong maging stalker pagdating sa music ni Pablo.

Pero since na curious nadin ako, sinearch ko sa spotify yung kanta para pakingan while reading comments.

"Sobrang harsh ng comments grabe, autotune boy? Mang gagatas? wow grabe talaga mga bashers medyo childish kung umatake."

"Panget daw boses nung SV.. hmm, lets see, ako huhusga if panget nga."

"Pero maganda naman yung song ah, what's wrong? Baka palpak nga sa part nung ka collab niya."

Bakit 'di niyo subukang buksan ang bukas namang pinto?

Nang tuluyan nang makita niyo tunay na ako

'Di nagtatago sa likod ng bumubulag na ilaw na 'to

"Wait what?" Biglang kumabog dibdib ko.

"Fuck!" Agad ko namang tinawagan yung kaibigan ko na siyang may ari ng bar.

Nandun pa daw si Tey, kaya dali dali akong bumaba para makabalik.

Buti nalang hindi traffic, buti nalang malapit lang din sa bahay tong bar.

Pag pasok ko sa loob, nakita ko si Tey, naka dukdok sa lamesa. Mukang lasing na, kita ko din kasi na naubos niya magisa yung isa pang bote ng vodka na inorder pa namin kanina.

Nilapitan ko ito, alam ko na kung bakit..

Kung bakit hindi ka okay..

Kung bakit hindi ka okay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon