Night Crawler

73 1 1
                                    

Gabi na nang makauwi si Gavin sa kaniyang penthouse, bakas sa mukha nito ang labis na pagod, marami-rami rin ang kaniyang inasikaso sa kanilang kumpanya lalo na't siya ang Chief Operating Officer ng kumpanya pagmamay-ari ng kaniya Ama. 

Tumunod ang kaniyang smartphone at agad itong sinagot. 

"Hello Mom?" 

"Gavin, nakauwi ka na ba?" 

"Yes Mom, nakauwi na..." Sagot nito. 

Pagpasok sa main lobby ng kanilang apartment building ay pumasok na siya sa kanilang personal elevator at pinindot ang floor level ng kaniyang penthouse.

"Thank God! Kanina pa ako kinukulit ng kapatid mo Gab... Please make sure that he always eat on time and take his medicine." Paalala ng mommy niya.

"Yes Mom don't worry I'll make sure Dave will fine... See yah Mom!" Wika niya. Pagtunog ng elevator ay bumukas ito at bumungad sa kaniya ang entrance ng kaniyang penthouse. Ibinaba na niya ang kaniyang smartphone at nagtungo sa kaniyang unit. Pagpasok niya ay nakatayong sumalubong si David/Dave, gising pa ito at kanina pang naghihintay sa kaniya.

"Gising ka pa? Anong oras na Dave... Kumain ka na ba?" Sunod-sunod na tanong nito. 

Lumapit siya sa kapatid at ginulo-gulo ang buhok nito.

"Kuya ano ba... Ginagawa mo na naman akong bata eh." Suway nito.

"Hahaha.... Ito naman minsan ka lang mabiro eh." Wika ni Gavin na siyang kinamula ng mukha ni David.

"Nga pala nakainom ka na ng gamot mo?" Tanong niya sa kaniyang bunsong kapatid. Tumango lang ito at naghanda ng midnight snack sa kaniyang kuya. Instant Korean Spicy Ramen. 

Pagkaluto nito ay agad nilang pinagsaluhan ito, nagkwentuhan pa ang magkuya pagtapos ay agad nang niligpit ni David ang kanilang pinagkainan habang umupo naman si Gavin sa sofa. 

Napatingin siya sa kaniyang bunsong kapatid. Malayong-malayo ito sa dati nitong anyo at itsura mga anim na buwan na ang nakakaraan. Muling sumagi sa isip ni Gavin ang itsura ni David nang dumating ito sa airport. Payat na payat at lubog ang mga mata nito, bagay na nagpakirot sa kaniyang damdamin. Malayong-malayo sa David na masiyahin at masigla nung huli itong bumisita sa Pilipinas ilang taon na rin ang nakakalipas. Aminado si Gavin na pilyo at pasaway ang kaniyang nakakabatang kapatid kung kaya't ipinatapon ito kanilng Ama sa Amerika upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral nito. Labag man sa kaniyang loob ay walang nagawa si Gavin kung hindi sumunod sa kagustuhan ng Ama. 

Kaya ganoon na lang ang galit nito sa kaniyang Ama ng malaman ang malupit na sinapit ng kaniyang bunsong kapatid sa poder ng kanilang Tito at Tiya sa Amerika. 

Malaki naman na ang ipinagbago nito simula nang mag-undergo ng treatment and therapy session ang kaniyang kapatid. Bumalik na din ang pagiging masiyahin at masigla nito na labis niyang ikinagalak at ng kaniyang Mommy.

"Dave tapos ka na? Matulog ka na... Masyado nang late..." Paalala nito sa kaniyang kapatid.

"Yes Kuya, but before I forget take your supplement first." Wika ni David sabay abot ng pill sa kaniyang kuya.

Ngumiti naman si Gavin kay David kinuha niya ang supplement at saka uminom ng tubig.

"Sa kwarto ka ba matutulog kuya o..." Hindi na natapos pa ni David ang sasabihin ng biglang nagsalita si Gavin.

"No, dito na lang ako sa sala besides I need to check sa emails pa... Mauna ka na... Good night! I mean Good morning?" Natatawang wika nito.

Humalakhak rin si David at dumiretso na sa kanilang kwarto.

Night Crawler (ONE-SHOT, BL, R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon