Chapter 12

64 1 0
                                    


Chapter 12

Gone

Gulong gulo ako ngayon. Para akong namanhid—walang maramdaman na kung ano. Hinang-hina ako ngayon at walang kung ano ang pumapasok sa isip ko. Ayaw tanggapin lahat ng nangyayari ngayon.

Bakit naman kasi ganito?

Kulang ba pa?

Ano pa ba kailangan gawin?

Bakit ganito ang nangyayari? Hindi siya makatarungan at sobra sobra naman na. Hindi pa sapat lahat ng nangyayari? Kailangan ganuon talaga ang mangyari? Hindi ba puwedeng iba na lang, huwag na ito? Sobra na e . . . ang sakit na.

Nasasaktan na ako e . . . paano pa kaya siya? Ano pang klaseng sakit ang nararamdaman niya? Kaya pa ba niya?

Hindi ko alam ang uunahin ko, gulong gulo ako ngayon. Gusto ko na lang maupo at huwag intindihin ang mga nangyayari ngayon. Lahat kasi na nangyayari ngayon hindi pumapasok sa sistema ko—ayaw tanggapin na nangyayari talaga ito ngayon sa akin—sa kanya.

Sobra sobra naman na.

"Deesten, ayos ka pa ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Coleen. Halata sa kanyang mata na pagod na pagod na rin siya. May mga hinahabol pa siyang plates dahil finals din nila ngayon tapos nandito pa siya sa akin para kumustahin ako.

"A-ano ka ba!" Tumawa ako pero siguro nahalata niyang hindi man lang umabot sa mata ko 'yong saya. "A-ayos lang ako,"

"Marami ka pa bang gagawin?" Lumapit siya sa akin at pilit sinisilip ang mga papel na nakalatag sa aking lamesa. "Tutulungan na kita—"

"Huh?!" Lumiling ako sa kanya at pilit tinatago ang papel na tiniignan niya. "Anong tulungan?! Gawin mo 'yong mga plates mo, huwag 'yong akin!"

"Pero ang laki na ng eyebags mo," she pointed my face. "Matulog ka na—"

"Anong matutulog? Walang matutulog sa pamilyang 'to!" Tumawa ako habang nakatingin sa kanya.

"Alam mo, Deesten . . ." sumusukong napa-upo na lang si Coleen sa harapan ko. "Kahit tumawa ka pa hanggang sa marining 'yang boses mo sa labas, halatang pilit pa rin. Walang masamang i-let-out ang nararamdaman mo ngayon."

Nawala ang ngiti sa aking mga labi. Binalik ko ang tingin sa mga papel na nasa aking mesa. "Wala akong oras para diyan," umiling ako. "Hindi nag-a-adjust ang deadline at finals. Sa tingin mo uunahin ko pa 'yon?"

Natawa na lang ako sa aking isipan. I don't have a time letting out all of the emotions I have right now. I have many things to prioritize and that's not belong having a break down right now.

Matapos ko kasing makausap si Gracey, umalis siya agad. Hindi na niya ako binigyan ng time to react. Nagmamadali at halatang gusto na niyang puntahan si Kiel at naiintindihan ko iyon.

Agad naman akong tinawag ng kagroupo ko, tinatanong kong pu-puwede ba raw sa apartment ko mag-groupings. Kailangan na kasi agad iyon, hindi puwedeng ipagpabukas.

Wala akong time para sa mga drama.

Mas gugustuhin ko pang matapos lahat ng requirements ko bago ako magbreak-down. Sa tingin ko nga hindi ko deserve magbreak-down dahil sino ba naman ako sa buhay nila? Sasarilihin ko na lang 'yong sakit baka may magsabi pa na hindi ko naman deserve masaktan.

***

"Deesten, ayos na ba 'yong pinapagawa ko sa 'yo?" Lumapit sa akin ang isa sa mga leader ng course namin.

"Malapit na," hindi ko na siya natapunan ng tingin dahil diretso ang pagtitipa ko sa laptop. Nandito kasi ako sa may library. Ilang araw na akong tambay dito, halos dito na nga ako tumira e. Naabutan ko pa ang pagsara nitong library, at sa ilang araw kong nandito ako sa library, ayon din ang bilang na ilang beses akong pinapabalas dahil magsasara na.

Interview: A Relationship That Sadly Failed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon