Chapter 25

2.1K 22 4
                                    

As requested ni Sarah, naghintay ako hanggang mawalan ng tao. Pero 10 minutes na ang lumipas... hindi nawawalan ng tao kaya hindi ako nakalabas kaagad. Maingay nga sa hallway. Baka abutin ako ng gabi. -.-

Pero di ko inalintana yun. Siguro nga, isa ito sa mga karma sa mga nagawa ko kay Sarah. Ni ako hindi natake yung ginawa ko sa kanya... Kung alam nyo lang. Tss. Malapit nyo na malaman. Hintay hintay muna kayo.

Alam nyo naman siguro ang nararamdaman ko para kay Sarah di ba? Buong buo, I love her. Pero nasasaktan sya. Dahil kanino? KABLAG. Sa akin. Ako ang nanakit ng damdamin nya. Nanggigigil ako sa sarili ko kung bakit ko yun nagawa sa kanya. Kung bakit ko iyon nasikmura. Napakawalang kwenta kong tao.

Paikot-ikot ako. Nag-iisip ako ng paraan para makalabas dito ng di nahahalata ng...

*BOG!*

Sus, wala yon. Di naman masakit yung tamaan yung braso mo ng pinto, di ba? Tss, sisiw.

*TUG!*

Ayan ang masakit! Suntok sa braso!

"Ge!!!!" Si Ate Shine. O_________O Kaya pala masakit! Boxer ata to eh!

"Hi Ate!"

"Hey! Don't Ate, Ate me!! Anong ginagawa mo dito sa dressing room ni Pot?!?!" Galit na galit sa akin si Ate. Aaaah, what have I done :((

"Ate, look! Sorry sa mga nagawa ko noon kay Sarah. Please patawarin nyo na ako." I broke down already. Nagiging madrama na ako dahil sa sitwasyon. Napayuko na lang ako.

"JOKE LANG!!!!!" Tumawa ng tumawa si Ate Shine. Tiningala ko sya. She pat my cheeks. "Ang drama naman Heraldo!! Kaya pala may pinaghuhugutan ng best actor!!"

(_ _ )

"Di ka pa rin nagbabago, Ate Shine."

"Punasan mo nga yang mga luha mo! Kegwapo gwapo mo umiiyak ka!"

"Ikaw kasi eh!"

"Haha. Eh, bakit ka nga kasi nandito?"

Ahhhhh... Ewan. "Pinuntahan ko lang si Sarah kanina. Nauna na syang lumabas."

"Talaga? Bakit?"

"Ah... Wala lang. Dadaanan ko lang sana sya. Tapos lumabas sya, sabi nya babalikan nya ako." Ano ba tong pinagsasabi ko, ang gulo. =_=

"Lagot ka ngayon, di ka na nya babalikan."

"Oo nga eh..." Saklap. </3

"So, ano nang plano mo ngayon?"

"Ewan. Siguro... Hahayaan ko na lang sya. Kung ayaw nya, okay lang. Rerespetuhin ko yung magiging desisyon nya."

"Di mo man lang ba hahabulin? O pupuntahan?"

"Ha?"

"Di na babalik yun. Panigurado nasa practice na sya. Lika na, punta tayo sa kanya. May dala akong pagkain. Tara."

o_____________o

Ang gulo ng utak ko. Ano ba yan.

Sinundan ko na si Ate Shine papuntang studio. Tinulungan ko na sya sa mga bitbit nya. Coffee lang naman daw from Starbucks, tapos Chicken Curry daw galing bahay nila, luto ni Gab. Wow. May kasama pang Champ burger at FlipFloat. Alagang-alaga si Sarah, binubusog eh.

"Ate Shine."

"Bakit?"

"Di ka ba nagalit sa akin? Yung sa nangyari sa amin ni Pot mo... You know..."

"Aba! Syempre nagalit! Kapatid ko yun eh. Pero wala namang akong karapatang magkimkim ng galit sa iyo dahil di mo sa akin yun ginawa. Di ba?"

Napangiti ako dun. "Salamat, Ate Shine."

Bukas Na Lang Kita MamahalinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon