Chapter 13

55 2 0
                                    


Chapter 13

Moving forward

"Tao po!" Patuloy pa rin ako sa pagkatok kahit lumalabo na ang mata ko sa nagbabadyang luha.

Wala na ako sa tamang wisyo, kung ano na lang ang alam kong kaya kong gawin ngayon, iyon na lang ang gagawin ko. Gumuguhit kasi sa puso ko 'yong sakit, kapag kasi hindi ko binigyan ng pansin alam kong lalala ang nararamdman kong sakit, kaya as much as possible gusto kong damdamin lahat ng pain na iyon.

"Tao po!" Patuloy pa rin ako sa pagkatok. "Kiel!"

"Desteen, wala na nga riyan si Kiel . . ." hawak ni Tintin ang kamay ko at pinipigilan ako sa pagkatok ng pinto. "Uwi na tayo, please?"

Nagmumukha na akong tanga sa lagay ko ngayon, alam ko iyon. Pero kasi gusto ko munang makita si Kiel kahit malinaw na wala na talagang magiging "kami". Ewan ko, gusto ko talaga siyang makita.

"H-hindi," nabasag ang boses ko at paulit-ulit na umiling sa kanya. "Lalabas 'yon . . . ang t-tagal nga niya lumabas,"

"Wala ng lalabas diyan, Deesten . . ." awang-awa na si Tintin sa akin ngayon. Parang maiyak na rin siya. "Uwi na lang tayo."

"L-lalabas 'yon! Nagjojoke ka ba? Wala na talaga si Kiel? Kailangan ko bang tumawa?" Sunod sunod na naman akong umiling sa kanya. Baka kasi nagjojoke lang si Tintin na wala na talaga si Kiel dito. Alam ko naman na joker iyan silang dalawa ni Coleen.

Do I look stupid right now? I know from the start but I want to feel all the pain right now. Wala naman na akong ico-consider na masisira, tapos na ang finals ko at hinihintay ko na lang lumabas ang grades ko.

"Mga ineng, ayos lang ba kayo diyan?" May matandang lumapit sa amin. Mukhang nagaalala na rin sa amin kasi umiiyak ako—kami yata ni Tintin sa harap ng gate. "Hinahanap niyo ba si Kielven, diyaan?"

"Opo," si Tintin na ang sumagot.

"Wala—"

"Hindi po nandito po iyon." Umiling ako ako. Hindi ako papayag na wala rito si Kiel. "Magpapaalam pa 'yon sa 'kin—"

"Ineng," awang-awa na rin siya sa akin, parehas sila ni Tintin.

Ayaw ba nilang maniwala sa akin? Magpapalam pa iyon sa akin si Kiel. Kahit naman na wala naman na dapat akong asahan sa kanya . . . pero kasi, masama bang umasa pa ng kunti para kay Kiel?

Mahal ko talaga kasi siya.

Mali bang isipin na kahit wala na dapat akong asahan, umaasa pa rin ako? Mali ba 'yon? Kilala ko kasi si Kiel, masyadong mabait iyon at alam kong mahal niya ako kasi naramdaman ko 'yon.

"Wala ng tao diyan," malumanay na sabi ng matanda. "Umalis na si Kiel kinabukasan paglibing ng Mama niya. Naggulo pa nga rito kasi dumating ang Papa niya. Dining na dinig ang sigawan nila mag-ama. Pagkakarining ko, gusto niyang kunin si Kiel kaso umayaw si Kiel. Alam mo naman ang batang iyon, kinasusuklaman niya ang kanyang Ama. Masyadong matigas ang puso niya sa kanyang Ama kaya naglayas na siya."

Dahan-dahan na lang akong napaupo sa hagdaan ng gate habang humahagolgol sa iyak. Awang-awa na ako sa kalagayan ni Kiel ngayon. Napakamiserable ng buhay na mayroon siya.

"Sige at maiiwan ko na kayo. Maglalako pa ako nitong suman. Oh, siya bibigyan ko na lang kayo." ibinigay ng matanda ang dalawang suman na tinitinda niya.

"Salamat po," tinggap naman ito ni Tintin.

"Pakisabi sa kaibigan mo, magiging maayos din ang lahat." Tumingin sa akin ang matanda. "Napakababait niyong bata."

"Thank you po, Nanay." Pasasalamat pa ulit ni Tintin sa matandang paalis na.

Napapaisip na lang ako na, hindi pa ba enough lahat ng nangyayari sa buhay ni Kiel nuon, mas may grabe pa pala?

Isa na yata 'to sa pinakamalakas na iyak ko sa buong buhay ko. Ang iyak na hindi hagulgol, iyak na tahimik. Naninikip ang dibdib ko tila may malaking nakabara rito.

"D-Deesten, tahan na, please?" Hinihimas niya ang aking likod at halatang paiyak na rin siya.

"A-ang sakit sakit . . ." tumingin ako sa kanya na patuloy pa rin ang pagagos ng luha. "B-bakit. . . bakit naman nila ginagano'n, Kiel? Napakabait at mapagmahal niyang tao, tapos. . . tapos. . ." napahawak na lang ako sa dibdib dahil mas lalo itong nanikip.

"Deesten, tama na, ah?" May pagalala sa boses ni Tintin.

Paano ako titigil kung ang sakit sakit dito sa aking dibidib? Paano ako titigil kung 'yong gusto kong makita, wala na? Paano ako titigil kung mahal na mahal ko 'yong taong 'yon?

Paano . . .?

***

"Oo, sunduin mo kami rito . . . hindi! Send ko na lang sa 'yo ang link ng waze." May kausap si Tintin sa kanyang phone at feel ko si Coleen 'yon. "Naawa na ako sa kalagayan nito. Hindi nga e. Oo, kahit paano tumigil naman na. Mabuti nga hindi siya sinumpong ng sakit niya, magpapanic talaga ako!"

Napatingala na lang ako, paggabi na pala. Ilang oras na kaya ako naghihintay kay Kiel dito? Ang tagal naman niya. Hindi na ba talaga siya uuwi rito? Totoo kaya ang mga sinasabi nila na wala na sa Pilipinas si Kiel?

"Oo, bilisan mo! Huwag mo sasabihin kay Tita kasi magagalit talaga 'tong si Deesten kapag nalaman niya. Sobrang higpit pa naman no'n. Makikita niyang ganito 'yong bunso niya . . . naku! Katakot! Magwawarla 'yon!"

Malayo ang tingin ko. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni Tintin. Naubos na yata lahat ng luha ko, wala na kasing lumalabas. Mas gugustuhin ko pang lumuha para malabas ko ang mga nararamdaman ko, pero itong nakatulala ko, parang naiisip ko na wala namang magandang patutunguhan itong mga ginagawa ko.

Ang layo pala talaga ng expectation kaysa sa reality. Ang dream kong magkaroon ng kasama kaysa sa mga kaibigan ko sa journey ko rito sa collage, biglang nawala. Paano ko i-look forward ang dream kong magkaroon ng realitionship kung ito ngang hindi pa nagsisimula, masakit na? Paano pa kaya kapag nagkaroon ako ng karelasyon, gaano pa 'yon kasakit?

Bumuntonghiniga na lang ako habang nakatingin sa langit na gabi na. Kitang kita ko ang mga nagkikislapang mga butuin. Naalala ko na naman si Kiel—ang araw kung saan pinayagan ko siyang manligaw sa akin—ganito rin iyon, kitang kita ang mga butuin. Nakasarap niyong pagmasdan. Nakakalma at tila sinasabi nitong may susunod pa silang gabi na kung saan ay kikislap ulit sila ng ganito ganda. They tell us that, I should look forward for that event would happen and I should move forward—not moving on but moving forward.

Interview: A Relationship That Sadly Failed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon