Prologue

35 1 1
                                    

"Tita, can you tell a story about your love life po? I'm tired na kase makinig sa stories ni mommy ih, lagi naman po yun yung naririnig ko, that's why I'm curious po sa experience niyo." My beautiful pamangkin told me.

Siya lang naman yung pinaka cute kong pamangkin, anak siya ng pinsan ko na bestfriend ko din.

"Wag kang iiyak pag narinig mo yung kwento tita ha?" I joked.

"Does it hurt po ba?"

"Hmm... not really." I smiled "Let me tell you my story with that special guy I met when your tita was in highschool."

10 years ago...

"What if lumande na ko noh?" Natatawa kong tanong sa pinsan ko.

"Oo nga, isang taon ka nalang dito. Gawin mo nalang remembrance HAHAHAHAHA!" Gatong ng magaling kong pinsan.

She's Jaella, my cousin from my mother's side. Close kamig dalawang since daycare, but umuwi ako ng Manila para dun mag aral ng elementary. After grade six, umuwi ako dito sa Iloilo para mag aral naman ng highschool and now, patapos na yung grade nine era namin, isang taon nalang at uuwi na ko ulit sa Manila para naman dun mag aral ng senior highschool.

"Naneto! Sulsolera ka talagang babaita ka noh? Pero sige try ko." Nagkatinginan naman kaming dalawa at muling tumawa.

"Try mo kila Renz HAHAHAHAHA!" gatong na naman niya.

"Tanga ka! Baka may girlfriend ba yun ih." Nakasimangot kong sagot.

"What if wala?" Tatawa-tawa niyang tanong.

"Edi goods! Tagal ko na simula nung naging crush yon! Since grade seven crush na crush ko na yon." Sagot ko sa kanya.

"Eh pano naman si Ikher?" Naka ngisi niyang tanong.

Napaisip naman ako bago sumubo muli ng fishball. Gawain kasi naming dalawa mag meryenda dito sa bilihan ng mga street foods sa harap ng Elementary school simula nung nag pandemic.

"Gaga! Nakita ko nga picture non dun sa may dike ng Guimbal!" Pagk-kwento ko sa kanya.

"Oh ano naman don?" Naka ngisi niyang tanong

Inirapan ko naman siya bago ako napangiti, "Gwapo pa din siya HAHAHAHAHA!" Sabi ko at pinalo siya, "Sabe ko di ko na crush yun ih, kaso kase kapag nakikita ko siya kinikilig ako. Mag view nga lang sa story ko yon kinikilig na ko ih." Naka ngiti ko pang sabat.

"Ang dami-dami mo talagang crush noh? Masyado ka, kaya di ka siguro nag kakaboyfriend kasi ang dami mong pinaparinggan sa facebook HAHAHAHHAA!"

"Gaga! Loyal kaya ako!" Dipensa ko sa sarili ko.

"Kanino sa dalawa?"

"Sa kanilang dalawa loyal to! HAHAHAHAHHA!" Sabat ko kaya naman parehas kaming natawa.

"Tatakwil kita bilang pinsan ko, walang lalakero sa pamilya naten!" Biro niya

"Ano lang meron saten?"

"Babaero HAHAHAHAHAHAH!" sabi niya sabay hampas sa braso ko

"Aray ko! Tangina neto! Kung itatakwil mo ko, di mo kaya."

Tumaas naman bigla yung kilay niya, "Oh baket ha?"

"Bigyan kita five reasons; una, hindi mo kayang mag para ng tricycle kase mapride ka, gusto mo sila mismo titigil para sayo. Pangalawa, di mo kayang bumili ng mga milktea kineme kase nahihiya kang bumili. Pangatlo, di ka makakapunta sa family gatherings naten nang wala ako kase nahihiya ka, since di mo sila kavibes. Pangapat, kahit anong takwil gawin mo sakin, di mag babago yung fact na FAVORITE PINSAN mo ko and lastly, di mo kakayanin mabuhay ng wala ako kase mahal na mahal mo ko." Mahaba kong sabat sa kanya.

Nanahimik naman siya at nginuya yung last fishball na meron siya.

"Oh ano? Aangal ka pa?" Hamon ko sa kanya.

"Oo na! Bwiset to." Sabi niya sabay tawa kaya napailing nalang ako.

Nang makauwi na ako, syempre di na ko kumain ng dinner kase ayoko lang kumain kaya ang payat-payat ko.

Okay lang, at least wala akong taong inaapakan.

Nananahimik akong nag sscroll sa tiktok ko nang biglang mag pop-up yung GC naming mag totropa.

Jaella:
Sabay-sabay na tayo mag enroll, para mag kakaklase tayo!

Zaire:
Oo nga, di ko kayang wala akong kaklase sa inyo, baka umiyak ako sa first day.

Ashley:
Mga anong oras tayo bukas???

Criza:
Mga 9am nalang kaya?

Jaella:
G! Sabay-sabay tayo ha?

Zaire:
Di na ko aasa na saktong 9am tayo makakaalis, kay @Jaella pa lang talong-talo na ih.

Jaella:
Na mo! HAHAHAHAHHA!

Adel:
Sasama nalang ako.

Zaire:
Kita-kita tayo sa waiting shed ha? Chat lang kayo!

Criza:
Excited na ko makahanap ng gwapo!!!

Zaire:
Me din bhie!!! Sana makita ko si Ikher HAHAHAHAHHAHAHAHA!

Jaella:
Scam ka! Di crush pero gustong makita!

Zaire:
Di ko naman crush yon pag di ko nakikita HAHAHAHAHAHAHHA!

Napailing nalang ako sa kalandian ko at nag hanap ng masusuot, kailangan mag muka akong presentable bukas, baka mamaya makita ko mga crush ko at maturn off kung mag muka akong dugyot.

Ang tagal din simula nung last na makapunta kami ng school, sa baranggay naman kasi namin kinukuha mga modules namin kaya halos two years talaga akong di nakatapak ng school.

Excited na talaga ako!

Syempre chinarge ko na yung phone ko, baka mamaya lowbat pa ko pagalis namin, di talaga pwede!













Prologue Ended

Hi Loveszters!!! Alam kong hinihintay niyo yung update nung story ng EleiDen, pero habang wala pa yon, eto na muna. Magbabalik na ko sa pagsusulat, I hope na kahit hindi to connected sa works ko before, maappreciate niyo pa din to.

Thank you for reading!

Did We Made It Love? (The Untold Story Of Us)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon