PROLOGUE

20 0 0
                                    

If there's a thing that people hate that would be 'chaos'. That's the last thing that I expected to happen. I did everything so I could to prevent it. But the act of trying wasn't enough to stop everything, that's happening right now. I was at a high altitude taking a peek, at what was happening downside of the summit. Walang takas sa mata ko ang lahat ng bagay at kilos ng mga mandirigma sa loob ng labanan.

"What have I done?" I uttered to the wind.

Lahat sa digmaan ay may mga kanya kanyang kilos na tila wala silang planong makinig at baka nga ikamatay pa ng kung sinong haharang sa laban nila. But for me, I wasn't scared to death. I manage to go in the middle of the battle for just seconds. Pero walang nagbago. Lahat sila abala sa gulo, pero lahat sila ay tumigil ng tanggalin ko ang humaharang sa aking mukha. Ang magulong paligid ay tumigil mismo ng makita nila ako.

"Nandito ka ba para ipain ang iyong sarili?" Tanong ng isa sa kanila.

"Mag ingat tayo dahil hindi natin alam kung anong kaya nyang gawin sa atin." Sabi ng taga kabilang panig.

Kung anong ikanatakot ko sa iba. Ay mas triple pa ang balik sakin nun o baka hindi pa masukat ng kahit anong uri ng timbangan yun.

Ngunit sa kakaunting minuto, hindi ko inaasahan madaming palaso ang lumipad papunta sa akin. Alam nilang dadating ako... kaya naman hindi nila pinalagpas ang paghahain ng mga iba't ibang klase ng patibong. Pinili ko ang gulong ito at sa kahit anong paraan kailangan itong matapos. Pinikit ko ang aking mga mata at dinilat ito. Lahat ng mga panang nakatutok sa akin ay nahulog sa lupa at ni isa ay walang tumama saakin. Halos lahat ay nagulat ng makita nila ang pagbabago ng aking mga mata. Ang ibang mahihinang loob ay nagtakbuhan habang ang iba ay naiwan at inalay ang buhay sa labanan. Isa isa silang lumaban sakin at sa sobrang dami nila ay hindi ko alam kung sinong dapat kong unahin. Ayon sa obserbasyon ko ay may mga hasa sa paggamit ng sandata, may mahuhusay sa salamangka at ang iba naman ay sumusuporta sa laban, na nagsisilbing alalay ng mga sugatan.

Ang tanging naririnig ko na lang ay ingay. Ingay at amoy ng dugo ng mga taong napapatay ko sa labanan madumi man ang paraan ko sa labanan ay nasisiguro kong ito lang ang paraan sa ngayon habang hindi ko pa tuluyang nareresolba ang lahat. I was already regretting things as soon as I got here, but there's no other options.

Matitilos na bulto ng yelo ang sumalubong sakin habang nakikipaglaban ako sa halos 10 na tao na may hawak na espada. Ngunit nilagpasan ko ito ng parang wala lang. Hindi ko alam kung dapat ba ako magpasalamat sa mga natutunan ko? O magsisi dahil ginagamit ko mga iyon para iligtas ang aking sarili, kesa sa kapakanan ng nakakarami. This was the only way. I have to do it. Kasabay ng pag ilag ko sa bulto ng yelo ay ang pagliyab ng buong paligid halos wala akong makita dahil sa namumuong usok. Biglang may humila sakin na pwersa at hinigit ako nito pataas. Nasisigurado akong gawa ito ng isang mandirigma na ang estilo sa pakikipaglaban ay ang pagpapalutang ng mga bagay bagay.

"Kung handa mo kaming paslangin ay nakahanda kami sa anumang oras, mas mainam na ito kesa dungisan ang pagiging mandirigma namin at piliing tumakbo sa oras ng laban." Ani ng babaeng ngayon ay kaharap nya.

A mage? That looks too young.

Pagkatapos nyang sabihin yun ay umangat sa hangin ang mga batong nakapaligid samin at sabay sabay itong umatake sakin. Sa sandaling lumapit ang mga bato sa kung anumang parte ng katawan ko ay naging pulbos. Kaya naman bumilis pa ang pag atake sakin ng mga nasa himpapawid. Sabay sabay silang lumusob at sinubukang patayin ako. Pero lahat sila ay natigil ng ilabas ko ang aking kamay at bigyang pwersa ang hangin kaya naman lahat sila ay tumalsik paibaba. Nilapitan ko ang aking ka-dwelo na halos nanginginig na sa takot dahil sa nakita.

"Wag mo syang sasaktan!" Isang boses sa likod ko ang aking narinig.

Ngunit huli na ang lahat nilingon ko ito at tiningnan sa mata. Alam kong gagamit sya ng pana para mapatigil ako. Tiningnan ko sya at napahiyaw sya sa sakit dahilan para bumagsak sya sa lupa. Lumingon ako sa humamon sa akin. Bakas ang takot sa mga mata nya. Ipinitik ko ang aking mga darili at sa isang iglap ay nasa harap nya na ako. Na syang ikinagulat ng kanyang mga mata , isa ito sa aking mga kakayahan na hindi basta basta lamang nagagawa ng pang karaniwan.

"Patayin muna ako." Saad nya.

"Maaring tumagal ang laban. Kailangan mong matulog." Yun lang ang nabanggit ko sa kanya.

Naguluhan sya sinabi ko at di nya namalayan na nakababa na ulit kami sa lupa. Hinawakan ko ang kanyang buhok at niyakap dahil pansin kong lumuluha sya at nanginginig sa takot. Di sya makagalaw dahil nasa ilalim ng katawan nya ang pagiging paralisado na kinokontrol ng aking isipan.

"Hypnos.." Sabi ko kasabay ang pagsara ng kanyang mga mata.

Natigil ako ng makaramdam ng init. I'm still in the middle of a fight and I was bound to end it nang biglang uminit ang lupa at nagsimulang magcrack ito. Kaya naman binuhat ko gamit ang aking pwersa, ang katawan ng aking ka-dwelo at pumunta sa dimension kung saan mas mataas ang lupa.

"May kailangan lang ako tapusin." Saad ko sa hangin, pagkatapos kong ibaba ang nakahimlay kong ka-dwelo.

Bumalik ako sa lugar ng labanan na halos sobrang layo na sa itsura nito kanina. Biglang bumomba ang mga tangke at naglikha ito ng malaking ingay. Nagsimula na din umulan at kumulog, kasabay ang pag init ng lupa na likha ng salamangka. Pero hindi pa rin natigil ang laban sa pagitan ko at ng hukbo. Isa isang umapoy ang mga pana na nakaturo muli sa lokasyon ko. Mabilis kong inilagan ang mga ito at inihanda ang pwersa sa kamay ng mga may sandata na halos lahat ay sumugod sa akin.

Nasa malayong distansya naman ang mga may kakayahang magbasa ng isip, ngunit di mawari ang kanilang mga itsura. Binigyan ko lang sila ng kakatwang ngiti. Sinubukan nila akong patayin gamit ang kung ano mang imbensyon, elemento, salamangka at kung ano pang maibigan nila. Ngunit ilang beses man nilang subukan ay bigo pa din sila. Sa kalagitnaan ng ingay, dilim ng paligid, init ng lupa, hamog mula sa hangin, at panahon na hindi makontrol. Ay ang pagdating ng mga taong nakakapa. Ngunit sa malayuan na tingin ay alam kong hindi sila naririto para ayusin ang gulo. Lahat ng mga naririto ay naghahanda para ihatol ang kung ano mang nararapat sa akin.

At yun ay ang parusang 'Kamatayan'

"I wonder how things did get here?" I murmured as I reminisce my past memories.

I put my hood as I stood up against the battle after the bloody warm up fight, that I just run into earlier. I'm tired of hiding... If I could only bring back the time. I would do better than this, maybe things didn't worsen as it could be. The fight starts here! I don't care if I lose myself at the process. I"ll give them hell if they want to.  I train myself for this battle. 

There's no backing out now.



To be continued...







Author's Note: Supporting this story will be greatly appreciated! Some of my works are self-published and this is my first published book here in watty. So, I hope you enjoy spending time by reading it. I'll see you in the next chapters upcoming 'Dreamers'.

NEMISIS TALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon