TANAW na ni Brett ang helipad na lalapagan ng kanyang chopper. Nagulat siya nang biglang may nag-click sa kanang bahagi niya. He sensed danger. Naamoy na rin niya ang nagli-leak na gas. He braced his self at inihanda ang kanyang parachute sa likuran niya. Tinukuran niya ng stick ang controller at binuksan ang pinto ng helicopter sa kaliwa niya. Tumalon na siya mula roon at napapikit siya nang bigla na lang sumabog ang kanyang helicopter. Mabuti na lang at malapit sa dagat nahulog ang mga parte noon. Binuksan niya ang parachute niya nang malapit na siya sa lupa. Nagulat siya nang ayaw magbukas nun. Pilit niyang hinila ang tali para magbukas iyon ngunit tuluyan na siyang bumagsak sa lupa. Naramdaman niya ang matinding kirot sa ulo niya. Nagdidilim na rin ang paningin niya. He can even hear his ragged breathing. Nakarinig siya ng kaguluhan ngunit tuluyan nang nagdilim ang paningin niya.
NAGKAKAGULO sa emergency room nang dumating si Sarah doon. What's happening? Nagkalat ang press sa paligid ng ospital. May celebrity kaya na isinugod dito? Hindi mapakali ang security ng ospital sa dami ng press na gustong makakuha ng interview. Nag-ayos siya ng buhok. Aba! Mahirap na at baka makita ako sa telebisyon mamaya. Hehehe.
"Sarah! Dalian mo! Kailangan namin ng tulong mo rito!" tarantang wika ng head nurse sa kanya.
"Andyan na po!" agad siyang sumunod rito.
Halos tatlong taon na rin siyang nagtatrabaho sa naturang ospital. Pagkamatay kasi ng kanyang ama ay siya na lang ang bumubuhay sa sarili niya. Apat na taon na mula nang mamatay ang tatay niya dahil sa komplikasyon sa atay. Ang nanay naman niya ay namatay habang ipinapanganak siya. Masyado raw maraming dugo ang nawala rito kaya hindi na raw nito nakayanan. Simula nang mamatay ang nanay niya ay wala nang tigil sa pag-inom ang kanyang ama. Kahit umaga ay nag-iinom ito. Pero hindi rin naman ito tumigil sa pagkayod para sa kanya at heto pa nga at napagtapos siya sa kolehiyo. Kasama niya naman ang kanyang tiyahin sa bahay na inuupahan nila kaya wala naman siyang masyadong problema. Hati sila sa lahat ng bayarin. Matandang dalaga kasi ito. Noong una ay sa isang maliit na klinika lang siya nagtatrabaho ngunit kailangan nilang lumipat sa siyudad para sa trabaho ng tiyahin niya. Tumaas kasi ang posisyon nito at inilipat ito ng branch sa pinagtatrabahuhan nitong bangko. Kaya nagdesisyon na rin siyang sumama rito. Natanggap naman siya sa isa sa pinakamalaking ospital sa Asia. Ito ang ospital na pinapangarap ng maraming nurse at doctors sa bansa. Mahirap kasi makapasok doon. Kailangan ay isa ka sa top notchers ng board exam.
Inabot sa kanya ni Miss Minchin este ng head nurse nila ang kanyang tablet kung saan andun naka-record ang lahat ng pasyenteng titingnan niya ngayong gabi. She inwardly groaned when she saw the number of patients. Tambak nanaman kasi ang trabaho niya. Marahil short sila sa staff. Napabuntung-hininga siya at nag-umpisa nang magtrabaho. Isinabit na niya ang stethoscope sa leeg niya at dumekwat ng ballpen sa table ni Miss Minchin. Inilagay niya muna ang backpack niya sa nurse quarters.
"Good evening po! Rounds lang po." nakangiting katok niya sa pintuan.
"Pasok ka, hija."
Pagpasok niya ay nakita niya ang isang matandang lalaking nakatingin sa labas ng floor to ceiling na bintana. "Good evening po, Mr. Arana. Iche-check ko lang ho ang blood pressure niyo."
NAPASALAMPAK si Sarah sa kama sa quarters nila. "Hay.."
"Had a long day, Galban?" tanong sa kanya ni Jasper. Isa sa mga resident doctors doon na madalas tumatambay sa quarters nila para mangulit.
"Suuuuuuuper long day, Jas!" nakapikit na sambit niya.
She heard him chuckle. "Sige. Pahinga ka na muna. Magra-rounds pa ako."
Nagising siya sa mahinang pagyugyog sa kanya. She groaned. "Five minutes pa!" mahinang reklamo niya. Niyakap niya ng mahigpit ang unan.
She heard someone laugh. Napatayo siya nang may pumalo ng malakas sa braso niya. "Ano ba?!" nanigas siya nang makita ang may-ari ng ospital na gwapong gwapo na si Dion Fidel katabi si Cecille. Oh my ghad! Ang gwapo ni bossing! Agad siyang umayos ng upo at pinilit ayusin ang buhok niya. Napalunok siya nang makitang nakangiti lang sa kanya si Dion.
BINABASA MO ANG
Anghel sa Lupa (Brett Arana & Sarah Joy Galban)
Romance"Hindi ko na kailangan pang makita ka para masabi kong maganda ka. Dahil sa boses mo pa lang alam kong mabuti kang tao. Dahil sa boses mo.. unang nahulog ang puso ko." Sarah Joy was getting bored as a night shift nurse. Kahit na ang ospital pang pin...