Part 3: Love Hotel

12.1K 65 0
                                    

JAPAYUKI

PART 3

Dating Love Hotel daw ang tinitirahan namin. Isang taon na hindi natirahan. Noong kami na ang tumira, parang bodega ang kalat, may malalaking aparador. Iyon pala, may multo. Hindi ako naniniwala sa multo, pero mayroon talaga.

Kinatanghalian, umalis kami ng mga kasama ko para maghulog ng padala. Pag-uwi namin sa bahay, nakarinig kami ng umiiyak.

"Nakakatakot naman." Kahit naman ako ay natatakot sa naririnig ko. Magkakapit kamay kami, habang humahakbang palakad papunta sa kusina. Habang palapit kami nang palapit. Siya namang palakas nang palakas ng paghikbi ng iyak. Nang makarating kami sa kusina, nagtuturuan pa kami kung sino ang sisilip sa loob. Hanggang sa mapagdesisyunan namin na sabay-sabay kaming sisilip.

"W-w-wala namang tao..." sabay-sabay kaming nagtakbuhan palabas ng bahay. Hinahabol namin ang hininga namin ng sandaling iyon. Totoo pala talaga ang multo. Imposible kasing guni-guni o naiisip lang namin iyon. Kaya simula noon, naniwala na talaga akong nag-e-exist sila.

Lumipas ang maraming araw, lagi na kami nakararanas ng mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa loob ng bahay na aming tinitirahan. Inisa-isa rin kami sa mga panaginip. Mayroong dadagan sa aming mga lalaki, iyong iba sabay-sabay kaming sinasakal, galit na galit ang mga mukha nila. Para bang, minaltrato sila at sa amin sila naghihiganti.

Anim na buwan ang nagdaan. Excited na akong makauwi ng Pinas. Hindi na nga ako pumirma ng encho, kasi takot na ako. Lalo na nang makakita ako ng bata sa loob ng aparador. Pakiramdam ko, kinulong siya roon, hanggang sa mamatay.

Pag-uwi ko ng Pinas, ayon sarap buhay ang mga kamag-anak ko at kapitbahay namin. Libre rito, libre roon. Bigay rito, bigay roon. Akala nila, marami akong pera. Hindi nila alam, hindi ko tinapos ang kontrata kong walong buwan.

Gusto ko sanang magsalita ng hindi maganda, ngunit, napagtanto ko. Baka mag-reflect sa akin ang mga sasabihin ko kapag ginawa ko iyon. Kaya ngumiti at hinayaan ko na lang ang sarili ko na ibigay ang gusto nila. Naniniwala kasi ako sa kasabihan na, the more you give, the more blessing you will received. Lalo na kapag bukal sa kalooban mo ang pagbibigay.

JAPAYUKI (True-to-life-story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon