Chapter 17

734 27 1
                                    

"Are you breaking up with me?" diretso niyang tanong sa akin. Ang mata ay tila ba nagmamakaawa na huwag ko siyang iwanan.

Malakas ang hampas ng alon sa aking paa. Ang daster na suot suot ko ay humahampas sa aking katawan gawa ng malakas na hangin na sumasalubong sa akin. Ang aking maalon na buhok ay humahampas sa aking likuran. Sobrang peaceful.

"Ate? Pinapatawag ka ni Nanay," saad ng kapatid kong si Damian sa aking likuran.

Nilingon ko siya. May hawak hawak siyang pulang timbi na may lamang maliliit na isda. Ang kaniyang morenong balat ay kumikintab gawa ng sinag ng araw na tumatama sa kaniya.

"Sumama ka sa pukot?" tanong ko kahit halatang halata naman.

Basa ang buo niyang katawan. Napansin ko na mas lalong nadepina ang panga niya at ang kaniyang katawan. Siguro ay dahil sa palagi siyang sumasama ng laot at sinasabi rin sa akin ni Ate Mary na nagtatrabaho siya as a construction worker sa bayan.

Akala ko nga ay hindi sapat ang pera na ipinapadala ko sa kanila pero nagkamali ako. Nang tinanong ko siya kung bakit nagtatrabaho pa siya kung sapat naman pala ay hindi ko inaasahan ang sagot niya.

"Kahit na sapat ang pera na ipinapadala mo Ate ayoko pa rin dumepende sa iyo. Gusto ko makatulong ako kahit papaano kay Nanay," ang sagot niya sa akin.

And at that moment, I know that his wife will be so lucky.

"Oo, Ate. Ibebenta ko 'tong isda. Marami rami din to. Gusto mo ba ng ganito?" saad niya.

Lumapit ako sa kaniya. Sinilip ko ang pulang timba. May mga maliliit na isda roon. Mga dilis o ang tawag sa amin ay dulong. Masarap ito kapag pinangat.

Pero sa isipin na kakain ako ng isda ay biglang humapdi ang sikmura ko.

Ngumiwi ako. "Tanong mo si Nanay kung gusto niya," sagot ko na lang.

Nakita niya ang naging reaksyon ko sa isda. Tumawa siya at umakbay sa akin. Sinadya pang idinikit sa akin ang basa niyang katawan!

"Mukhang maarte ang pamangkin ko kapag laki niyan, Ate ah? Kailangan ko pa magtrabaho nang mabuti," natatawa niyang saad.

Sabay kaming naglalakad sa buhangin para makauwi na sa bahay. Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Namumulubi na nga ako sa mga pinaglilihian ko paano pa kaya kapag labas ng baby ko?

"Akala ko hindi na gagaling si Nanay," saad ko sa gitna ng pananahimik namin. "At ikaw akala ko hindi ka na tatangkad. Mas matangkad ka na sa akin!" Sinubokan kong abutin ang ulo niya pero kailangan ko pa ata tumalon para maabot siya kaya tinigilan ko na lang.

Tumawa siya nang makita ang ginawa kong pag abot sa kaniya. "Gumaling si Nanay kasi napakasipag ng Ate ko," pambobola niya sa akin. "At tsaka, tumangkad talaga ako ng husto kasi nagpatuli ako nung umalis ka e," loko lokong anas niya.

Hawak ang pulang timba ay tumakbo siya papalayo sa akin para iwasan ang paghampas ko sa kaniya. Tumawa ako at inirapan siya. Napakakulit. Parang hindi umiyak nang paalis na ako dati.

Tawa ako nang tawa habang naglalakad kami pauwi sa bahay. Puro kasi kwento ng kalokohan itong bunso kong kapatid. Papasok na kami sa bahay nang parehas kaming matigilan dahil sa nakita.

"Kanino iyan?" gulat na tanong ng kapatid ko.

Nakakunot ang noo niya dahil sa pagtataka. Sigurado ako na ganoon din ang reaksyon ng mukha ko. May ideya ako kung kanino iyon pero ayaw kong mag-assume. Tumikhim ako at nagkibit balikat.

A black Maserati was in front of our bungalow house. May SUV sa likod ng Maserati at kilalang kilala ko kung kanino ang mga sasakyan na ito. Anong ginagawa nila rito?

Single Dad Club: TemptTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon