PROLOGUE

32 1 0
                                    

FONZESCA'S POV

"Happy Birthday mga anak! Oh siya, at mag wish na muna bago hipan ang kandila." Sambit ni Papa at tinulungan si Tita Isabelle na sindihan ang dalawang kandila.

Halata sa himig ng kanilang mga boses ang galak habang kinakantahan kami ng aking kapatid ng Happy Birthday song.

It's June 14, and we have the same birthday as my younger brother who's only one year younger than me.

My eyes immediately searched for my friend through the crowd, ngayon ko lang napansin na ang daming ininvite na bisita ni Felix.

Hindi halatang social butterfly.

'Di katagalan ay nahagilap ko rin ang kaibigan kong si Lewisa na kumakanta rin ngayon at pumapalakpak pa. She motioned her hands, telling me to blow the candle on my cake. Tumingin ako sa gilid ko para tignan ang aking kapatid, nakatingin na pala ito sa akin and it seems like he's also waiting for me to do the exact same thing.

Wala na akong magawa kundi ang hipan na ang kandila.

Agad namang naghiyawan ang mga tao sa paligid at boses pa ni Lewisa Joy ang nangunguna.

"Kainan na!!"

•••

"Bakit di ka nag-wish kanina? Ang mahal kaya ng bili ko sa kandilang 'yon kasi sabi nung nagtitinda, pag nag-wish ka raw roon, matutupad ang hiling mo." Nagtatampong wika ng kapatid ko bago tumungga ng isang bote ng alak.

Kaming tatlo na lang natitira ngayon sa terrace. Naka-uwi na ang ibang bisita dahil gabing-gabi na rin. Sila Tita at Papa naman ay kanina pa nagpa-alam na matutulog na raw dahil may trabaho pa sila bukas.

"Ang sabihin mo, na marketing strategy ka lang ni ateng nagtitinda. Uto-uto ka naman." Lasing na wika ni Lewisa bago inagaw sa kapatid ko ang bote ng alak saka tinungga.

"Hoy, Bula! Akin 'yan!" Akmang aagawin na sana ni Felix ang bote nang bigla itong na out balanced sa inuupuang upuan.

Napatayo ako nang bahagya dahil sa gulat, "Walang tubig dito, hoy! Tumayo ka nga riyan!"

Ngumiti ito sa akin, ngiting pang-lasing, "Ate... hindi ako papayag na hindi ka nag wi-wish, huh?" Tumingin ako sa gawi nito at nakitang naka-turo na ang hintuturo sa akin, di na rin niya mabuka nang maayos ang kaniyang mata.

Umiling-iling akong kumuha ng lasagna at isinubo sa bibig. Kanina pa inom nang inom 'yang dalawa. Ito ring kapatid ko na por que nag 18 na e 'kala mo kung sinong di naka-inom ng alak nang ilang taon.

Agad akong napatingin pabalik sa kapatid ko nang bigla itong tumayo, "Hoy baliw, saan ka naman papunta?" medyo taranta kong tanong dahil mukhang matutumba na ito sa paraan ng paglakad niya.

"Hayaan mo 'yan, bes. Warla na ang nakshie mo." Lasing na wika ni Lewisa bago malakas na tumawa.

"HAHAHAHAHA-ouch! Ano ba 'yan, Felix? Bakit nang-babato kang bruha ka?!" Nakita kong may bumagsak na bagay sa lamesa.

Iyon ang binato kay Lewisa. Kinuha ko ito at saka napagtantong isa itong pack ng gold na kandila na katulad sa ginamit namin sa cake kanina.

"Ito na oh," Inangat ko ang tingin ko at nakita si Felix na dala-dala ang isa sa mga tirang chocolate cupcake kanina.

"You have to wish, ate. Ilang birthdays na natin ang nakalipas na hindi ka na nag wi-wish. Akala mo ba 'di ko pansin 'yon?" Nilapag nito ang cupcake sa tapat ko at muling itinuro ang hintuturo nito sa akin.

Mukha siyang lasing na lasing.

"Ilang birthdays na nating ang nagdaan, 'di mo na ako inaagawan ng candle tuwing mag b-blow na tayo. Naninibago ako, ate..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

XenizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon