"Alam mong mahigpit na ipinagbabawal ang pag-iibigan ng Diyos at isang tao. Alam mo iyan, Shiva!" Makapangyarihang saad ng isa sa mga Diyos.
Naka tayo lamang ng tuwid si Shiva, ang kinikilala nilang pinaka malakas na Diyos. Apat ang mga Diyos ang kinikilala sa mundo ng Endora.
Si Vishnu, ang panginoon ng kalawakan. Kayang-kaya nyang makontrol ang katawan at isip ng mga tao, maliban nalang sa mga kapwa nya Diyos.
Si Kamadeva, ang panginoon ng pag-ibig. May nakaka akit na mukha at katawan, kaya nyang makontrol ang nararamdaman ng bawat isa.
Si Erebus, ang panginoon ng mga elemento, kaya nyang kontrolin ang: apoy, hangin, tubig at ang lupa. Sya ang nag bibigay ng kapangyarihan sa mga mamamayan ng Endora.
At ang panghuli, si Shiva. Sya ang kinikilala na pinaka makapangyarihang Diyos, kayang kaya nyang sumira ng isang mundo. Nakokontrol nya rin ang lahat ng kapangyarihan na nakapa loob sa tatlo pang mga Diyos, higit sa lahat nakokontrol nya ang dalawang kapangyarihan na sya pa lamang ang nakaka hawak, ang kapangyarihan ng pagka buo at ang pagkasira. Kung nanaisin nya ay kaya nya bumuo ng isa pang planeta at sirain ito. Ganun sya ka makapangyarihan.
"Alam ko naman iyon Vishnu, sinubukan kong pigilan ang mahulog sa mortal na iyon. Pero sadyang taksil ang aking puso at nahulog pa rin ako sa kanya." Kalmadong sabi ni Shiva. "Alam naman natin na mahirap pigilan ang ating nararamdaman. At wala tayong kontrol rito, ang tadhana lamang." Dugtong nya pa.
Napa buntong hininga na lamang si Vishnu, dahil alam nyang may punto ang kanyang kapatid. Malaking problema sa kanila ang pangyayaring ito, lalo na dahil pinag kakainitan sila ng mga kalaban nilang taga ibang planeta. Baka ito pa ang gawing kahinaan nila, at gawin itong sandata para lamang mapatay ang lahat ng mga tao na kanilang binabantayan sa matagal ng panahon.
"Ano nalang ang gagawin natin kapag gawin syang sandata para kalabin tayo? Lalo na't anak mo sya kaya panigurado ay mamamana nya ang mga kapangyarihan mo." Sabat naman ni Erebus, kalmado lamang sya kanina pa, ayaw nya sumabay sa init ng ulo na kanyang kapatid na si Vishnu.
"Nandito naman tayo para protektahan sya at bigyan ng basbas para sa kanyang ikabubuti, diba?" Naka ngising sabi ni Kamadeva. Sya lamang ang hindi tutol sa ginawa ng kanyang kapatid, lalo na't alam nya kung gaano kahirap pigilan ang nararamdaman.
"Nandito naman ako para bantayan sya sa kanyang paglaki, hindi ko hahayaang makuha sya ng mga kalaban." Kahit hindi sigurado ay nangako parin sya, alam nya sa kanyang sarili na mahirap bantayan ang kanyang iniibig at ang sanggol na nasa sinapupunan nito. Lalo na at hindi sya pwedeng manatili ng matagal sa mundo ng mga mortal.
Umibig si Shiva sa mortal na si Maraya, noong una ay pinag mamasdan nya lamang ito, at hindi nag tagal ay nahulog na ang kanyang damdamin sa babae. Meron itong ginintuang puso sa kanyang mga kapwa, matapang at may paninindigan basta ay alam nya nasa tama sya.
Kaya bumaba si Shiva sa mundo ng Endora at nag panggap na mamamayan at lumapit kay Maraya at nanligaw. Hindi nag tagal ay may nabuong sanggol sa sinapupunan ni Maraya, kaya bumalik si Shiva sa kanilang mundo para humingi ng tulong sa kanyang kapatid na bantayan ang kanyang mag ina.
"Sige pumapayag na ako na bantayan ang inyong anak at tanggapin ito ng buong puso, pero kapag tumuntong sya sa tamang edad ay sya ang papalit sayo bilang aming nakakataas na panginoon." May otoridad na saad ni Vishnu. Nakaramdam naman ng kasiyahan si Shiva dahil doon. Alam nya naman na maging makapangyarihan din ang anak nya, lalo na at anak ito ng pinaka makapangyarahing Diyos.
"Bibigyan namin ang iyong anak ng basbas at proteksyon laban sa ating mga kaaway." Sabat naman ni Erebus. "Binibigyan ko ang iyong anak ng talino para sa mga bagay-bagay na kakaharapin nya."
"Binibigyan ko ang iyong anak ng tapang para kaharapin ang kanyang mga kaaway at sino mang magtatangka sa kanyang buhay." Sunod na saad ni Vishnu.
"Bibigyan ko naman ang iyong anak ng kagandahang taglay na walang makakapantay at kabutihan ng puso para sa kanyang mga minamahal." Huling sabi ni Kamadeva habang naka ngiti.
"Salamat sa inyong mga basbas aking mga mahal na kapatid, tatanawin ko ito ng utang na loob." Paghingi ng Salamat ni Shiva, wala ng papantay sa kasayihan ng kanyang puso sa oras na iyon.
Hindi na sya maka hintay na masilayan ang kanyang anak, nakakasiguro sya na babae ang kanyang anak. At dumating na nga ang kanilang hinihintay na oras, ang masilayan ang kagandahang taglay ng anak ng isang Diyos at isang mortal.
Ito ang kauna unahang batang isinilang na may dugong Diyos at mortal, kaya iingatan nila ito at poprotektahan na parang isang pinaka mahalagang diyamante sa buong kalawakan.
Sa araw na iyon ay ipinanganak ang makapangyarihang nilalang na pinangalanan nilang...
HIRAYA