Hi!... Ako nga pala si Atasha Hernandez 19 years old, College student, and I have a boyfriend named Nathan Santiago...Nagkakilala kami 4years ago.. Nung lumipat sila dito sa lugar namin.. Nung una ang sungit sungit nya pa saakin.. Pero nang hindi ko na sya pinapansin... Ay sya naman itong nagpapapansin saakin..
Naaalala ko noon na palagi syang tumatambay sa may tapat ng bahay namin para pag lumabas ako makikita o mapapansin ko sya...
Natatawa nalang ako kapag naaalala ko yun..
Masaya kami sa 2 years naming relasyon at wala na akong mahihiling pa..
Pero lahat nagbago simula nang dumating yung childhood bestfriend nya.. Kasi dati na saakin lang yung buo nyang atensyon pero ngayon halos hindi nya na ako napapansin...
Kapag kino konfront ko naman sya palagi nyang sinasabi saakin na bumabawi lang daw sya kasi matagal silang nagkahiwalay ng bestfriend nya...
Ehh hindi ko naman sya pinipigilan na bumawi kay Ayesha ehh.. Ang gusto ko lang naman is yung wag naman nyang kalimutan na may girlfriend din syang kailangan ng atensyon nya..
Tulad nalang nung monthsary namin na nakalimutan nya.. Nung tinanong ko sya kung bakit hindi sya dumating don sa place kung saan kami palaging nag cecelebrate.. Sabi nya isinugod daw kasi nya yung kaibigan nya sa hospital kaya daw nawala sa isip nya yung monthsary namin..
Bakit ganon...
Ganon ba ka sobrang kaimportante sakanya si Ayesha na parang madali lang sakanya na kalimutan ako...
Ako yung girlfriend pero ako yung namamalimos ng atensyon nya..
Kaya tinawagan ko sya para sabihin sakanya yung mga hinanakit ko sakanya..
"Nathan... B-bakit parang wala lang sayong nakakalimutan mo ako... Nung nakalimutan mo yung monthsary natin.. Wala kang narinig na reklamo mula saakin... Pero Nathan ako yung girlfriend mo.. Bakit ako yung kailangang maghintay para lang mapansin mo?... Simula nung bumalik sya parang kinalimutan mo na may ako na naghihintay sayo".. Umiiyak kong sabi sakanya
YOU ARE READING
"PAUBAYA" ( One Shot Story )
Short StoryKwento ng buhay pag ibig ni Atasha Hernandez Hindi lahat ng story may happy ending..