IKALIMANG KABANATA : IGINUHIT NA PANGARAP (Tagpo 47-B)

47 2 0
                                    

'MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKALIMANG KABANATA

IGINUHIT NA PANGARAP

Ikaapat-na-po't Pitong Tagpo (B)

Mga ilang sandali pa'y tumigil na rin ang putukan. Halos di humihinga sa loob ng sasakyan sina Ernie, Louie, Arianne at Jershey. Pawang nakikiramdam.Maya-maya pa'y maririnig na ang umaalingawngaw na sirena ng mga patrol car ng pulis na agad nagsidalo sa pinangyarihan ng krimen. Unti-unti nang dumarami ang mga taong nag-uusyuso sa daan.

May mga sasakyang nagsitabi na mapapansing dahan-dahan nang pinatakbo habang nag-uusyuso na rin ang mga sakay sa nagtimbuwang na mga patay na lulan ng inambush na SUV. Nagkalat ang mga dugo sa kalsada. 

Bumababa naman ang driver ng closed-van na truck na may pumapatak na dugo sa noo. Nagsibaba naman ang mga pulis sa kanilang mga patrol car para mag-imbestiga sa krimen.

Sumunod na rin ang kotseng minamaneho ni Louie sa iba pang sasakyang nilagpasan na ang lugar ng pinagyarihan ng krimen.

 "What is happening?" usisa ni Jershey.

Di-malaman ni Arianne kung paano ipapaliwanag kay Jershey ang mga nangyayari sa paligid. Tuloy-tuloy naman sa kanyang pagmamaneho si Louie. Aalalang-alala naman si Ernie na lilingunin ang anak na si Jershey.

"Wait Louie...magminor ka...lilipatin ko lang si Jershey.Magmiminor si Louie. Pagkalipat ni Ernie sa likod ng kotse, yayakap sa kanya si Jershey.

 Hahagurin naman ni Arianne sa likod si Jershey na halatang nagbabalisa. Magtatama naman ang paningin nina Ernie at Arianne na kapwa nag-aalala sa bata. Pasulyap-sulyap naman sa kanila si Louie sa may rear mirror ng kotse. 

Pausad-usad naman ang mga sasakyan sa highway sa matinding trapik na inabot dahil sa kahila-hilakbot na pangyayari.

Muli na naman tumatawag si Althea sa cp ni Ernie na nang di na nasagot ni Jershey habang kausap ang ina sa kabiglaanan ng mga pangyayari ay nawala na lamang sa linya ng ilang minuto.Dadamputin ni Arianne ang cp ni Ernie na nalaglag sa lapag ng kotse kaninang nagkakagulo. Sasagutin ang tawag ni Althea.

"Don't worry Althea...ok na kami rito...malayo na kami sa pinangyarihan ng ambush..." ang nasabi na lamang ni Arianne para di na mag-alala si Althea.

All reactions:1Anita Ventura1 commentLikeCommentShare

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon