IT WAS A chilly night outside Lavida Mycroft Furniture. Nanginginig ang katawan ni Cruzette habang nagaabang ng taxi na masasakyan pauwi sa maliit na inuupahang apartment.
Hindi siya mapakali habang magisang nakatayo sa labas, sa harapan ng Lavida Mycroft Furniture building. Magiisang oras na kasi ang nakakalipas pero sadyang wala pa ring taxi na dumaraan. Naiinip na siya.
Napakunot noo siya. "Jusko! Hanggang anong oras pa ba ang itatagal ng mga taxi dito? " inis na himutok niya.
Sa lagay ng trabaho ni Cruzette na madalas ang paguwi ng gabi ay talagang pahirapan ang pagaabang ng masasakyan.
Napabuga siya at napakamot sa ulo.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng sling bag saka i-dinial ang phone number ng kaibigang si Yohan.Ang lalaki kasi ang madalas niyang maasahan kapag nasa puntong naiinis at nababagot na siya sa pagaabang ng taxi na masasakyan.
It kept in ringing. Walang sumasagot sa tawag niya.
Umiling siya at pinaikot ang mga mata.
"Kung minamalas ka nga naman! Ano kayang ginagawa ng isang yon, bat ayaw niyang sagutin ang tawag ko? " nakabusangot na reklamo niya.Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Cruzette nang maaninag ang maliwanag na ilaw na nanggagaling sa isang taxi. Kaagad na pinara niya ang taxi at mabilis na sumakay dito.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga nang makarating ang taxi na sinasakyan sa labas ng maliit niyang apartment. Pagkatapos magbayad ay mabilis siyang pumasok sa loob upang makapagpahinga.
Matapos na mailock ang pinto ay dumeretso siya sa ikalawang palapag ng apartment.
Napangiti siya nang madatnan ang mahimbing ng natutulog na si Zaphierra sa kwarto nito. Nakangisi siyang dumukwang upang hawiin ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa maganda nitong mukha.
Impit siyang natawa at napailing.
"What a sleepyhead? Promise, gagawin ni ate ang lahat maging maayos lang ang buhay mo Zaphie. " pabulong pang sabi niya.
Pagkatapos na kumutan ang nakababatang kapatid ay dumeretso siya sa kanyang silid saka mabilis na nagpalit ng komportableng damit, bago napasalampak sa malambot na kama.
Pero kahit nakahiga na si Cruzette sa kama ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Mataman lang siyang nakatitig sa kisame habang tumatakbo sa isip ang mga nangyari ngayong araw.
Napakunot noo siya. "Tsk seriously? Sinabi kong gwapo ang tukong yon? Jusko! Baka lagnatin pa ako dahil sa aswang na yon. " nakabusangot na reklamo niya.
Imbes na magisip ng kung ano-ano ay minabuting ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at sinubukang makatulog.
Pero hindi pa man nagiinit ang pwet niya sa pagkakahiga ng biglang magring ang cellphone niya.
Nagmulat siya ng mga mata at kinapa-kapa ang kanyang cellphone sa ilalim ng ulunan.
Kaagad na sinagot niya ang tawag ng makitang nakaregister ang phone number sa pangalan ni Greco, isa sa head ng international legal enforcement group na kinabibilangan niya.
Cruzette rolled her eyes.
"Commander Ferrer. Napatawag ka, is there a new mission line up for me? " bungad niya ng sagutin ang tawag ng lalaki.
"Yes there is. If you're interested, don't waste my time waiting for you. I might change my mind." Matabang na sabi nito saka siya binabaan ng tawag.
Napangiwi siya at napabuga.
Kahit kailan talaga hindi na magbabago ang paguugali ng lalaki. Katulad lang ito ng mayabang niyang amo.
Kaagad na napabalikwas siya sa kama at mabilis na nagpalit ng damit. In just a blink of an eye Cruzette is now wearing a full fitted black suit, black boots, and a red mask where only her eyes can be seen.
BINABASA MO ANG
Deceivable Temptation Series 1: The Great Seductress
RomanceSynopsis: Creed Draviane Becker a ruthless, cold-blooded and overwhelming businessman. After the death of his girlfriend, Maureen in an unwanted accident. He lost his trust to everyone. The perfect world he had became useless and miserable. Para s...