PROLOGUE

1.7K 21 9
                                    

“GRABE CIE…”natatawang sambit ni Camilla na may kasama pang pag-iling “mas matagal pa kayo ni Asher sa amin pero wala pa ding progress ‘yong relasyon n’yo ni Kye”naiiling na sambit ni Camilla kaya napasimangot ako.

“Atleast kami may label,hindi kami katulad no’ng ibang taong walang label”sambit ko kaya sarkastika s’yang natawa.

“Eh ‘di wow,ang dami mong sinabi”natatawang sambit ni Cams kaya inirapan ko s’ya.Nasa coffee shop kami na pagmamay-ari ko,she was just here to pester me together with Liyah dahil ‘yong mga boyfriend nila ay wala pa kaya ako muna ang pinagdiskitahan.

“Pero seryoso,hindi pa ba nagpo-propose sa’yo si Kye?”tanong ni Liyah sa akin na agad ko namang inilingan.

“No”sagot ko.

“Hmm…”tango nilang dalawa.

“Hey”napapitlag ako nang maramdaman kong may humalik sa pisngi ko at pagtingin ko sa tabi ko it was my boyfriend,he is now sitting beside me.

Sa harap naman namin ay si kuya Asher katabi ni Cams at si kuya Cooper na katabi ni Liyah.Mukhang magkakasabay na naman ang tatlong ‘to.

They are not close friends like me,Cams and Liyah but they were in the same circle of friends kaya magkakaibigan din silang tatlo,hindi nga lang masyadong close tulad nang iba sa grupo nila.Nagkakahiyaan pa ata samantalang ang tagal na nang grupo nilang ‘yon.

“Saan kayo galing?’bat magkasama kayong tatlo?”tanong ni Liyah kay kuya Cooper.

“Nagpatawag nang walang k’wentang meeting si Salvador,tapos nagsabay-sabay na kaming tatlo dito,tutal magkakasama naman kayo”sagot ni Cooper kay Liyah bago ito halikan sa noo.

“Tungkol saan ‘yong meeting?”kunot-noong tanong ko sa kanila,I’m just curious about their so called ‘meeting’

“Boys talk,baby”sabat ni Kye kaya inirapan ko.

“Hmm,babae ‘yan ‘no?mambababae kayo?”mataray kong tanong sa kan’ya kaya rinig ko ang singhap ni kuya Asher at kuya Cooper,maging si Kye ay napasinghap din sa gulat.

“What the hell,Cierra!”bulaslas ni kuya Asher kaya napabaling ang tingin ko sa kan’ya.

“Oh bakit?”taas-kilay kong baling sa kan’ya.Although,alam ko namang walang balak mambabae ang mga mokong na ito ay mabuti na rin ang sigurado.

“Grabe ka na kapatid,simula nang maging kayo ni Kye mas lalong naging matabil ‘yang dila mo”sambit ni kuya Asher kaya natawa ako.Matabil na talaga ang dila ko mula pa noon,hindi ko talaga alam dito sa mga kapatid ko kung bakit parang laging bago.

“C’mon kuya,just admit it that I’m saying the truth”kindat ko sa kapatid ko kaya napailing ito.

“I love Camilla so much,kaya wala sa bokubularyo ko ang mambabae”seryosong sambit ni kuya Asher kaya napangiti ako.He truly love Cams so much,bilib talaga ako sa love story nang dalawang ‘to.

Napatingin naman ako kay kuya Cooper at tinaasan ito nang kilay “what?”walang emosyon n’yang tanong “hindi ko ipagpapalit si Liyah kung ‘yan ang iniisip mo”sambit nito at inirapan pa ako kaya natawa ako.

“At ikaw?”baling ko naman kay Kye.

“You know how much I love you,Cie…and cheating on you wasn’t on my option so don’t accuse me like I’m a cheater”mahabang lintaya nito na puno nang kaseryosohan sa boses kaya napailing ako.

“Restroom lang ako”paalam ko sa kanila at agad nang umalis nang hindi hinihintay ang sagot nila.

Agad akong nagtungo sa banyo ko na nasa loob nang opisina ko sa shop,nagtungo ako sa sink at naghugas nang kamay bago tinignan ang sarili sa salamin.

Mapait ako napangiti nang may maalala tungkol sa kanina,I’m not boosting my own bubble.But yes,I admit,maganda ako,mayaman,matalino,sexy lahat na daw nasa akin at wala na akong mahihiling.I have a loving and supportive family,I have a brothers who supports my “kabaliwan” in life,I have a loving parents.

But they are wrong,I want something that I know in the end,I can’t have because he will not gave it to me.And that is…

Love

★★★★★

A/N:ANG IKSI 'NO?BAWI AKO SA INYO SA MGA SUSUNOD NA CHAPTER,FAIRIES!☺️

YES!SA WAKAS NATAPOS KO NA DIN ANG PROLOGUE,GRABE 'YONG PAG-IISIP KO KUNG PAANO KO SISIMULAN 'YONG STORY KASI GUSTO KO MAS MASAKIT 'YONG STORY NI CIERRA KAYSA KAY CAMS,CHAROT😂

SEE YOU ON NEXT UD,FAIRIES.LOVE LOTS😘

Billionaire 7:Kye VillaLobos Where stories live. Discover now