Nasa bahay ako ngayon nila Ate Rose, she just delivered a bouncing baby girl! Though hindi pa kami pwede makipagclose sa baby for safety purposes.
Nasa sala lang kami nila Violet, kumpleto kami today. Two days na after niya manganak and she had a normal delivery. Ang cute ng anak nila, ang puti-puti at ang pula ng pisngi! Pwera usog.
"Ate, paano iyan kami na lang bibisita dito, bawal pa ilabas ang pamangkin namin, hindi ba?" Tanong ko. Si Kuya Ivan ang kasama ni Baby Girl ngayon. Her name is Kaia.
"Oo, pero safest daw na iexpose sa ibang tao after a month. Tiis-tiis muna sisters." Sabi nito at nakahawak pa sa tyan niya, hindi iyon agad umiimpis and it will take time raw.
Nagpadeliver ng food si Kuya Ivan para sa amin kaya sabay-sabay na kami kumain.
"Kamusta naman sa school Daisy at Azi?" Tanong ni Ate sa kanila, "Okay naman, Ate. Madali-dali." Sagot ni Daisy. "Ang hirap hirap ng math nakakainis!" Sambit ni Azi na laging walang pasensya sa math.
"Ikaw, Violet?" Tumigil ito sa pag-nguya at nagsalita, "May kumuha sa akin na assistant, Ate. Kaya medyo busy lang lately." Napangiti ako nang makita na medyo nagkakalaman na si Violet, hmm, tingin ko may jowa na ito.
After kumain ay nagyaya na kami umuwi, para rin makapahinga sila Ate. Nag-grab na lang kami pauwi at ako naman nagcommute pabalik sa apartment ko.
Nasa site si Kio ngayon kaya hindi kami magkikita, pinadalhan lang niya ako ng dinner ko rito sa dorm.
The next day, nagising ako sa pabango ni Kio. I smiled when I saw his back facing me on my bed, he has a duplicate ng mga susi ko dito.
I snuggled closer to him and he probably felt it dahil humarap siya sa akin, "Hmm, morning, baby girl." He said before kissing me on my lips.
"Anong oras ka dumating?" I asked him at tinungkod ang kamay ko sa tyan niya na matigas, abs pala.
"3 hours ago, you were sleeping like a baby." He said at hinila ako paupo sa ibabaw niya. "Ikaw ang nagdrive?" I asked him, sa Ilocos kasi siya galing. He just nodded before closing his eyes.
"Hmm, can I take a nap?" Tumango ako agad, "Just sleep on my bed." Sabi ko at kinumutan pa siya, I saw him smile bago tuluyang makatulog.
I checked my phone at 8 AM na pala, he was driving the whole night? I saw that he posted something on Instagram last night.
It's a photo of the road, his caption is OMW home.
I smiled, am I that home?
Ngiting-ngiti ako nang may kumatok sa pintuan ng apartment, hala baka maniningil na ulit. Nalimutan ko pa namang mag-withdraw kahapon!
Nagsuklay lang ako saglit bago buksan ang pintuan, I was ready to talk nang makita kung sino ang nasa tapat ng apartment ko.
"Dalton..." I said, he just smiled at biglang nagtaas ng kamay at may hawak siyang paperbag ng pagkain. Nanlaki agad ang mata ko at sinara ang pintuan.
Mukhang nabigla siya sa ginawa ko, "Is there something wrong?" He asked pero agad lang akong umiling, "W-wala! Why are you here? Sorry, ang kalat kasi sa loob eh. Kakagising ko lang din."
He suddenly smiled, "You still look pretty, anyways, I just thought of bringing you breakfast. Babalik din ako agad sa school, pupunta kami sa hospital for duty. Here." Inabot niya sa akin iyong bag at pinat pa ako sa ulo.
"I'll get going, have a good day today, Rei." I smiled and thanked him before waving at him. Napahinga ako ng maluwag, kinabahan ako!
Pumasok na ako sa loob and I locked the door, tulog na tulog na si Kio. Nagutom ako sa amoy ng food kaya naman kinain ko na while scrolling on IG.

BINABASA MO ANG
The Mastermind: Miranda Sisters #2
RomanceMIRANDA SISTERS #2 Yasmin Rei Miranda, the 2nd child. She has always been this striving, young woman with big dreams. Her life will turn upside down when an unknown man suddenly wants to be her sugar daddy but that man's not really unknown, or is he...