Surrogate Hired Wife ♡ Part 3

73 2 0
                                    

Nakakapagod man ang mahabang byahe.But dali daling bumaba si Lexie sa sasakyan.Para hanapin ang ward ng kapatid.Sa isang public ward sila dinala ng nurse.Pero naka oxygen na ang bunsong kapatid niya.
"L-lexie di sinabi sa akin ni Leo na may iniinda na sakit siya.Nong di na niya nakayanan bumigay na ang katawan niya.At ngayon kelangan ng tanggalin ang isang kidney niya.Pero wala akong pera na natira.Paano na ang kapatid mo Lexie.?"tila mababaliw na talaga si Emma sa sunod sunod na unos ng buhay nila.Kinakaya niya ang lahat ng mawala ang Padre de pamilya nila.Pero ngayon pati ang bunso niyang anak kukunin na yata ng panginoon.
"M-mama si Sir tutulong siya diba po.?Please Sir Miller parang awa na ninyo isalba mo ang kapatid ko."biglang luhod ni Lexie sa paanan ni Rixon.
"Joe sabihin mo sa personel dito sa ospital na ilipat ang pasyente sa isang private room.At bayaran mo agad ang bills nila.Sagot ko na din ang gamutan niya Lexie."desisyon ni Rixon totoo talaga palang kapos sa pera si Lexie Flores.At ang tanging sulosyon ay ang surrogacy.
"S-salamat po Sir ng marami.Lahat po ng paraan para makabayad ako gagawin ko po."nabunutan ng tinik si Lexie sa puso niya.
"Lexie mamaya na natin iyan pag usapan.Hanapan mo muna ako ng pwedeng matulugan ngayong gabe."ani ni Rixon ayaw niya magtagal doon sa ospital.Dahil maraming may sakit doon.
"Oo nga naman anak di pwede si Sir dito sa ospital.Maraming bacteria dito pwede sa bahay natin malinis at maayos naman.Kahit maliit lang ang bungalow natin."alok na ni Emma sa bahay nila.
"S-sir mas timid po kung sa bahay namin kayo magstay muna ngayong gabe.Marunong din po ako magluto kahit papaano."assistant cook si Lexie sa isang restaurant pang gabe.Kaya magaling din siyang magluto.Kusinera sa canteen ng private skul ang Ina niya.Kaya natuto siya dito at sa probinsya kung di kayo mayaman.Kelangan ng isang babae ang marunong sa gawaing bahay.Sabi nga ng matatanda para di isuli ng asawa sa magulang nila.
"Ok much better."pumayag agad si Rixon makikilala niya agad mismo ang maging surrogate mother ng anak niya.Di lang iisang anak ang gusto niya.Kundi dalawa or tatlo.Pero isa lang muna para di magulat si Lexie kumbaga.
Di kalayuan ang bahay nila Lexie.One storey lang ito pero sementado.Dahil sa madilim na di na kita ang mga orchids na tanim ni Emma sa harapan ng bahay nila.Libangan ito ng Ina mula nong bata pa siya.Si Leo ang nagdidilig at nag aalaga ng mga iyon ngayon.Dahil nga busy sa paghahanap buhay ang Ina nila sa ngayon.OFW ang ama niya noon kaya nakakaluwag sa buhay.Umuwi ito na may iniindang kalagayan.At ilang buwan lang nakaratay na ito sa ospital.Puno sila ng utang hanggang ngayon.Titigil na sana si Lexie sa college pero sayang ang full scholarship niya.Kaya konti lang ang perang naiambag niya sa Mama Emma niya.
"Dito po Sir kwarto ko po ito.Dahil daw babae ako at nag aaral pa ako may sarili akong kwarto po.Maayos po ito dahil bihira na akong umuwi po dito sa Bulacan.Teka Sir maiinit muna po ako ng tubig para makaligo kayo.Wala pong heater ang banyo po namin."dali daling iniwan ni Lexie ang matatawag niyang amo na.Pagsisilbihan niya ito ng maayos para wala itong masabi sa kanya.
"No I prefer a cold water instead."ayaw na ni Rixon abalahin pa si Lexie sa maliit na bagay na iyon.Naupo siya sa single bed na iyon.Plain pala ang gusto ni Lexie na kulay.Yong pader at kurtina lang ang may kulay.Yong kama puti ang bedsheets naman.
"Maghahanda na lang po ako bang mabilisang hapunan po natin."maliksi si Lexie sa galaw niya.
Nilibot ni Rixon ang paningin niya.Maraming medals na nakasabit sa dingding.At mga awards ni Lexie yata na nakadisplay sa maliit na tokador.So matalino si Lexie Mae pala.Kung sabagay mahirap ang law course na kinuha nito.At matagal pa itong matapos kung tutuusin.Marami ding libro na nakadisplay ng maayos.Walang mga abubot doon tulad ng girlie stuff toys.Therefore libro lang ang hilig ni Lexie pala.Will may pagkakapareho pala silang dalawa ng hilig.Siguro naghiwalay sila ni Yna dahil mahilig ito sa music.Mga instrument naman ang hilig ni Yna Blake.Siya naman gusto ng tahimik.Napipilitan siyang minsan samahan ito sa musical theater.Kahit nakakaantok iyon for Rixon.Sabi ng Ina niya na di sila daw bagay.But he insisted na mahal daw niya si Yna talaga.Payo pa nga ng Mommy niya maghanap siya ng babaeng pareho ng hilig niya.Dahil pag mag asawa na daw dapat di lang siya ang nag adjust lage.Dapat both parties kaya tama ang Ina niya.Isang araw iniwan talaga siya ni Yna para sa career nito.
"Sir Rixon handa na po ang hapunan.Kay bango ng ulam na niluto po ni Lexie."si Joe ang pumukaw sa pag iisip niya.
"Maayos na ba ang ward ng kapatid niya.?Naayos na ba ang operation niya.?"biglang naging concern si Rixon sa di naman niya kaano ano.
"Oo bossing bukas na daw ang operation ng kapatid niya.Mabilisan dapat ang operation.Baka maapektuhan daw ang isang kidney nong bata.Naging hero ka ngayon Sir Rixon."bilib si Joe dahil may puso din pala ang amo niya kahit papaano.
"Ok tayo na para makauwi tayo bukas ng maaga."gustong makita din ni Rixon kung paano magluto si Lexie or kung masarap ba ang niluluto nito.Si Yna kasi pampered sa parents nito.Lumaki itong walang alam sa gawaing bahay.Para kay Rixon noon no big deal iyon kung di marunong magluto si Yna.Pero ayaw mismo ng mother niya at ng lola niya ang walang alam sa kusina.Dahil makaluma ang mga ito kahit ngayon na new generation na.Kaya medyo minus points si Yna sa mga ito.Alibi niya noon na bata pa si Yna noong sila pa.Kaya di pa natutong magluto.But di din nag effort si Yna sa bagay na iyon.Dahil daw pwede naman daw sila kumuha ng katulong.Mahinhin si Yna pero laking mayaman nga lang.Dahil babae nga daw ito pampered sa mga magulang nito.Kaya sabi ng mother ni Rixon na tsaka na daw niya pakasalan si Yna kung willing na itong matuto.Tama nga ang mga ito na di ito kayang maging maybahay nga.Inuna ang career nito at pumunta ng France.After 1 year doon marami siyang nababalitaan na may bf na daw si Yna.At ang masaklap pa naengage nga ang mga ito.Nasaktan ang ego,puso at pagkatao ni Rixon Miller.Kaya di siya papayag na matawag na bitter habang buhay.Sabi ng lola niya pakasalan na lang daw si Jessica Brandon.Ang childhood friend daw niya dahil willing itong matuto.Ito naman trying hard nga lang.Para sa kanya kapatid lang ang tingin niya kay Jessica until now.But din sobrang stubborn nito at sinisiraan ng husto si Yna sa pamilya niya.Pero wala na siyang amor sa dalawang babae.Si Yna ay mananatiling past lover na lamang niya.At si Jessica hindi niya ito mahal sa totoo lang.Dalangin niya na itong si Lexie na ang hinahanap niya.
"P-pasensya po kayo Sir ito lang nakayanan ko pong lutuin.But tikman ninyo po ito pong ampalaya na may itlog.Masarap po ito Sir at itong konting Adobo at pritong tilapia po.Di ko po inaasahan na pupuntahan ninyo agad ang kapatid ko."nahihiyang pagpapaliwanag ni Lexie at nilagyan ng ulam at kanin ang Plato ni Rixon.
"Its ok kala ko din sa restaurant tayo kakain.But mas komportable sa bahay ninyo."narerelax din si Rixon sa bahay na iyon.Kahit maliit pero maayos at malinis ang loob ng kabahayan.
"Buti na lang di talaga binenta ni Mama pati itong bahay na pinatayo ni Papa nong nasa Saudi pa po siya.Tapos binili din namin itong lupa na tinitirikan ng bahay.Yong mga gamit lang dito ang naibenta na ni Mama po."kwento ni Lexie habang nilalagyan ng juice ang baso din nina Rixon at Joe.
"Sir ang sarap ng luto ni Lexie.Ineng chef Cook ka yata."lumalamon si Joe dahil sanay din siya sa mahirap na pamumuhay.Nakakaluwag siya simula nong maging alalay na siya ni Rixon Miller.
"Joe is right masarap ka palang magluto Lexie."si Rixon di namumuri kung di naman kapuri puri.Totoong masarap ang luto ni Lexie.
"Kuwan po ako Sir assistant ng chef cook sa isang restaurant.Natuto po ako sa kanya po."nakahinga ng malalim si Lexie buti di pihikan sa pagkain si Rixon.But naputol ang hula niya ng sabihin ni Joe na pihikan ang panlasa ni Rixon Miller.Siguro totoong nasasarapan yata ito sa luto niya.

 Surrogate Hired WifeWhere stories live. Discover now