Pamilyar na saatin ang mga bagay na tila ba ay kakaiba para , mga bagay na balang araw pa natin maiintindihan mga pangyayari na hindi inaasahan pero nangyari para mag bigay saatin ng rason para tayu ay mag bago.
Ito ang naging dahilan para mag bago ang pananaw at ugali sa buhay ni Tyron Salvasco
Baaanng!!
Isang malakas putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa luob ng Mansion ng mga Salvasco ng lusobin ng kalaban ang kanilang tiritoryo.
Wala ng mga magulang Si Tyron dahil Bata palang siya ay wala na siyang mga magulang dahil sumama sa ibang lalaki ang kaniyang Ina, namatay naman sa gyera ang kaniyang ama. Naging palaboy Si Tyron sa lansangan hanggang sa nakita niya Si Don Thyme Salvasco, ang pinunu ng mga sindekato.
Naging alipin Si Tyron ni Don Salvasco hanggang sa nag karoon na ng tiwala si Don Salvasco sakaniya, sinanay siya nito at kung paano humawak ng mga sandata, kung paano makipag laban.
Ginamit ni Tyron ang kaniyang galit sa kaniyang Ina para maging masama.Doon ipinakilala ni Don Salvasco sakaniya Si Ariana ,kagaya din niya, ang mga karanasan ni Ariana ay talagang mapaglupit.
Ang kaniyang ama ay napatay ng mga kalaban at ang kaniyang Ina naman ay pinatay mismo sa harapan niya.Simula pa ng kanilang pag kabata Si Ariana na ang naging Kasama ni Tyron sa mga pagsasanay nila,Hanggang sa kanilang pag laki.
Isang araw
Baaanng!! Isang malakas na putok ang umalingaw-ngaw sa luob ng mansion ng mga Salvasco
"Boss nilusob tayo ng mga taohan ni Lorenzo" sigaw ng taohan ni Tyron sa kaniya
"Patayin silang lahat!! Nasaan si Ariana?"
"Nasa labas Po, nakipag laban"
Fuck!! Protectahan siya!! Ngayun din!!"
Mahal ni Tyron Si Ariana simula pa nang pag kabata nila, napahanga talaga siya sakaniya taglay kasi ni Ariana ang tapang, bilis, liksi ng kilos pag dating sa labanan kaya labis ang kaniyang pag kahumaling sa kaniya lalo pa at meron siyang kaaya-ayang mukha, maamo at malam-lam na mga mata, kaya ganoon na laman ang pag alala ni Tyron sakaniya
"Ariana!!" Sigaw ni Tyron ng makitang tinamaan ng bala ang dib dib ni Ariana
"Tyron" mahinang sambit nito hanggang sa bumagsak ang katawan niya sa lupa
"Hindiii!!" Sigaw niya ulit at binaril ang taong bumaril Kay Ariana
Hindi na maisip ni Tyron ang kaniyang gagawin sa nangyari, tumakbo ito at niyakap ang nag aagaw buhay na Si Ariana
"Tyron" mahinang sambit ni Ariana
"Pantawad kung ngayun ko palang sasabihin ito sayu" pag pilit niya sa kaniyang hininga na unti unting nawawala
Hinawakan ni Ariana ang mukha ni Tyron
"Mahal na mahal kita Tyron noon pa" Huling sambit niya at tuloyan ng nawalan ng Buhay
"Ariana!? Arianaaa!!"Sigaw ni Tyron ng tuloyan ng bitawan ni Ariana ang kaniyang mukha at pumikit na ng tuloyan
Kasabay naman noon ang pag pag alis ng taohan ni Lorenzo sa kanilang tiretoryo.
Labis ang pagkalungkot ni Tyron sa pagkamatay ni Ariana lalo pa at ito ang kaniyang pinakamamahal na babae sa buong Mundo.
Lumabas Si Tyron buhat-buhat ang katawan ni Ariana, nakita ito ng mga tauhan niya at dahil sa galit sumigaw Si Tyron ng malakas
"Isinusumpa ko !! Mag babayad kaaaaaaaa!! Lorenzooo!!" Sigaw niya ng malakas
Simula noon wala ng ibang ginawa Si Tyron kung hindi hanapin ang mga galamay na taohan ni Lorenzo at pinatay lahat sila pati na ang kanilang pamilya, Wala na siyang pakialam kung pinag hahanap na siya mga kapulisan ang importante sakaniya ay ang mapatay Si Lorenzo.