Chapter 79: The Rules Over

17 2 0
                                    

Kyle


Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Nang sundan ko sila na tumakbo hindi ko sila naabutan. May narinig na lang akong sigawan sa loob ng basketball court habang tumatakbo akong hinahanap sila kaya hindi ako nagdalawang isip na buksan ang pinto ng basketball court dahil may nararamdaman na naman akong hindi maganda. Siya agad ang nasa isip ko dahil baka may nangyari na namang hindi maganda. Mabilis na naman ang tibok ng puso ko sa kaba at pag-aalala. Kapag may nangyari na naman sa kanya hindi ko na talaga mapapatawad ang sarili ko sa kapabayaan ko.

Pagbukas ko ng pinto napahinto agad ako dahil sa gulat dahil nakita ko silang lahat. Si Angel kaharap si Chloe na nasa sahig at dumudugo ang pisngi niya. Si Mj na nasa tabi ni Matthew. Hindi ko man alam ang buong nangyari biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil wala naman pa lang nangyari sa kanyang masama. Natatakot na ako kapag isang araw lang na hindi ko siya makita at hindi ko malaman kung anong kalagayan niya parang mababaliw ako sa pag-aalala.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan akong suntukin ni Matthew nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ako galit sa kanya. Nung lumabas sila ng court mabilis ko silang sinundan pero hindi ko na sila naabutan sa bilis nilang maglakad napasuntok na lang ako sa pader ng entrance ng court sa inis. Hindi ko man lang siya nagawang makausap ngayon.

Gustong-gusto ko na siyang makausap ng harapan pero hindi ako pinagbigyan dahil sa nangyari na naman. Atat na atat na akong makasama ulit siya pero biglang nawala na naman siya sa paningin ko. Ang kinatatakutan ko ngayon ay ang mga sinabi sa akin ni Matthew na nagpatigil talaga sa akin. That scared me the most.

"Mauna na muna kayo. Iwan niyo muna kami, mamaya ko na kayo kakausapin. Si Chloe muna ang kakausapin ko ngayon." sabi ko at tiningnan sila isa-isa.

"Kyle, ayusin mo to bago pa magkalabuan kayo" sabi ni Angel

"Now is the time for you to choose between the two. Choose who is really more important to you. Choose the person who is always by your side and doesn't leave you. The person who always covers you up even though you know it's your fault. The person you've known for a long time. At higit sa lahat ang taong mahal ka at mahal mo" seryosong sabi ni Stephen

Magkaakbay na naglakad paalis sina Angel at Stephen sabay naman sina Jake at Christian na tumango pa sa akin. Tumingin ako kay Chloe na tumigil na kakaiyak.

"K-kyle, I know you will believe me. Hindi mo naman sila siguro paniwalaan diba? Ako ang nagsasabi ng totoo" sabi ni Chloe at lumapit sa akin tiningnan ko siya ng seryoso. Puro pasa ang mukha niya habang si Angel naman ay isang sugat lang ang nakita ko sa noo niya.

Sa totoo lang parang nawalan na ako ng ganang makipag-usap kay Chloe. Ngayon ko lang ulit siya nakita at nakausap ng ganito simula nung umuwi kami galing ng activities nung nakaraan. Hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko sa kanya nung nakaraan kaya hindi ko na siya inistorbo pa hindi na ako nakatawag sa kanya ulit dahil sa dami na nangyari. Ngayon na nasa harap ko siya parang wala lang. Para bang kaklase na lang ang tingin ko sa kanya at hindi na mahihigit pa dun.

"Chloe-"

"K-kyle, please believe. I'm the one telling you the truth" sabi niya humakbang ako paatras sa kanya.

"Tell me what happened earlier."

"Ang unang nangyari kinausap ako ni Matthew may sasabihin daw siya sa akin na curious ako kung anong sasabihin niya kaya pumayag ako. Dito niya ako dinala sa loob ng basketball court. Ano ang iisipin ko dahil dinala niya ako dito ng kaming dalawa lang? Natakot ako Kyle na baka may gawin siya sa akin na hindi maganda" huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa baba.

"Kinausap niya nga ako at inakusahan sa paratang hindi ko naman alam. Pinagbintangan niya ako na ako daw ang gumawa. Maniwala ka Kyle, wala akong alam sa pinagsasabi ni Matthew at biglang pumasok sina Angel at Mhica. Sinigawan agad ako ni Angel at sinampal at sinabunutan. Aping-api ako sa kanya. Wala akong magawa dahil nag-iisa lang ako. Salamat Kyle dahil dumating ka. Thank you talaga" dagdag niyang sabi at tumingin na sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya ng seryoso habang iniintindi ang mga sinasabi niya.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon