Behind The Scenes

1.4K 69 31
                                    

Story behind the posted pictures last February 25 and 26... Nasa right side yung pics na tinutukoy ko...

Walang katotohanan to ah... Pawang imagination ko lang! Pasensya, author e!

Sana mag-enjoy kayo!

Game?

... 

... 

...

Let's start!

========================== 

Feb. 25, 2013 

Taping ng JhaBea for a Maynila episode ... (A/N: Reminder Guys sa April 13 daw yun ipapalabas according to Ms. Connie)

 

Nasa set na si Bea at nagreready na habang si Jake wala pa. Nakaupo lang si Bea sa isang upuan sa may holding area ng mga artista habang nagbabasa ng script. Maaga pa lang marami ng mga fans na nandun kasi holiday din ngayon. Maraming nagpapapicture kasama siya at wala namang pinipili ang dalaga at lahat pinagbibigyan niya. Matapos makapagpapicture ng lahat, pumasok si Bei sa may tent.

Bea: Nasan na po daw si Jake?

Ms.Connie: Manila na, malapit na daw... Hinahanap lang yung mismong location natin...

Bea: Ahhh...

Connie: Bakit? Miss mo na agad? Kakakausap niyo lang kanina sa phone ah...

Bea: Ui, wala po akong sinasabi ah...

Napatawa naman si Ms. Connie sa reaksyon ni Bea. Ilang sandali pa, narinig nilang medyo umingay sa labas ng tent. Lumabas naman si Ms.Connie para tingnan kung anong nangyari. Matagal din bago siya nakabalik sa loob.

Ms.Connie: Kaya naman pala umingay, may poging dumating...

Sabi niya pagkapasok sa loob. Natawa na lang si Bea dahil alam na niya kung sino ang tinutukoy nito. Maya-maya pa...

Jake: Good morning!

Bati niya kay Bea pagkapasok sa tent. Lumapit siya dito at nagbeso.

Jake: Sorry medyo late... Natraffic eh..

Bea: Okay lang yun, di pa naman nagstart e...

Jake: Oo nga e... Sino kasama mo?

Bea: Si Ms.Connie lang... Hinatid lang ako nina Mama dito e...

Jake: Ahh...

Bea: Mukhang natagalan ka sa labas ah...

Jake: Oo nga eh... Ang daming irises sa labas ngayon...

One Shot Stories (JhaBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon